Kabanata 51

8.3K 278 135
                                    

Walang tigil sa pagbuhos ang luha ko habang tinatahak pabalik ang silid ni Javier.

Isang linggo. Kung hindi ko magagawa ang pinapagawa nila sa akin ay kamatayan ng pamilya ko ang kaparusahan.

Isang nagbabantay na kawal ang nagbukas ng silid nang mamataan ako.  Naabutan kong mahimbing pa rin ang tulog ni Javier.

Agad akong lumapit at naupo sa upuang nasa tabi ng kama niya. Magkasalubong ang kaniyang kilay at mabigat ang kaniyang hininga. Ramdam ko ang pagod na nananalantay sa kaniyang sistema.

Tinakpan ko ang bibig ko at mahinang humikbi. Paano ko magagawang saktan ang natatanging lalaki na nagparamdam sa akin ng tunay na pagibig? Ngunit paano ko rin magagawang biguin ang mga taong nagsilbing pamilya ko sa panahong ito?

Ngayon alam ko na kung gaano kahirap pumili sa pagitan ng mga taong mahal mo. Yes, they aren't the same love but they have the same value in my heart. Kung may magagawa lamang ako upang mapanatili silang pareho sa bisig ko.

Pinunasan ko ang luha ko at nagpakawala ng malalim na hininga. Isang halik sa labi ang iginawad ko sa natutulog na si Javier bago ako tuluyang lumabas sa kaniyang silid.

Tinungo ko ang kabilang kuwarto na siyang nakalaan sa akin. Agad kong binagsak ang sarili ko sa malambot na kama at doon ibinuhos ang naguumapaw kong damdamin.

That night I struggled to make a choice. Nagaalinlangan pa rin ako sa desisyong pipiliin ko. I don't want to hurt both side. Ayokong mawala ang pamilya ko dahil lamang sa makasarili kong pagibig kay Javier. Ayoko rin namang iwan si Javier kahit may matibay akong rason para iwan siya.

KINABUKASAN ay ang ikalawang araw na siyang ibinigay sa akin ng hari upang mamili. Nagising ako nang basa ang pisngi kaya mabilis kong pinunasan 'yon. Tatayo na sana ako nang maaninag ang pagkaing nakapatong sa pagdalawang mesa di kalayuan sa kama ko.

Agad akong nakaramdam ng gutom nang lapitan ko 'yon. Tulala ako habang kumakain kahit walang pumapasok na kahit ano sa aking isipan.

Matapos magayos ng sarili'y napagpasyahan kong pumunta sa silid ni Javier upang kamustahin ang pakiramdam niya. Nangunot ang noo ko nang madatnang walang tao ang nakahiga sa kama niya.

Hinalughog ko ang buong lugar at wala akong nakita kahit isa. Lalabas na sana ako patungong pasilyo palabas nang marinig ko ang isang mabagal at malungkot na musikang nanggaling sa labas.

Isang pamilyar na instrumento ang tumutugtog. Agad kong sinundan ang pinanggagalingan no'n at dinala ako nito sa labas kung nasaan ang sapa, at kung nasaan si Javier na iniihip ang pahabang bagay na yari sa kawayan upang lumikha ng ritmo, habang nakaupo sa isang malaking bato.

Imbes na lapitan siya ay sumandal na lamang ako sa haligi ng bahay at doon pumikit habang pinakikinggan ang napakahandang musika. Sa sobrang bagal at ganda nito'y para akong sanggol na hinehele.

Hindi ko alam kung bakit habang patagal ng patagal ang musika at palalim ng palalim ang ritmo ay bumalik sa akin ang napakaraming alaala. Noong una ko siyang narinig na tumugtog, noong panahong hindi pa namin alam na kaming dalawa ang mahuhulog sa isa't isa.

Kung bibigyan ba ako ng pagkakataong ibalik ang panahon kung kailan hindi pa iisa ang tibok ng puso namin ay magagawa ko nga bang ibalik 'yon?

Iniisip ko pa lamang na mawawala sa akin ang napakaraming alaala kasama siya ay sumisikip na ang dibdib ko. Hindi ko kayang talikuran ang lahat sa amin. Hindi ko kayang sukuan ang pagibig niya ngunit kung ganitong madami na ang nadadamay ay ano pa ang magagawa ng pagibig ko?

Sa lahat ng nangyayari'y napagtanto kong hindi sapat na puso lamang ang dala pag sasabak sa laban. Hindi tayo magagawang iligtas ng pagmamahal.

Huminto ang tugtugin kaya dumilat ako, sakto naman ang pagtama no'n sa mga mata ni Javier na nakatingin na sa akin ngayon.

The Lost Prince Of SpainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon