//Epilogue

635 19 9
                                    

A/N: Grabe, Ngayon ko lang naisipang magsulat ng epilogue para dito. Lalagyan ko din ito ng specials para masaya~

 

 

 

VOTE


 


COMMENT

 


FAN!!

 

 

---

//Epilogue

[Kinji Komuro's POV]

 

"*Okaeri Nasai Goshujin-sama~" Yumuko isa isa ang mga babaeng naka maid uniform sa akin.

 

*Welcome back, Master~

 

"Si Misaki?" Lumapit ako dun sa babaeng naka purple na maid uniform. Actually, siya lang ang pinaka may kakaibang uniform. Siya kasi ang manager ng maid cafe na ito.

 

"Ayun, nasa loob at nagbibihis~" Masayang sagot nito sa akin.

Ganun parin naman kami. Wala paring nagbabago. May mga oras na nag aaway kami dahil hindi ko siya maintindihan, ikaw ba naman, kausapin niya sa wikang Hapon!

Nga pala, Graduate na pala kami sa highschool at 1st year college na kami. Ang bilis ng pangyayari no? Isang ganap na maid na pala si Misa.

Pero syempre, joke lang yun. Hindi talaga siya maid at lahat ng ito ay isang panaginip lamang. Oo, isang gawa gawa. Fourth year highschool palang kaming dalawa at kasalukuyang nasa apartment ko.

Nakapikit ako ngayon at iniimagine lahat ng sinasabi niya. Uto-uto noh? Haha.

 

"Makikita mo akong lumabas sa isang pinto na natatakpan ng kulay pink na kurtina. Dali dali akong lumapit sayo at yumuko. Okaeri Kin-chan. Sabi ko. Sinuklian mo ako ng isang matamis na ngiti."

Dating an Otaku [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon