>Michaela Vouchers<
[ring ring ring]
"Sh*t naman oh! Natutulog pa ako!" naiinis kong sabi habang kinakapkap ko ang cellphone ko sa bedside table ni Chris.
Doon na nako nakatulog sa bahay ni Chris kasi napuyat na ako masyado kagabi. Alam mo na hihi
Hindi ko na tiningnan ko sino yung tumawag dahil sa sobrang antok ko pa. P.S. katamaran pala.
"Michaela Voucher. Hello?" sabi ko. Ito yung linya ko sa lahat ng mga tumatawag sa akin. Malay ko ba kung client namin o hindi diba?
["bessss! Ako to! Tulungan mo ako!"] sabi ng nasa kabilang linya.
Doon lang nagising ang diwa ko ng mapagtantong boses ni Mona yung naririnig ko. Tiningnan ko agad ang screen ng phone ko para i check ang name ng caller. Si Mona nga talaga.
"Okay bes.. I'm listening." Ganyan naman talaga ang magkakaibigan diba? Katuwang sa anu mang problema.
Nagulat na lang ako ng makarinig ng parang sampal sa pisngi sa kabilang linya.
["Ouch!"]
"hoy gaga! Anung ginagawa mo? Sampal ba yun? Sinung sumampal sayo?" sunod na sunod na tanong ko.
["ako! Sinampal ko sarili ko! Ang sakit!"]
"gaga ka talaga! Malamang masakit! Anu ba ang problema mo?!"
Nakakapagtaka ang ikinikilos nitong si Mona.
Nag 26 lang naging abnormal na. Nakakatakot to! Baka ako yung susunod.
Habang hinihintay ang sagot ni Mona, naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Chris mula sa likuran.
Mukhang naalimpungatan yata sa ingay ko.
["bes! Malaking problema!"] parang maiyak-iyak na ang boses nito.
Doon lang kumunot ang noo ko. Parang may iba nga talagang nangyayari rito sa kaibigan ko.
"Mona, ano ba kasi yan?"
["besssssss.... Si dewwwww!"]
"Oh bakit? Mahal mo na?"
["Hindi yan!"]
"Mona! Deritsuhin mo nga ako!"
["Si Dew kasi... Nasa kama ko!"]
"OHMYGAD! OHMYGAD! ARE YOU F*CKING SERIOUS?" napabangon ako bigla sa narinig. Hindi ko alam kung tama ba ang naiisip ko pero hindi ko lubos akalain na magagawa ni Dew yun!
["Bes? A-ano na ngayon? Ma bu-buntis ba ako? Ma-mawawasak naba buhay ko?"] hikbi nito.
Paano ba 'to? Pati ako hindi alam kung ano ang gagawin! Tang ina naman tong si Dew oh! Di na nakapagpigil!
"Mag-usap tayo ng personal. Pupuntahan kita diyan sa Condo mo."
["okay bes."] hikbi lang nito bago pinatay ang tawag.
Napapalo na lang ako sa noo dahil sa mga kagagahan ng mga kaibigan ko. Sinimulan ko na nga ng kahibangan noong nag "friends with benefits" kami ni Chris.. Sumunod pa 'tong si Dew at Mona sa kabobohan namin.
"What is it?"
Nilingon ko si Chris sa tabi ko na nakabangon na rin.
"It's Mona.. I need to see her immediately."
Nabago naman ang ekspresiyon sa mukha ni Chris. Mababakas talaga sa mga mata nito ang pag-aalala.
Pero hindi na ito nagtanung pa. Inabot lang nito ang buhok kong tumabon na sa bandang kaliwang pisngi ko at inipit niya iyon sa tainga ko.
Habang para namang tumigil ang puso ko sa ginagawa niya.
Lumapit siya sa akin
At hinalikan ako sa noo.
Ito siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay pumapayag pa rin ako sa ganitong klase ng relasyon meron kami ni Chris kasi kahit kailan hindi niya ako itinuring na iba, marumi at nakakababa.. Nirerespeto pa rin niya ako at inaalagaan ng parang walang nagbago sa amin. At higit sa lahat, kapag kasama ko siya nararamdaman kung ligtas ako.
"You drive safely Chay, okay?" Sabi nito habang magkadikit ang mga noo namin.
"I will Chris."
------------------------------------------------------
©tidbits2017
BINABASA MO ANG
Meanwhile
RomanceMeanwhile is a story about a woman who finds "friends with benefits" with one of her closest guy friend very okay. Her mind set always end up of "at least I am not doing it to anybody else" but it all started to change when her GUY FRIEND introduced...