Walang nagsalita pagkatapos sagutin ni Robin yung tanong ko. Nagkatinginan si Arthur at Jayvee, na para bang naguusap sila sa mata. Bigla naman tumayo si Drake, tumingin kay Arthur at sumenyas na lalabas. Kasabay ng pagalis ni Drake ay sinuntok naman ni Jayvee si Robin sa braso.
“Kahit kelan ka talaga, hindi mapigilan yang bibig mo.” Napahawak naman si Robin sa kaliwang braso nya kung saan sinuntok ni Jayvee.
“Aba, sinagot ko lang naman si Kylie sa tanong nya.”
“Minsan lang sila magkasundo ang utak at sarili nya, tas babanat ka pa ng ganito.” Hindi ko makuha kung bakit sila nagtatalo ngayon. Hindi naman nagbago yung ekspresyon ng mukha ni Drake noong umalis sya. It mean may problema. Malamang may problema talaga, hindi naman magrereact yun kung wala.
“Hindi ko na kasalanan kung madaldal tong bibig ko.” Napailing nalang si Arthur sa sinagot ni Robin.
“Ewan ko sayo, bahala ka, ikaw kumausap kay Drake.”
“Nako sinasabi ko sayo Robin pag hindi bumalik si Drake ngayon, dalawang gitara tutugtugin mo mamaya.” Pagbabanta naman ni Jayvee kay Robin.
Narinig ko naman nagbuntong hininga si Robin at tumayo.
“Robin ako na, ako naman may kasalanan kung hindi ko din napigilan tong bibig ko, hindi sana ako magtatanong.” Tumayo ako at pinigilan si Robin, ako naman talaga ang may kasalanan.
“Hindi Kylie, ako na pupunta kay Drake. Hindi mo kilala yun, baka kung ano pa mangyari.”
“Ako ang may kasalanan, ako ang kakausap. Magso-sorry lang naman ako, yun lang, hindi naman siguro nanga-ngain ng buhay si Drake diba?”
“Hindi nga nangangain, pero pumapatay.” Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nya, seryoso ang mukha nya. “Joke lang, tayong dalawa nalang pumunta, tara.” Umalis na sya sa kinatatayuaan nya at pumunta sa harap ko. Tinignan ko naman si Julianne, alam nyang iniintay ko lang ang sagot nya, ngumiti sya at tumango.
“Tara?” I nod. Nauna sya sa paglalakad, hindi ko naman kasi alam kung saan kami pupunta kaya pinauna ko na sya. Napansin kong ito yung pinasukan naming kanina, so palabas kami ng Bar.
“Robin.” Kinalabit ko sya mula sa likod. Nilingon naman nya ako at huminto sya. “Ako kakausap kay Drake, baka kasi pag kayong dalawa lalong mainis sayo yun at mabigyan ka pa ng isa.”
“Anong isa?”
“Isang suntok. Lalaki sya at lalaki ka, hindi malayong hindi kayo mag-away, at least ako hindi nya ko magagawan saktan, una babae ako, pangalawa hindi kami close.” Nakangiting sabi ko naman kay Robin, alam kong hindi sya papayag pero unti unti na din syang ngumiti. Siguro na realize nya yung sinabi ko at possible talagang mangyari.
“Okay.” Nakalabas na kami, at papunta kami ngayon sa carpark. Nilingon naman ako ni Robin.
“Bakit?”
“Nandito na tayo.” Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid, syempre puro sasakyan ang nandito. “Nandoon sya sa Wildtrak nya.” Tinuro naman ni Robin yung Black na Wildtrak na halos limang sasakyan pa bago ito.
BINABASA MO ANG
I Was Enchanted to Meet You (KathNiel ♥)
FanfictionWhen the oh-so-called-love-at-first-sight hit you and got your butterflies-in-my-belly moments. What will you do? Do you want to destiny make it happen or you will do the first move to control things.