E N C H A N T E D - S I X

2.1K 28 2
                                    

“Kylie Hope! Grabe ka naman naka ilang missed calls na ko sayo ngayon mo lang sinagot!” Ayan na naman ang aga aga nanggu-gulo. Hindi ko na Malayan nakatulog pala ulit ako nung nagising ako kanina. Lakas kasi man trip nung nagte-text sakin. Hindi ko alam bakit big deal sakin yun, may something kasi. Nakakainis, ughh.

        “Ano ba problema mo? Nako Julianne nananahimik ako dito natutulog.”Kahit hindi ko na tignan yungoras, alam ko namang tanghali na talaga, kanina nagising ako 10am something, at maliwanag na din sa kwarto ko, ang taas nang sikat ng araw.

        “It’s already 12nn miss, may lakad tayo."

        "Na naman?”

        “Hindi lang tayo, can you open your door. I’m standing here almost 30 minutes.” Napatayo naman ako ng di oras, san na naman ba kami pupunta? At hindi lang daw kami aalis. Binuksan ko na yung pintuan ko, bumungad sakin si Julianne, syempre.

        “Ano ba namang outfit yan?” Paano naman kasi na, hat, sunglasses, halter top and shorts.

        “Obviously, we’re going on a vacation. Kaya magpack ka na ng gamit mo, dadating na din yung iba pa nating kasama.” Ano daw? Vacation? Sa suot nya ngayon, mukhang magbe-beach sya.

        “Sino naman ang nagsabi sayo na magba-bakasyon tayo?” Pumasok na sya sa kwarto at dumeretso sa mini walk-in-closet ko.

        “Your beloved big bro. He texted me after kitang ihatid, and kaninang umaga ko nalang nabasa. Pinagpaalam na din nya ako kay Kuya.” Bakit hindi sinabi sakin ni kuya kagabi? Kami magkasama sa bahay ako pa ang walang alam. Kinuha naman ni Julie yung maleta ko.

        “Bakit ngayon ko lang nalaman? Hindi nya naman sinabi sakin kagabi.” Sunundan ko sya kung saan sya pumunta, Binuksan na nya yung maleta ko at kumuha ng mga damit sa cabinet. “Uy wag na yang maleta, yung backpack nalang.”

        “Hindi, mas okay na to, kasya dito tatlong araw na damit mo. Mag shower ka na ako na bahala dito.”

        “What? Tatlong araw tayo dun? So we’re spending our all saints day and all souls day somewhere?” She nods. “Beach?”

        “Not yet sure. Let’s ask your kuya. Kaya maligo ka na at bumaba na tayo.” Tuloy parin sya sa pag aayos ng gamit ko. Ano ba naman to, wala sa sched ko ngayon sembreak ang mag beach or whatever. Wala na akong magagawa nandito na si Julianne at si kuya ang nag set.

        “Okay na? Wala na bang nakalimutan?” Nagcheck nang gamit si Kuya. Sabi naman ni kuya, sa Subic ang destination namin. Naka convoy daw kami mamaya, syempre kay kuya naman ako kasama dala nya yung Fortuner. Ang alam ko lang kasama ay yung kumag na Sky na yun, lakas na naman mangbwiset.

        “Tara na Kai, maya maya dadating na sila Sky.” Tumingin muna ako sa glass window sa gilid ng front door kung saan nagre-reflect yung sarili ko. Pinasuot sakin ni Julianne yung binili din ni Kuya last time, Halter romper na kulay red. Mas gugustuhin ko na to kesa dun sa isa nyang pinapasuot na una. Crop top na as in super crop, nahiya naman yung crop top sa bra ko, halos magkasing pantay na sila. Nagsusuot ako ng ganun pero hindi ganun ka oa, marunong naman sa fashion, hindi lang ako mahilg talaga mag shopping, bibili lang ako kapag kailangan. Dahil mapilit si Julie, as always naman inilagay nya parin sa baggage ko yung damit. “Kai, maganda ka na, you look hot in your red romper, lalo na siguro kung naka biniki na red ka pa!” Narinig kong tawa ni Julie at medyo napangisi din si kuya.

I Was Enchanted to Meet You (KathNiel ♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon