CHAPTER 01

316 16 2
                                    


Black cap? Check.
Large black t-shirt? Check.
Three fourth maong pants? Check.
Itim na sapatos? Check.
Bola ng Basketball? Check.
Naka-pusod na buhok? Check.
Gwapong mukha. Check na check

"Nanay! Aalis na ako!"

"Saan ka na naman pupunta? Hindi ka na naasahan dito sa bahay!" Sigaw ni nanay mula sa poso, dahil siya ay naglalaba.

"Magba-basketball lang kami ng barkada! Aalis na ako!" Sigaw ko at tumakbo palabas ng bahay. Dumeretso na ako sa kubo na tambayan namin ng barkada ko.

~

"Oh Lj, aga natin ah?" Bati ni Patrick, at nakipag-apir.

"Bakit wala pa sila?" Tanong ko.

Naupo ako sa isa sa mga upuan sa kubo, at dumikwatro habang matamang nakatingin sa kanila.

"Ah kasi hindi pa sila dumadating" sagot naman ni Renz.

Ibinato ko sa kanya yung bola na hawak ko. Nasalo naman niya, inis ko siyang tinignan at tumatawa naman niyang binato-bato sa ere ang bola.

"Oh ayan na pala sila eh." Sabi ni Patrick, tumingin naman kaming lahat sa gawi kung saan siya naka-tingin at naka-turo, nakita nga namin yung tatlo na nag haharutan pa.

"Woi! Partakan ti!" Sigaw ko sa kanila, at tumakbo naman sila papunta sa kubo.

"Hi Lauren Joie!" Sigaw nilang tatlo, nang-iinis at nang-aasar. Alam kasi nilang mainitin ang ulo ko kaya siyang-siya naman silang mang-asar. Tsk! Alam din nilang ayaw kong tinatawang ako sa pangalan ko, lalo na't masyado iyong pambabae. Nagpauna na lamang akong mag-lakad papunta sa court at nagsisunuran naman sila, habang nag-lalakad ay nagku-kwentuhan sila. Hindi naman ako maka-sali dahil bukod sa malalim ang iniisip ko, ay tinatamad din akong mag-salita.

"Hoy Lj, mag-hanap naman tayo ng kapustahan. Tayo na lang nang tayo ang nag-lalaro eh." Brent. Saka umakbay sa akin.

"Tsk!" Inis ko naman iyong tinanggal.

"Oo nga Lj, para hindi boring. Hanap tayo ng kalaro para masaya." Si Biya.

Kung sabagay... alam na alam na namin ang galaw ng isa't-isa, mas mabuti nga naman talaga na maghanap nang bagong makakalaro. Bagong tao, bagong laro.

"Sige, hamunin natin ang mga pandak." Sabi ko.

Pandak, isa sila sa mga grupo dito sa Baryo namin. Pandak ang tawag namin sa kanila, dahil bukod sa maliliit sila ay minamaliit lang naman namin sila sa lahat ng bagay. Kung maangas ako, sila mayabang. Mayabang na walang maipagyayabang. Grupo lamang din nila ang may lakas ng loob banggain ang samahan namin, malakas ang loob nila palibhasa hindi kami pumapatol sa hindi namin ka-height. Sila ang naisip kong kalabanin dahil sila lang ang grupo dito sa lugar namin na gustong-gustong kinakalaban kami, hindi katulad nang iba na akala mo kakainin namin kung maka-tanggi.

"Sige. Tara, tara, tara." Aya naman ni Kokey.

Gwapo yan. Alien na abno kasi kaya Kokey ang naging palayaw. Amerikano ang ama kaya tisoy, pero abnoy.

Naglakad kami sa maalikabok na lupang kalsada, walang masyadong dumadaan na sasakyan dito kasi baryo. Kaya sakop naming pito ang daan kapag kami ang lumalakad.

"Lakad tayo ng lakad. Nasaan ba ang mga pandak?" Tanong ni Patrick at huminto.

"Boblaks! Lagi naman nasa court yung mga yun ay." Si Isko, at sumunod naman sa amin si Patrick na medyo naiwan sa paglalakad.

SHE, IS MY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon