I feel numb.
Unti-unti at hirap kong idinilat ang aking mga mata. Agad kong sinalubong ang kadiliman ng paligid ngunit may munting gasera ang nakabukas hindi kalayuan sa akin.
"Ugh." Reklamo ko nang makaramdam ng labis na pagsakit ng iba't ibang bahagi ng aking katawan.
"B-Binibini.. g-gising ka na!"
Tuluyan lamang bumalik ang wisyo ko nang marinig ko ang boses ni Isidro. Nasa labas siya ng bakal na nakapagitan sa aming dalawa.
"I-Isidro, asan ako?" Natatakot at nanghihina kong tanong. Madilim ang paligid at tanging ang gaserang hawak lamang niya ang siyang nagbibigaw ng liwanag.
Itinaas niya ang kaniyang daliri at sumenyas sa akin na manahimik ako.
"Hindi tayo maaaring mag-ingay sapagkat magigising ang mga kawal na siyang pinatulog ko lamang upang makapuslit dito sa bilangguan." Pabulong na bigkas niya.
Doon ko lamang napagtanto na naririto ako sa bilangguan ng palasyo.
"B-Bakit ako naririto? Anong nangyari? N-Nasaan si ama, Isidro? Gusto ko siyang makausap.." pagmamakaawa ko.
Pumirmi ang labi ni Isidro at nag-iwas ng tingin sa akin.
"Maaari ba akong makiusap?"
"Makiusap ng a-ano?"
"Sa panahong ito ay hayaan mo munang maghilom ang iyong sarili. Unahin mo muna ang kapakanan mo sapagkat hindi tulad ng dati'y hindi ka na nag-iisa ngayon. Mayroon ka nang dinadalang tao. Sa oras na maging mas maayos ka'y pangako ko sa'yo, sasabihin ko ang lahat ng siyang dapat na malaman mo."
"Halika't lumapit ka sa akin. Gagamutin ko ang mga sugat at pasang tinamo mo." Sambit niya.
Doon ko lamang muling naramdaman ang sakit sa kabi-kabilang parte ng katawan ko. Tila sariwa pa ang mga sugat ko.
Lumapit ako sa kaniya't agad niyang nilabas ang mga halamang gamot. Tinulungan ko siyang ipantapis iyon sa mga sugat ko.
"Inumin mo ang gamot na ito upang maghilom ang sakit ng iyong mga sugat."
Inabot ko ang boteng ibinigay niya.
"Salamat, Isidro." Sinserong sambit ko.
"Lahat para sa'yo, binibini."
God knows how miserable I could be if without this man. Salamat panginoon, dahil kahit sa kabila ng lahat ng pasakit na ipinaranas ninyo sa akin, biniyayaan ninyo ako ng taong hindi kailanman ipinaramdam sa akin na nag-iisa ako.
"Mayroon din pala akong dalang makakain. Kainin mo ito at magpalakas ka, binibini. Makakasama sa iyong kalusugan ang panghihina ng iyong katawan."
Inabot niya sa akin ang pagkaing nakabalot sa makapal na tela. Kahit nais kong tanungin sa kaniya kung nasaan si ama ay mas nanguna sa akin ang matinding gutom dahil sa dala niya, ngunit nang buksan ko ang tela ay agad na sumama ang pang-amoy ko.
"A-Ano ba 'yan.. ang baho." Inipit ko ang ilong ko dahil sa hindi kanais-nais na amoy.
"A-Anong mabaho, binibini? Mabango ang kesong ito na galing pa sa Espanya."
"Alisin mo 'yan at 'yong tinapay na lamang ang kakainin ko."
Sinunod niya ang sinabi ko. Kinuha ko ang tinapay at agad na kinain iyon dahil sa sobrang gutom.
"Hindi na rin ako magtatagal at baka magising pa ang mga kawal. Magpahinga ka muna at babalik ako bukas upang dal'han kang muli ng makakain."
Agad akong nabahala sa sinabi niya. No, please. Even though I love nights, I fear darkness. Napakadilim sa lugar na ito. Kung hindi lamang dahil sa gaserang dala niya'y purong itim lamang ang makikita ko.
BINABASA MO ANG
The Lost Prince Of Spain
Historical FictionShe's Leign Sevilla, an Archeology student who is very eager to know the history of some things. Ngunit anong mangyayari kung sa sobrang kagustuhan niyang matuklasan ang kasaysayan ay mapunta siya sa panahong nais niyang pag-aralan. Ang panahon kun...