CHAPTER TEN

171 3 6
                                    

CHAPTER TEN

Magdedate na ngayon sila Denise at Jake.

Naiirita si Jake kay Denise, pero syempre nagpapakagentleman naman si Jake.

Sa isang fine dining restaurant sila.

Nakapagpareserve na pala si Denise dun.

“Jake, tell me, bakit wala ka pang girlfriend? Hinihintay mo ba ko?” Tanong ni Denise. Halos matwa si Jake nung narinig niya yon.

“Hindi naman sa ganon, pero may iba kasi akong gusto.” Palusot naman ni Jake.

“Sino namang gusto mo?” Tanong ni Denise na mejo naiirita na.

“Basta.” Sabi niya lang. Naiinis na si Denise.

“Punta lang ako sa powder room.” Sabi ni Denise.

Nang akmang maglalakad na siya papunta sa powder room, nabangga siya ng isang batang nasa tatlong taon ang edad.

“Ano ba? Fine dining to, bakit may batang patakbo takbo dito.” Sigaw niya.

“Sorry miss, hinabol niya lang kasi yung laruan niya.”

Jake's POV

“Sorry miss, hinabol niya lang kasi yung laruan niya.” Sabi nung lalaki, nagulat ako, kasi si Simon pala to.

“Bro.” Tawag ko sa kanya.

“Tol.” Sabay tawag niya din sakin.

“Long time no see ah. Sinong kasama mo?” Tanong ko.

“Ito, si Savannah at si Steph. Ikaw?” Tanong niya.

“Ahem.” Sabi ni Denise

“Ahh. Hello Vanana. Kiss mo si Ninong Jake.” Sabi ko kay Savannah habang buhat buhat to.

“Nong Jaaaa.” (Ninong Ja) Sabi ni Savannah.

“Ay, oo nga pala bro, si Denise.” Pakilala ko kay Denise

“Simon, bestfriend ni Jake.” Sabi ni Simon.

“Denise ang ----”

“Friend ko.” Sagot ko.

“Hello.” Sabi ni Simon at tiningnan ako at tiningnan ko din siya, alam na niya ibig kong sabihin.

“Ahem, excuse me.” Si Steph dumating na.

“Jakkkeeyyy. Ikaw pala yan. Gwapo natin ah.” Steph.

“Tagal na, ngayon mo lang nalaman? Kawawa ka naman.” Ako

“Yabang mo talaga. Sino kasama mo? Girlfriend mo? Sabi niya sabay turo kay Denise.

“Ah, hindi, friend ko lang sya.” Ngumiti ako kay Steph, alam na din niya ibig kong sabihin.

“Ahh. Hi, I'm Steph, bestfriend din ni Jake.” Sabi ni Steph.

“Hello.” Tipid na sagot ni Denise.

“Sabay na kayo saming kumain ah? Dito na din kayo.” Aya ko sa kanila at pumayag naman sila.

Denise POV

Nakakainis naman talaga, akala ko pa naman, masosolo ko itong si Jake, tapos ngayong parang nagkaroon pa sila ng mini reunion ng mga bestfriend niya. Nakakainis.

Nakakaimbyerna.

Plastican na naman tuloy.

Isa pa tong batang to, tingin ng tingin.

Pinanlakihan ko nga ng mata.

“UWAAAAAAAAAAAA.” Si gaga umiyak.

“Baby girl, why are you crying?” Tanong ko sa kanya.

I Need To Believe In Love- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon