Chapter 1: Days

106 18 10
                                    


I was nearly killed myself in the bathroom.

January 5, 2020

Ms. Cortez Point of view
Eto na yung pangatlong beses na magkokonsulta ako, pero natatakot padin ako, ansama ng kalagayan ko at di ako handa sa kung anong sakit na meron ako, pero kailangan ko maging matatag dahil umaasa pa sakin ang mga magulang ko.

"Ihanda mo na ang mga reseta, maya-maya alis na tayo, wag ka nang malungkot dyan magiging maayos din ang lahat" -sambit ni Mrs. Flor

"Saglit lang nanay, sasabihin ko muna kina Ashley at Liam na aabsent ako sa school" sayang yung mga araw na papasukin ko, matatambakan nanaman ako ng mga gawain.

"Bilisan mo at baka mahuli tayo, alam mong saglit lang ang doctor dun, maswerte ka malapit nalang pupuntahan natin" -sagot naman ni nanay

"Opo kikilos na" Masaya sana kapag nandito si tatay mas mapapanatag ako, di bale pupuntahan ko din yung kapatid ko kina tita Elvie para naman may makausap man lang ako dito bahay. Nakakabagot kase puro messenger, fb, instagram, twitter lang ako.

Nakasakay na kami ng jeep patungong Port Guirera Hospital, di inaasahang nakasabay namin si Rose na isa rin sa mga kaibigan at kaklase ko sa school.

"Ikaw pala Cortez! Di kapala makakapasok sabi nina liam, sabihan nalang kita sa mga assignments, kopya kopya lang yan hahaha"-Pabiro ni Rose

"Okay lang salamat, magpapacheck-up lang ako kasama ko si nanay" sabay turo ko naman sa nanay ko sa unahan ko habang nakamasid sa malayo.

Ilang saglit lang ay bumaba nadin si Rose sa eskwelahan na pinag aaralan namin.

"Kita nalang tayo bukas! Ingat kayo Godbless! -pagpapaalam ni Rose na may halong ngiti at pag-aalala sa kanyang mukha.

May matandang nagbigay ng libreng rosaryo saking harap sa jeep at bumaba kasunod ni Rose

Nagulat ako ngunit nakaalis agad ito, di man lang ako nakapagpasalamat

Mukang mabait naman yung matanda at sa eskwelahan din ang tungo nya

"Nay baka pangpa-swerte!"ngunit di ako pinansin ni nanay at sinuot na lamang ang bracelet.

Di ko maintindihan ang mga galaw at reaction ni nanay simula nung umalis kami sa bahay. Kapansin pansin ang madalas na pagkataranta ni nanay

Binagtas na namin ang hagdan patungo sa room ng doctor, di uso sa hospital na ito ang elevator bagkus may kalakihan ito at pwede ka umabot ng ilang minuto bago mo mahanap ang iilang bagay. Nasa 4th floor na kami at tinungo ang Dr. Kim na nakapaskil sa kanang pintuan.

"May I talk to your mother?-asked Dr. Kim

"Yes, you may" I smiled at him, but there's something discomfort atmosphere na nararamdaman ko when I saw the face of the doctor.

After a long wait, lumabas na din si nanay at nagpaalam na kame kay Dr. Kim

***

"Nay, ano sabi ng doctor?" Tanong ko habang nakangiti para positibo ang maging kapalit.

"Ano bang meron sa buhay natin anak! Bakit ang malas naten,wala akong ginawa kundi magdasal anak! Binigyan ka isang taon para mabuhay, lumalala na pala sakit mo, ayoko na mabuhay anak! Mababaliw nako!! -sigaw ni nanay habang nakasandal at humahagulgol sa iyak, kita sa mga mata ang kawalaan ng pag-asa.

"Di totoo yan! wag kang magbiro nay! Andaming tumatakbo sa isip ko kung nananaginip lang ba ako, kung bakit mamamatay na'ko, wala ng mas sasakit na makita na umiiyak ang mahal mo sa buhay. Diko lubos maisip kung ano magiging reaction ng mga nagmamahal saken kapag nalaman nila ang totoo.

Dali dali akong pumunta sa palikuran at nag-isip kung paano ko pa ipagpapatuloy ng masaya ang natitirang araw ng aking buhay. May nakita akong blade at nagdalawang isip kung worth waiting for pa isang taong binigay saken. Nagdasal na lamang ako at biglang sumikip ang suot kong bracelet, napagtanto kong baliktad ang cross, sa kakaisip nagising na lamang ako sa patak ng tubig sa cr.

January 6, 2018

"anak! Kanina pa kita hinihintay, ihanda mo na ang reseta at maya-maya aalis na tayo" -sambit ni nanay

Sumunod na lamang ako kahit alam kong nakapagkonsulta na kami. Sarado na ang isip kong may pag-asa pa.

Fast Forward

"May I talk to both of you?" -Dr.kim

"Okay listen, we were happy to deliver good news! You're okay now, di mo na kailangang pumunta dito at uminom ng gamot, kindly sign this paper please, excuse me. -paliwanag ng doctor sabay labas ng kwarto.

"totoo ba to?" Nababaliw na yata ako

"Ano ka ba anak! magpasalamat ka nalang, bukas pumasok kana, naka isang absent kana ngayon" -tugon naman ni nanay

"Nay, galing na tayo kahapon diba? Nakita natin si Rose, pangalawang absent ko na to" pagtataka kong sabi kay nanay

"Anak, di mo ba nabalitaan? Anak ni Sarah yung namatay kapahon, mga pasadong 11:00 am, tsaka ano ba pinagsasabi mo? Si Rose yun, nanaginip ka lang, mga kabataan ngayon nako. Kay babata namamatay agad. -sambit ni nanay

"Nakita ko sya, totoo yun! Tinignan ko ang nakasulat sa pipirmahan na ibinigay ni dok, Jan 5, 2020

My Dark CalendarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon