Chapter 7: Bloody Room

52 11 1
                                    

Elvie's Point of View

Iba itong nararamdaman ko habang binabagtas ang hagdan paitaas na para bang may ibang taong kumakausap kay Michael

Unti-unting sumisikip ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na tensyon at emosyon na nararamdaman ko, tila ba tumataas ang mga balahibo ko

Napatigil ako sa aking narinig

Hmmm hmmm hmm

Sounds like a mother humming while carying a child

Inakyat ko ng mabilis ang kwarto ni Mike nakita ko siyang nakaupo lamang sapagkat bumungad din sa akin ang babaeng naka itim, maikli ang buhok at matangkad pero nakatalikod

"Sino ka!? Paano ka nakapasok dito?"

Humarap siya saken ng nakangiti at dilat na dilat ang mga mata, hindi ko magawang sumigaw kahit sa sobrang nakakakilabot ng kanyang mukha nagawa ko pading tibayan ang loob ko

"Lumayas ka! Wala ka sa lugar ng mga tao!"

Naglakad lamang ito ng paatras ng nakaharap ang mga katawan at nakangiti padin saken

Sinundan ko ang pinuntahan nya at nakita ko ang pintuang ngayon ko lang nakita sa bahay, imposibleng magkaroon dito ng kulay itim na pintuan at para bang may pulang ilaw sa loob.

"Tita?"

Isang bata ang tumawag sa aking likuran, nagulat ako dahil hindi naman nakakapagsalita si Mike pero siya nga dahil wala nang ibang bata sa bahay, nilingon ko sya at niyakap

"Thank you Lord, Mike! Nakakapagsalita kana! 'Tita' ang una mong nasabi!"

"Tita"

Ginamit nya ang hintuturo sa direksyong pinagmumulan ng pulang ilaw, unti- unting bumubukas ang pintuan kasabay ng sinag ng kulay dugong ilaw na hinding hindi mo magugustuhang makita

Naramdaman ko na lamang ang paghila sa paa ko patungo sa Bloody room

"Mike umalis kana!" Sigaw ko habang sinusubukan kong makatayo

Nakangiti lamang si Mike saken na parang natutuwa sa mga nangyayari

"Mike!"

Tuluyan na akong nakapasok sa bloody room kung tawagin ng mga taong naniniwala sa mga demonyo, ito ang pinagmumulan ng kanilang lakas at nabubuhay sila sa mundo ng mga kalungkutan at paghihiganti.

"Harapin mo na ako demonyo ka!"

May pumatak na dugo sa aking noo, saglit lang ay dahan kong sinulyap ang kaibabawan ng aking pinagtatayuan at bumulaga sa aking mukha ang dalawang babae sa paningin ko.

"Roseeeeee!!"

Isang numero ang nakita ko sa pader

"8?"

Cringgg.. Cringgg...

Minulat ko ang aking mga mata, subalit nasa sala ako ngayon, nakatulog yata ako at gabi na pala.
6:30 pm na at sino ba ang tumatawag saken?

Nakita ko si Michael naglalaro at ganun padin ang kilos

"Hello?"

"Tita si Ashley po ito, pwede po bang dito na muna si Cortez?"

My Dark CalendarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon