Episode 5: His POV

734 24 12
                                    

A/N: Sorry for the super dupper late update

VOTE

COMMENT

FAN!

---

[Kinji's POV]

"Ayusin mo kasi! Be the character!" Sigaw sakin ni Misaki. Lately,she's really getting in my nerves. Nakakairita na! Hindi niya ba napapansin na nahihirapan na ako? I can't keep up with her. Hindi ganun kadali ang magpaka otaku kung hindi ka naman isa. Para ko lang ginag*go yung sarili ko. Hindi porket nililigawan ko siya e kailangan niya ako sigawan ng sigawan dahil lang sa hindi ko magaya yung T*NGINANG CHARACTER NA YAN! PUCHA! 

Napa hawak na lamang ako sa aking noo. Hindi ko mapigilang hindi magalit sa kanya. ANO BA NAMAN KASI 'TONG GULONG PINASOK KO? 

"GAYAHIN MO KASI SI USUI!" 

Tinignan ko siya ng masama. Nakakairita na! Suko na ako sa kanya. Mahirap ang magpakatanga at magpa under sa isang babae na wala namang alam kundi puro Anime. Hindi ganun kadali na gayahin yung p*nyetang character na yan! Hindi naman ako otaku e! Kahit pagpilitan ko pa sa sarili kong maging otaku e kung ayaw talaga tanggapin ng utak at puso ko ay wala ang magagawa. Gaya nga ng sabi niya:

''Hindi natututunan ang pagiging otaku...kusa nalang iyan lalabas sayo"

Tumayo na ako sa aking pagkakaupo at hinubad ang suot suot kong costume. "Uuwi na ako" Ibinato ko yung damit at dumiretso na sa pinto at lumabas. 

Alam kong nakakabastos yung ginawa ko pero sa tingin ko e kailangan ko lang ng space at pahingga....gusto ko munang makapag isa.

Nahihirapan na kasi akong makipagsabayan sa kanya. Hindi naman ganun kadali ang mga pinagagawa niya....at mas lalong hindi madaling unawain siya kung hindi ko naman siya naiintindihan.

Mahirap ang posisyon ko ngayon. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ang panliligaw sa kanya o kung kakayanin ko pa bang magpakita sa kanya pagkatapos ko siyang iwan bigla. 

Madaming tanong ang mga nabuo sa akin utak. Talaga bang kaya ko pa? Ganun ba ako ka tanga para magalit lang sa napaka simpleng bagay? Well, Yes! NAPAKA BIG DEAL nun sa akin. Madami akong iniwan para sa kanya. 

Iniwan ko ang mga kaibigan ko dahil ayaw nila sa kanya. Iniwan ko ang pagiging varsity ko para lang masamahan siya palagi...lahit ginawa ko...pero siya? Ano? May ginawa ba siya? WALA!!!! Ang ginawa niya lang e mag utos ng magutos na gayahin ko daw yung anime niyang walang kwenta! (A/N: Bugso lang po ng damdamin yan....i love anime >.<) Madami na akong sinakripisyo...e siya? Meron ba? WALA.

Alam kong nililigawan ko palang siya pero kahit kailan ba hindi sumagi sa isip niya na nahihirapan na ako?  na hindi ko na kaya dahil magkaiba ang mundong ginagalawan namin. 

Siguro nga...magkaiba talaga ang mundong ginagawalan namin....at...hindi ako nababagay sa mundo niya...siguro nga kailangan ko nang bumalik sa sarili kong mundo...kung saan ako masaya....kung saan ang totoong Kinji nababagay.

---

A/N: Huwag po kayo magalit kay Kinji.... >.<

Dating an Otaku [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon