CHAPTER EIGHT

176 3 6
                                    

CHAPTER EIGHT

Medyo tinanghali ng pasok si Gabby, pero hindi pa naman siya late, pag pasok na pasok niya pa lang, alam na nyang something is going on sa opisina nila.

At ramdam na ramdam naman niyang siya na naman ang talk of the town.

Kumbaga nga sa twitter, trending na naman sya.

Pero hindi niya naman yon pinapansin.

Pumasok na siya sa office nila.

Gabby's POV

“Ma'am Gabby.” Tawag sakin ni Alaiza.

“Yes?” Ako

“Ma'am, ano kasi e.” Sya

“What? Kung ano man yang sasabihin mo, spill it.” Ako

“Ma'am, may anak ka na daw???” Sabat ni Angelo.

WHATTTTT?? Ako? May anak na? For pete's sake! San naman kaya nila nakuha yang balita yan?

“Daldal mo naman! Dinadahan dahan ko nga e.” Alaiza

“E bakit pa? Pwede namang sabihin na lang agad.” Angelo.

“HAHAHA! Enough guys. Kanino niyo naman nabalitaan yan?” Natatawang tanong ko.

“Dun po sa mga chismosa sa department ni Ma'am Denise. Nakita daw po kayo kahapon sa mall na may kasamang bata at hawak pa daw po kayo sa kamay at mukha kayong magmommy. Kasi magkamukhang magkamukha daw kayo.” Kwento ni Angelo.

“Really? Hahaha!” Lumapit ako kay Angelo, yung tipong face to face na kami.

“Mukha bang may anak na ko?” I said it with my seductive voice. Nakita ko si Alaiza nagblink blink lang. Hahaha. Hinawakan ko yung baba ni Angelo.

“Sara mo bibig mo, masyado ka ng nakanganga.” Sabi ko sabay alis.

Seriously? Mukha ba talaga kaming mag mommy ni Daniella? MY GAAAADDD! This is so annoying. Ayoko lang mabadtrip ngayong araw na to.

Jake's POV

Kanina ko pa iniisip, anak nga kaya ni Gabby yung nakita nila kahapon?

Pero ang gulo, kasi sabi ni tito Robert, single nga daw sya.

Ano nga? Single parent?

Konsensya:

E bakit ba gustong gusto mong malaman kung ano niya yon?

Wala. Masama bang malaman kung ano niya yon?

Maya maya pumasok na si Gabby.

“Goodmorning.” bati ko sa kanya. Hindi niya ko sinagot at tiningnan niya lang ako. Grabe talaga tong babaeng to.

“Suplada naman.” Sabi ko.

“What do you want Mr. Pervs?” Iritang tanong niya sakin.

“PMS?” Tanong ko sa kanya, she just roll her eyes. Hahaha. Iritable.

Gusto kong itanong kung totoo ba yung chismis na kumakalat, kaso baka naman maoffend sya. Pero gusto ko talagang malaman e. Hahaha. Chismoso ko ba? Hindi naman. Gwapo lang ako. Hahaha.

“Gabby. Ano. Kasi.” Takte. Bakit ganyan ako magsalita?

“What?” Taray talaga nito.

“A-no. Ka-si.” Nauutal pa ko.

“Ano? What???” Naiirita na yan.

“Ah. Eh. Kasi. Ano.” Takte. Ano na Jake? Magtatanong ka lang.

I Need To Believe In Love- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon