>Michaela Voucher's<
It's been 2 days since that night, that worst night if my life. I have tried my best to avoid Chris.
Nasaktan ako sa ginawa nito. At mas nasasaktan akong hindi man lang ito gumawa ng kahit na anong paraan para lang humingi ng tawad sa akin.
Tawad? Oo! Naghihintay ako na mag apologise ito kahit alam kung wala namang mali sa ginawa niya diba? Kasi wala namang kami at kung ano mang namagitan sa amin, hindi niya yun kasalanan lahat kasi pumayag ako na mangyari yun.
Napasabunot nalang ako sa sariling buhok. Ngayon pa lamang umeepekto ang mga maling desisyon ko. Napakagaga ko talaga kahit kailan.
Bakit ba ako nasasaktan eh mag fubu (f*ck buddy) lang naman kami? Normal lang siguro 'to pagkatapos nang nangyari sa amin, normal lang na masaktan ang pride ko.....
"Tama! Pride ko lang 'to!" sabi ko sa sarili pero hindi ko maitanggi na ang sakit sakit sa loob.
Dalawang araw na akong nagpapakalubog sa trabaho. Dalawang araw na akong kulang sa kain at tulog.
At dalawang araw ko ng tinitiis na hindi tumakbo sa kanya
Kasi kung noon, kapag may problema ako, siya ang unang-una kong tinakbuhan pero ngayon hindi pwede dahil siya mismo ang problema ko....
Binalik ko na lamang ang focus ko sa ginagawang design ng building.
[knock knock]
"Come in!"
"Goodmorning Ma'am. Nagpatawag po si Mr. Johnston ng urgent meeting sa lahat ng members ng board."
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Makikita ko si Chris.
"Okay. Anong oras?"
"Ngayon na po Ma'am."
..............................................
Inayos ko muna sarili ko bago lumabas at nagtungo sa conference room.
Pagdating ko doon, kumpleto na lahat.
BINABASA MO ANG
Meanwhile
RomanceMeanwhile is a story about a woman who finds "friends with benefits" with one of her closest guy friend very okay. Her mind set always end up of "at least I am not doing it to anybody else" but it all started to change when her GUY FRIEND introduced...