Chapter 5

18 2 0
                                    

Pagkatapos kumain, naghugas ng pinggan si Chris.



Yeah... Good boy! ;)



Habang ako naman ang tagaligpit sa mga kalat sa kusina at tagaluto ng mga papapakin namin mayamaya lang dahil naisipan ng isang krong krong ang mag movie marathon.



At ang napili nitong panoorin ay ang Sex Coach.....



Wala na akong nagawa dahil ipinaggiit nito na siya daw ang masusunod dahil siya ang nanglibre ng haponan ngayon.



Ilang minuto din kami nag aso't pusa dahil ang gusto kong panoorin ay Anabelle the Creation.



Pero sadyang may debate power tong si duwag dahil kahit anong gawin ko ay ang bilis nitong makahanap ng isasagot sa akin.



Keso ganyan. Keso ganito.



"I'm done! Aren't you Chay?!"




Talagang naninira ng gabi! Naku! Kung pwede lang tirisin!



Hindi ko na lamang ito tiningnan at nag focus na lang ako sa pagluluto ko ng popcorn. Nang biglang pumutok ang isinalin kong popcorn......



Napasigaw ako bigla at napatakbo kay Chris at hindi sinasadyang napakapit rito na para bang bomba yung sumabog!



"ahm! ahm!" tikhim ng mokong.



Napadilat ako at napagtanto ang ginawa.




Bigla naman akong umayos at bumalik sa stove na may bitbit ng takip para itabon sa pan.



Ewan ko ba kung bakit naging matatakutin na ako ngayon.




"Bakit ka nagulat Chay? You were already popped..... years ago.." tukso nito na may kasama pang kindat.




Oh shit!




"Whatever maniac!"




"Maniac? Yet you were moaning."




"Chriiiissssssss!" sigaw ko sa inis. Talaga bang dapat isampal sa pagmumukha  ko?!



Tawa lang ang isinagot nito at nagtungo na sa sala.



" 'Yet you were moaning'nye nye nye." pagkokopya ko sa sinabi nito. "As if hindi siya nag eenjoy! Ilang ulit nga niya akong gapangin eh! Argggggg!"




.............................................................




Hopeless Romantic
Hopeless Romantic
Hopeless Romantic
Hopeless Romantic




Iyon lamang ang mga katagang pumasok sa isip ko mula sa pinanood namin.




Habang itong kolokoy, tawa ng tawa. Enjoy na enjoy.




Hindi ko na namalayan ang sarili ko na titig na titig parin rito. Minsan ko lang kasi itong makitang nag uunwind kasi napakaseryoso na nito noon kahit nasa High School pa lang kami.




Tanda ko pa na sa sobrang bugnutin nito, maraming natatakot na makipagkaibigan rito kaya wala itong social life.




Napasama lang ito sa grupo namin noong naging magkapartner kami sa isang investigatory project sa Science. Simula noon, palagi ko na siyang kinukulit lalo na nung nalaman ko na magkapitbahay lang naman kami.




Hanggang sa nasanay siya sa pagmumukha ko, sa kakulitan ni Dew, sa pagkamaldita ni Ashley at sa mga iba't ibang trip ng iba pa naming kabarkada. Nagsimula na rin itong mag loosen up sa amin at ipinakita kung sino talaga ito.




At ang tunay na kaibigan, kahit ano paman ang pagkatao ng isa ay tatanggapin at tatanggapin pa rin dahil kung totoo ang pagkakaibigan dapat lang na walang iwanan.




Kung saan pa nito pinapakita ang pagiging jolly side nito ay hindi ko alam. Ayaw ko kasing nagtatatanong masyado tungkol.sa buhay nito. Baka akalain pa akong chismosa.




Hanggang sa dinalaw na ako ng antok at ang huling imaheng nakita ko ay ang masayang ngiti nito bago pinangingibabawan ng dilim ang buo kong ulirat.




.............................................................

[ring ring ring]




Kinapa ko ang alarm clock ko sa bedside table.



Bedside table?




Teka? Paano nga pala ako napunta rito?



Agad akong bumangon at kinapkap ang sarili ko, "Oh may gad? Nag mosh mosh ba kami? Paano ako nasa pantulog ko na?"



Pero bago ko pa maisip ang mga iba't ibang bagay ay may nakita akong note sa mesa katabi ng alarm clock.




[Good morning Chay! Ang dali mo namang mapuyat, eh hindi ka naman ganyan kapag alam mo na. XD Binihisan na kita kagabi para komportable ang tulog mo. Don't.worry, we didn't have s*x. I want to do it if you are awake. Very awake. See you in the office.          -Chris]



Ang mokong kahit kailan talaga.




Pero natuwa ako ng malamang hindi siya nag take advantage sa akin. Minsan nakakainis ito pero nakakainlove ang pagiging gentleman nito.




What? Inlove? Wrong use!




Nakakamangha.





Bumangon na ako na may ngiti sa mga labi.





Kinikilig ba ako?

Pumasok na ako agad sa banyo at nagsimulang maghanda para sa trabaho.

Magsisimula na naman ang araw ko. Hahaixt.





.............................................................
>C-Johnston Site<

"Good morning Miss Voucher." bati ng guard.

"Good morning din sa iyo guard."

"Good morning Miss Voucher" ang receptionist.

"Same to you too."



Habang naghihintay sa elevator, nasa 6th floor pa kasi ang opisina ko, nagulat na lang ako ng may biglang tumakip sa mga mata ko.

Nalalanghap ko ang pamilyar na pabango nito....ang isa sa mga nagustuhan ko rito. Ngumiti na lang ako dahil alam na alam ko kung sino man ang gumagawa niyon. Kahit kailan talaga, hindi pa rin itong nagsasawa sa pabango nito.

"Will you remove your hands Sean Alcover?"

Oh jeez... I've missed this handsome adorable guy!

"You know me too well Michaela." sabi nito at tinanggal na ang mga kamay sa mga mata ko.


Humarap ako at nginitian ito ng pagkatamistamis. It's been a year mula ng huli ko itong nakita and still, he's lavishly gorgeous as ever. Like a greek god.


Narinig ko namang napasinghap ang mga kababaihan sa lobby.

Well, ] couldn't really blame them.


"Of course! I know you too well. My ex-boyfriend."

Inilahad nito ang mga bisig nito at agad naman akong yumakap rito.

"Great to see you again Michaela."

-------------------------------------------------

©tidbits2017

MeanwhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon