"Alam mo Kai, yung mga ganyang bagay hindi na pino-problema." Kasama ko ngayon si Julianne.
"Nasasabi mo yan kasi hindi ikaw yung kinilabutan at halos mabaliw kakaisip kung sino yun." Kinwento ko sa kanya yung nangyari nung isang araw, the random guy who texted me two days ago. Hanggang ngayon baliw na baliw ako kakaisip sa nangyari na yun, after nya mag-text hindi ko na sya ni-replyan. Malaman-laman ko lang talaga kung sino yun, papasok syang kalbo next sem.
"Hindi lang ikaw ang may case na ganyan, wag kang OA." Kahit kelan talaga tong si Julianne walang ng ginawa kung hindi kontrahin yung ginagawa ko.
Tumayo ako sa harap nya at kinuha yung phone ko na kapatong sa side table. "Ano ba gusto mong maging reaksyon ko? Matuwa ako kasi may nagtext sakin ng "I'm one of those fictional characters you read." Magtatatalon ako dito kasi may nabuhay na isang fiction character na kinakabaliwan ko, o gumulong gulong ako sa sahig sa sobrang kilig kasi may isang random na lalaki na hindi mo malaman kung psychotic o kung ano man at nagtext sakin ng katulad ng nangyayari sa librong binabasa ko." I crossed my arms and narrowed my eyebrows to her.
"Pwede ba, chill ka lang. Let's say na kilala ka nya, pero hindi mo sya kilala, hindi sya coincidence, sinadya talaga ni Mr. FC na itext ka." Kinuha ni Julianne yung phone ko at binasa nya ulit yung conversation naming nung lalaki. "The man who will feel chuchuchu, Lalaki nga sya, Check. Tinawag ka nyang Miss, at binanggit nya pa ang buong pangalan mo, ibig sabihin may katagalan ka na din nyang kilala, Check. Ang huli, may number ka nya, at ibig sabihin ng lahat-"
"Stalker sya. Period." Inunahan ko na sya, ang dami pa kasing sinasabi.
"Exactly!" Napasapo nalang ako sa noo ko, minsan talaga hindi nakakagaan ng loob kausapin to, lalo ka pang nai-stress.
"Seriously? Julianne Montenegro, paulit ulit ko na yang sinasabi sayo kanina pa, at ngayon lang nag-sink in sayo? Again, Seriously? Nakikinig ka ba o lutang ka parin dahil dyan sa gutarista mong manliligaw?" Konti nalang sasabog na ko, konti nalang talaga.
"Hoy, hindi ko yun manliligaw no! Alam mo Kai, wag kang magmukmok sa apat na sulok na kwarto mo, loosen up." Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa kama ko at pumunta sa mini walk-in-closet ko.
"Kung ano man ang iniisip mo ngayon, sasagutin na kita agad. Ayoko. No. Wala ako sa mood." Humiga na agad ako sa kama, at pinikit ang mga mata ko. Ayokong umalis ngayon, hindi ko feel makipag socialize sa mga tao sa paligid.
"Woah, dami mong bagong damit ngayon, kelan ka nag-shopping? Dapat sinama mo ko." Hindi pinansin ni Julie ang sinabi ko, naririnig ko ang pag halungkat nya ng damit kong nasa cabinet at ang mga sapatos na sa pagkaka-alam ko naka box parin hanggang ngayon, simula nung nagshopping kami ni kuya hindi ko pa nagagalaw lahat iyon.
"Yung sabi ko sayo na aalis kami ni Kuya, ayan muntik muntikan na nga bilin yung lahat ng tinda sa mall, diba sinasama kita noon, sabi mo kasi may gagawin ka." Napadilat ako ng mata at tinignan kung ano ang ginagawa nya.
"Buti pa ang kuya mo may taste sa damit at marunong mag-shopping, samantalang yung isa dyan, walang ginawa kung hindi, i-subsob ang mukha sa libro at manuod ng cliché lovestory sa dvd." Ini-isa isa nya ang damit na alam nyang ngayon lang nya nakita, at malalaman mo din naman kung bago kasi may tag price pa. Napatingin ako sa orasan na nakalagay sa side table ko, 3:29pm.
BINABASA MO ANG
I Was Enchanted to Meet You (KathNiel ♥)
FanfictionWhen the oh-so-called-love-at-first-sight hit you and got your butterflies-in-my-belly moments. What will you do? Do you want to destiny make it happen or you will do the first move to control things.