Dating an Otaku: Extras
Hello. Nagbabalik si DeathlovesBlack para magbigay sa inyo ng mga trivias at facts about sa story na to.
Unang una sa lahat, Bakit nga ba Dating an Otaku ang title ng story na to? Ayy naku mga oneesan to oniisan.(Ate at Kuya.)
Ganito lang po yan! Nung una e wala talaga akong balak na gumawa ng story na ganito ang plot. Oo, ayoko. Alam niyo kung bakit? Kase, mahirap.
Super hirap. Hindi ko alam pero nahihirapan ako kahit na isa akong ganap na otaku. Chos! Kidding aside, nahirapan ako kasi mostly ng animes na alam ko ay hindi gaano sikat dito sa pilipinas.
Nagsimula akong ma adik sa anime noong 7 years old po ako. Opo! 7 years old. Ang pinaka unang napanuod kong anime e Inuyasha at Detective Conan. (Yung hindi pa nadudub ng filipino or english.) Opo. Original Japanese po yung dub walang halong subtitles.
Bakit? Tumira po ako sa Japan for 7 years, though hindi ako ipinanganak dun. Hindi ko nga alam na nasa Japan ako e. Hindi kasi ako pinalalabas sa bahay kasi hindi ako marunong mag-nihonggo. Opo. Hindi po ako tinuruang magnihonggo kasi 'hindi' ko daw yun magagamit. So, nag aral ako dun ng preparatory. Saan? Sa isang international school. After ko mag aral ng prep ay bumalik na ako sa pilipinas.
Sa kasamaang palad e pinaulit ako ng prep! Grabe nu? Dalawang beses ako nag prep!
Balik tayo, Nung bumalik ako sa pinas ay iba na yung mga anime na kinalakihan ko. Ito yung mga anime na pinanuod ko simula prep(again) hanggang primary school ko. Yun lang naman ang Sailor moon, Cardcaptor Sakura, Inuyasha, Astroboy, Doraemon, Hello Kitty, Kerokeropi at syempre hindi mawawala ang Voltes V.
Nagulat nga po ako kasi sikat pala ang Inuyasha sa pilipinas? Chenes! Lumayo na tayo sa topic!
So ayun, nung April 2012 e naisip ko na yung plot para sa story na to. Yung original plot dapat nito ay Typical tsundere na otaku si Misaki tapos dumating itong chervalu transferee na si Kinji na agad agad naging hearthrob sa school nila. Ayun, nakita nga ni Misaki si Kinji na mag isa at lupasay sa sahig kaya nilapitan niya ito. (As stated sa episode one)
Dapat kasi may karibal si Kinji, ex ni Kinji at cosplay events to kaso dahil super short sa time at tatlo pa ang ongoing ko noon ay napilitan akong tapusin ito.
Punta naman tayo sa characters.
Misaki Akiyama- Galing sa pangalan ni Misaki Ayuzawa ng Kaichou wa Maid-sama at Mio Akiyama ng K-ON! Siya yung tipo ng babae na kaligayahan ang anime. Yung tipo ng otaku na mahilig sa mga bishounen.
Ang napili kong gaganap sa kanya ay si Seo Yeon ng T-ARA. Hindi ko alam kung bakit siya.
Kinji Komuro- Galing ang pangalan niya kay Kinji Tohyama ng Hidan no Aria at Takashi Komuro ng Highschool of the dead.
Nung una, si Teppei Koike talaga ang napili ko dito pero hindi naglaon, pinalitan ko rin ito.
Bakit si Park Tae Jun ang napili ko? Siya yung pinili ko kasi swak na swak siya dun sa role ni Kinji na medyo mainitin ang ulo.
-----
BINABASA MO ANG
Dating an Otaku [COMPLETED]
Teen Fiction[[PROPERTY OF DEATHLOVESBLACK: http://www.wattpad.com/user/deathlovesblack]] Nasubukan mo na bang umibig sa isang otaku??? Kung hindi pa...basahin mo na lang... READ!!!!! ヘ(^_^ヘ)(ノ^_^)ノ