Kabanata 4

24K 642 102
                                    

"Tashiana! Halika na at maiiwan na tayo ng barko." Rinig kong sigaw ni Señora sa labas.

Nakatayo pa rin ako sa tapat ng mga nakahilerang baro't saya sa aking kabinet dahil nag dadalawang isip akong isuot iyon dahil sa Maynila ang punta namin. Sigurado akong pagtatawanan kami ng mga tao roon! At anong sasabihin ng mga tao pag nakita ako?

Lumipas pa ang ilang minuto ng pagtunganga ay ramdam ko nang nagagalit na si Señora sa sobrang tagal ko kaya isinuot ko na lamang ang isang baro't saya na bulaklakin. Okay na 'to ang mahalaga makakabalik na ko sa amin!

Nag ayos pa ako saglit ng mukha ko at saka lumabas. Naabutan kong naiinip na nagpapaypay si Señora habang nakaupo sa isang mahabang upuan.

"Diyos ko itong batang ito ay nagpaganda pa yata!" halakhak niya nang makita ako.

"Nariyan na pala ang binibini. Maaari na tayong umalis, Señora." Napalingon ako kay Sabier na bihis na bihis ngayon. Kulay itim ang kaniyang manipis na damit na tinupi hanggang siko at maayos ang pagkakaayos ng kaniyang buhok. Lumitaw ang mapuputing balat niya at kakisigan niya dahil doon.

"Sasama ka?" wala sa sarili kong tanong.

"Siyang tunay, binibini. Hindi nararapat na pabayaan lamang kayong lumuwas ng walang kasamang lalaki. Lalo pa't balita ko ay delikado raw sa Maynila." nakangiting wika niya. Ang pormal naman nitong lalaking 'to! Tss, panigurado ay sobrang makakakuha siya ng atensyon doon sa Maynila. Mas gwapo pa yata ang isang 'to kaysa sa mga artista.

Nagkibit balikat na lamang ako at tuluyan na kaming umalis. Sakay kami ng isang magarang kalesa. Wala pang ilang oras ay narating na namin ang daungan ng barko. Maraming kastila ang nakakalat sa buong lugar. Ngayon ko lang nalaman ang lugar na ito sa Cavite, may ganito palang lugar kung saan pinagpapatuloy pa rin ang sinaunang panahon. Nakakamangha.

Inalalayan ako ni Sabier paakyat ng barko. Nginitian ko siya bilang pagtugon.

"Magandang Umaga, Señora! Nakahanda na po ang inarkila ninyong silid." sabi ng isang lalaki sa amin. Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Anak po ninyo, Señora?"

"Oo, Jose. Ang aking bunsong anak na si Tashiana. Siya'y lumaki sa Maynila." tugon ni Señora habang iminumuwestra ako sa binata.

Tinanggal niya ang kaniyang sumbrero at itinapat ito sa dibdib. Ngumiti siya kaya tipid ko rin siyang binalikan ng ngiti.

"Ikinagagalak ko pong makilala kayo, Binibining Tashiana. Ako po si Jose.." pakilala niya sa sarili.

Tumango nalang ako bilang pagtugon.

Nag usap pa sila ng maikli at tumuloy na rin kami sa silid na inarkila ni Señora. May tatlong kwarto ang loob ng silid habang nasa gitnang bahagi ang sala na nakakamangha dahil sa ganda ng mga disenyo nito. Napakaraming woodcraft na disenyo at mga halaman.

"Magpahinga ka muna, Tashiana." ani Señora.

Tumango ako at pumasok sa kwartong nakalaan sa akin. Isang kama ang bumungad sa akin. Maliit lamang ang kwarto pero tingin ko naman ay sapat na ito para sa akin. Tutal pansamantala lang naman at ilang oras lang ay dadaong na kami. May isang mesa at upuan na yaring kahoy sa tabi. May lampara rin sa ibabaw nito na nagsisilbing ilaw para sa buong silid. Napaka sinauna.

Sinunod ko nalang ang utos ng senyora. Nahiga na muna ako at natulog.

Nagising ako sa katok kaya bumangon na ako kaagad. Isa pa'y kumakalam na rin ang sikmura ko kaya kailangan ko nang kumain.

The Lost Prince Of SpainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon