Pagkatapos ng pagsasalu-salong iyon ay ilang araw na ding hindi na muli nasundan iyon. Kasalukuyan akong nag-iisip sa aking silid ng mga tanong at kasagutan na bumabagabag sa akin.
"Miss Estacio.." Mahinang bigas ko habang nakakunot ang nood. Bakit ka nandito? Hindi maaari. Paano? Bakit? Iyan ang mga katanungan kong nais ng kasagutan. Batid kong kilala siya ng mga panauhing dumalo ng araw na iyon. Hindi puwedeng walang nakakakilala sinuman sakanya, nandoon siya at imbitado.
Galing sa pagkakahiga at malalim na pag-iisip, napabalikwas ako ng bangon ng biglang sumagi sa isip ko na maaaring isa sa mga kapatid ko ang may kilala sakanya kaya naman dali dali akong bumaba at nadatnan si Tres na nagsisimula palang mag-umagahan habang nagbabasa naman ng kung ano sa mahabang sofa si Felix.
"Felix.." tawag ko nang makababa ako, umupo kaharap niya. Tiniklop niya ang kasalukuyang binabasa para harapin ako.
"Bakit iyon, aking kapatid?" may kuryosidad na agad na tunog sakanyang pagtatanong.
"Kilala mo ba iyong babaeng bisita na dumalo sa atin noong isang linggo?" Kunwari'y napa-isip pa ako, "Noon ko pa lang kasi siya nakita. Hindi pamilyar." Tanong ko na nagbakasakaling sana'y kilala niya nga ito.
Kumunot ang kanyang noo at tila may iniisip."Sino, Tashina? Iyong si Adalia Janelle ba iyong tinutukoy?"
Nanlaki ang mga mata ko, kung gayon kilala nga niya. "Oo.. Sino siya?"
Tumingin siya paligid at kay Tres na abala sa pagkain saka bumaling sa akin. "Hindi pa sana ako handa ipakilala siya sainyo, Tashiana" Lumapit siya ng kaonti sa akin at humina ang kanyang boses, "Siya ang babaeng iniibig ko, mahal kong kapatid." Sinsero niya akong tinignan sa mata at naglandas naman ang ngiti sakanyang labi.
Nanlaki ang mga mata ko tila hindi alam ang sasabihin. Paano? Habang tumatagal ay hindi ko na namamalayan na nagiging komplikado na pala ang mga nangyayari. Kahit gaano ko ka-gusto at kilalanin pa ang panahong tinahak ko ngayon, ay parang tumatagal mas lalo lamang itong gumugulo sa isip ko.
"Binibining Tashiana." Tawag ni Isme na siyang nagpabalik sa ulirat ko. Kung nagtagal pa ito'y baka mabaliw na ako.
Napaayos ako ng upo, "Ye-Bakit iyon, Isme?"
"Nasa tapat po ng barandilya si Binibining Kasandra at nais niya daw po kayong makausap." Aniya.
Bakit nanaman siya nagpunta dito? Kung gusto niyang makiusap na sana sakanya nalang si Sabier, ay wala na ako doon. Sana hindi na nila ako sinasama sa kung ano mang namumuo o mayroon silang dalawa.
Tumayo ako at humarap sakanya. Nadatnan ko siyang nakatingin sa kung saan saan, siguro'y naiinip na.
"Kasandra." Tawag ko sakanya nang makalapit.
Napatuwid naman siya ng tayo nang Makita ako at sumilay nanaman ang kayang ngiti. "Ana, nais mo bang mamasyal tayo? Batid kong nababagot ka na dito."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Anong meron?"
"Gusto ko lamang puntahan iyong burol kung saan tayo madalas na maglaro at mamalagi noong mga bata pa tayo, Ana." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Natatandaan mo pa ba?"
Tumango ako. Bagama't hindi ko alam ang sinasabi niya ay hindi ko aaminin iyon sakanya. Iniisip ko rin naman na wala rin naman akong gagawin ngayong buong maghapon kaya siguro'y magandang ideya na mamasyal nga kami sa sinasabi niya. At isa pa, kahit naman ang toto'y may nararamdaman akong labag sa aking loob para sakanila ni Sabier ay gusto ko parin siya bigyan ng pagkakataon na makilala ko pa.
"Sige, sino ang mga kasama?"
"Tayo lang. Gusto mo ba ay isama ko yung kabayo ng aking ama?" masayang wika niya matapos marinig ang tugon ko.
BINABASA MO ANG
The Lost Prince Of Spain
Historical FictionShe's Leign Sevilla, an Archeology student who is very eager to know the history of some things. Ngunit anong mangyayari kung sa sobrang kagustuhan niyang matuklasan ang kasaysayan ay mapunta siya sa panahong nais niyang pag-aralan. Ang panahon kun...