Chapter 1

20 2 0
                                    

The hard music at the bar was on. I keep on roaming my eyes to find my friends. Nang biglang may sumigaw nalang sa kaliwang tenga ko. "SINO BA HINAHANAP MO?! TANGA!!!"

Parang sasabog na yata ang eardrums ko sa sobrang lakas! Mas malakas pa sa music! Nilingon ko ang asungot na nagmamay-ari ng boses na iyon at nakita ko ang parang baliw na nakangising si Dew. Sinuntok ko ito sa balikat nito kahit alam ko namang walang mararamdaman ito dahil bugbog work out ang katawan nito. Para saan pa ba kasi ang pagmomodel niya diba kung hindi maganda ang katawan niya?

Tawa lang ang isinukli nito sa suntok ko. "Ano ba! Kanina ko pa kayo hinahanap!" sigaw ko din dito para magkarinigan kami.

"Paano mo naman kami mahahanap e nasa VIP area kami! Loka2 ka talaga! Sinabi na namin sayo na doon ka sumunod! Yan ang napapala sa mga busy!" sagot pa nito.

Hinila ako nito papunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan namin. Nandoon nga sila sa VIP area kung saan malalaki ang mga upuan.

Kompleto ang lahat. Nandito si Ashley na isa na ngayung sikat na Fashion Designer worldwide, si Dew na may topak na international model na rin, si Mona Liza na sumunod sa yapak ng mga magulang nito na naging isang sikat na pintor, si Angus ay ang tagapagmana ng Monetro Group of Companies, si Nick naman ay naging brain surgeon na, si Chris ay isang sikat na engineer at nagtayo ng sariling firm nito kung saan din ako nagtatrabaho bilang isa sa mga architect niya... sa C-Johnston Site. Pumayag ang mga magulang ni Chris na magtayo ng sarili nitong kompanya imbis na piliting magtrabaho sa kompanya nila na hindi naman niya gusto. Gumagawa ang kompanya nila Chris ng mga furnitures. Kilala ang Johnston Furniture sa buong mundo. Ang mga magulang nito mismo ang hands on sa mga designs ng kompanya.

Gusto bitawan ni Chris ang Johnston Furniture dahil unang-una gusto niyang mag designs ng mga bahay at gumawa ng mga bahay kesa gumawa ng furnitures. Pangalawa, mukhang nakuha yata ng nakababatang kapatid nito na babae ang talento sa paggawa ng mga furniture kaya ipinaubaya nalang nito sa kapatid.


"well well well. Ano pa ang hinihintay natin? Kompleto na tayong lahat diba? Simulan na natin ang BIRTYYYYYY PARTTTTEEEYYYYY!" si Dew.


"whooooooo!" Sigaw ng lahat at nagsimula na silang mag inuman.

Natawa nalang ako sa mga kaibigan ko. Kahat kailan talaga, kapag nagsamasama naku! Napakaingay pero napakasaya! Parang high school lang kami ulit. Umupo ako sa tabi ni Chris na kumuha rin ng shots nito.

"Bakit ka natagalan? Hindi ka naman galing sa opisina? Maaga kang umalis kanina."

Mahinang tanong sa akin ni Chris, ni hindi man lang ako nilingon.


Ano ba ang problema ng lokong toh! Parang ang init naman yata ng ulo masyado.

Hindi ko siya sinagot bagkos ay kinuha ko ang shots na para sa akin.

Nilingon ako ni Chris. Mukhang nagtataka yata bakit hindi ako sumagot.


"What?!" tanong ko sa kanya habang siya ay nakakunot ang noong nakatitig sa akin. "C'mon Boss!" pang-uumay kong sabi.

Bumaling ako sa Birthday girl na enjoy na enjoy naman sa KAGULUHAN ng grupo namin. "Wait, wait, wait! Hey Mona Liza Birthday Gurrrllll" sabi ko at bumaling ang lahat sa akin. Tumayo ako at hawak ko ang shots ko na ka rerefill palang. "To Mona" sabi ko sabay taas ko sa baso, "Alam kong tumanda ka na ng isang taon sa akin ngayon. 26 kana habang ako 18 pa."

Nagtawanan naman ang iba sa sinabi ko. Ang iba naman ay nag booo kahit kailan talaga panira ang mga to eh!



"oo na! 25 na ako!" sigaw ko sa mga nag boo. "balik tayo kay Mona. Mona! Gurlll 26 kana! Kaw yung unang nag 26 sa atin sa mga girls sa baliw na grupo nato! Nalimutan mo naba? May kasunduan tayo nun.. Kapag nag 26 alam mo na!" ginalawgalaw ko pa ang kilay ko para ipaalala sa kanya ang kasunduan namin nuon mga gurlz.

MeanwhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon