Kabanata 22

14.2K 457 78
                                    

Hindi ko maipagkakailang nagmumukha siyang prinsipe sa harapan ko ngayon. May itsura'ng ganito pala ang nag-eexist sa panahong ito.

Mataman siyang tumingin sa kulay kahel na kalangitan saka muling sumulyap sa akin.

"Tingin ko'y kailangan mo nang umuwi." sabi niya.

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Ayaw niya na ba 'kong kasama dito?

"Bakit ba sa tuwing magkasama tayo ay palagi mo na lamang akong pinapauwi?" tanong ko.

Narinig kong tumawa siya ng mahina sa sinabi ko! Natawa siya! Parang hindi ako makapaniwala dahil parang unang pagkakataon pa lang yun. Pero agad din siya nagseryoso, na realize niya siguro na hindi dapat siya nakikipagtawanan sa akin. Whatever!

"Dahil hindi tama iyong nandito ka pa gayo'y malapit na dumilim." sagot niya.

Umiling ako. "Ayoko pang umuwi sa amin, e." sagot ko, sabay tingin din sa kalangitan.

"May problema ba, Binibini?" banayad ang pananalita niya, tila gustong malaman lahat ng nasa isip ko ngayon.

"Marami lamang akong iniisip, Ginoong Sabier." bumuntong-hininga ako.

Tulad ng.. kung makakabalik pa ba ako sa panahon ko? Pa-paano ko magagawa yung pananaliksik ko rito? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa'yo, Sabier? O, paano ko malalaman kung sino ka ba talaga? Mahirap 'yun malaman ng sabay sabay, alright. Ni wala akong ideya kung gaano nalang ang itatagal ko sa panahong ito and yet, hindi ko pa din alam kung papaano pag tatagpi-tagpiin ang bawat pangyayari.

Nagpakawala siya ng hininga na para bang matagal na niya iyon itinatago. Lumipat siya at umupo sa katabi kong bato, umusog pa ako ng kaonti para mabigyan pa siya ng space.

"Batid kong hindi mo sasabihin sa akin ang nilalaman ng iyong isip marahil ay wala akong karapatan.." Uminit ang pisngi ko nang bahagya siyang lumapit sa akin. "Ngunit, ano ang maaari kong gawin upang maibsan ito, Binibini?"

Tumingin ako sa kanya pero hindi na nakatoon ang mga mata niya sa akin. Diretso lang itong pinagmamasdan ang kagandahan ng hardin.

"Marami kang kinikimkim, Binibini. Nararamdaman ko iyon-"

Pinutol ko siya, "Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, Sabier. Hindi mo maiintindihan, tulad ng una nating pagkikita at iyong labis na galit ko sa'yo noon 'nung sinundan mo ako. Ngunit ang tangi ko lamang naiisip ngayon ay ang kalagayan mo at ang pamilyang Conception."

"Huwag mo akong kaawaan binibini. hindi ko kailangan ng simpatya ng kahit na sino. Hayaan mong lutasin ko lahat ng aking problema."

Dinungaw ko siya ngunit nananatili lang ang kaniyang mga mata sa lapag.

Ma-prinsipyo siya. Ayaw niyang my naaawa sa kaniya. Ayaw niyang tulungan siya ng kahit na sino. Gusto niyang siya lang ang tumugon sa problema nilang kinakaharap ngayon.

Hindi na ako kumubo. Hinayaan ko na lamang salubyngin kami ng malamig at sariwang hangin. Masaya na ako sa ganitong sitwasyon namin  ni Sabier. Magkatabi, tahimik, at pinagpapasdan ang layo ng dalawang bundok na nasa harap nakin ngayon. Lubog na ang araw pero walang sinuman sa amin ang umalintana no'n. Im happy.

"Ano ang inyong ginagawa rito?" Isang lalaking buo at malalim na boses ang nagsabi no'n.

Mabilis akong tumayo at humarap."I-Isidro."

Hindi ko alam kung paano niya nalamang narito ako ngunit nakahinga na rin ako ng maluwag kahit papaano. Akala ko isa sa mga kapatid ko nanaman ang dumating at naabutan kaming magkasama ni Sabier.

Nilingon ko si Sabier na mabagal ang pag tayo saka pinagpaga nang pants niya. Tumingin rin sakaniya si Isidro.

"Sabier." Tawag ni Isidro sa isang matigas na tono.

The Lost Prince Of SpainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon