Chapter 7

20 2 0
                                    

Flashback

"Sean?" Patuloy ko habang hindi parin makapaniwala sa nasaksihan.


"Babe, let me explain." Sabi nito habang napasabunot ito sa sariling buhok.


Habang yung kalampungan na varsity player nito ay umalis na rin para hayaan kaming makapag-usap ni Sean.



"What the f*ck! What is this all about?!" Hindi ko na kayang kontrolin pa ang emosyon ko! naghahalo na lahat lahat!




"Chay...."




"Kaya pala sa ganda at seksi kong ito Sean, you never tried to kiss me even once! Tapos ipinagmamalaki ko pa yun kasi akala ko gentleman ka! Yun pala, gentle ka sa akin kasi hindi naman pala tayo talo!"




Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong umiyak. All this time, I let my heart loves him pero ginagago pala naman ako nito, ang masaklap pa, sa isang lalaki! LALAKI!





"Chay naman...."




"Get Lost SEAN! GET LOST!" Sigaw ko rito bago ako tumakbo palayo.




Now, this what I get from loving someone sincerely.



End of Flashback



Habang yakap na yakap ko Sean, bumalik sa akin lahat ng alaala pero wala na ang sakit.



Nagkaayos na kami nito noon. Nakipag-usap ito sa akin ilang araw matapos ang aksidenti. Sinabi nito lahat lahat, na hindi nito mapigilan ang sarili na magkagusto sa isang lalaki kahit ano pang pigil nito. Hindi naman nito kaya na malamang nakasakit siya ng isang inosenting babae na minahal siya ng lubosan kaya nakapagdesisyon itong lumayo muna. At doon nga ito nanirahan sa ibang bansa.




Matagal akong nakamove on rito, my whole third year was spent crying over him. Natoto akong uminom. Natigil lang ang kakaisip ko kay Sean after what happened between me and Chris during 4th year ng High School.



And Chris helped me a lot to forget.



Pero sa mga panahong iyun, hindi naman nawawala ang komunikasyon namin ni Sean na siyang dahilan ng pag-usbong ng matibay naming pagkakaibigan ngayon.


----------------------------------------------------------------

#tidbits2017



P.S. This is just a short update to satisfy your curiosity... ;)


MeanwhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon