CHAPTER ONE

417 7 14
                                    

[Ang Note Ko: Sis, dedicate ko to para sayo. Haha. Ayan na. Update ko na to, para bago ko magbakasyon, madami dami to. :)) Enjoy reading Sis. :D]

CHAPTER ONE

Matatapos na ang one week vacation ko at babalik na naman ako sa realidad na panay stress. Pag balik ko may stress agad, may idedevelop na naman kaming building. Hayyy! Makapag lakad lakad na nga lang, andito ako ngayon sa Palawan. Maienjoy muna ang beach.

Lakad. Lakad.

Lakad. Lakad.

Lakad. Lakad.

Makapunta na lang muna sa may tindahan, makabili ng beer, para naman kahit maglakad lakad akong mag isa dito sa may dalampasigan hindi ako magmukhang tanga.

Boss, isang beer in can.” Sabi ko.

Ok Sir.” Sabi nung tao dun sa may counter

Sir ito na ho.” Sabi nya sabay abot ng beer sakin at abot din ng bayad ko.

Naglakad lakad na lang ako at naupo na lang ako sa may dalampasigan. Bago nga pala ang lahat. Magpapakilala muna ko, malamang sa ibang nakabasa na nung unang story yung I'll give my heart to you, supporting character ako dun e malamang kilala na nyo na kung sino ako. Pero sa kwentong to, ako na ngayon ang bida. Storya ko na to ngayon. Pero magpapakilala ulit ako sa inyo. Ako lang naman ang nag- iisang si Joaquin “Jake the Great” Mendoza. Ang gwapong engineer! 26 years old. Single and still looking for the right one. OO, engineer na ko ngayon, sikat na sikat ako. Lahat ng kompanya pinag aagawan ako. Hahaha. Paano naman, gwapo na, matalino pa, lahat na ng bagay nasakin na, anong pang hahanapin mo?

Pero kahit na anong gwapo ko at gaano ko katalino, parati na lang may kulang. Hindi kasi ako magawang mahalin ng taong mahal ko e. First love ko pa naman yon. Hindi naman ako nagkaroon ng serious relationship, lahat flings lang, kaso lang yung babaeng gusto ko, may mahal na iba, kaya naman nakuntento na lang ako sa pagiging kaibigan nya.

Naalala ko yung mga kaibigan ko. Si Simon at Steph, masayang masaya na yung dalawa yon. May anak na nga sila e. Ninong nga ako e. Hahaha. Si Sophie naman at si Adrian, wala pa ding anak, pero nasa Canada sila ngayon, alam nyo naman si Sophia, ayaw dito magstay. Si Harvey naman nasa Italy pa din, kaming dalawa na lang ang hindi pa kinakasal, pero si Harvey naman may all time girlfriend yan. Para sa mga hindi nakakakilala sa kanila, basahin nyo ang I'll give my heart to you para makilala nyo sila at malaman nyo kung paano ako nahantong sa gantong sitwasyon. Kung lahat sila may lovelife na, ako na lang ang WALA Halos isang taon na din kaming hindi nagkikita kita, simula ng kinasal si Sophie at Adrian e.

Jake's POV

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ko ng mga bagay bagay sa buhay ko ng may bigla na lang akong narinig na para bang may umiiyak.

“sob.. sob.. sob.. sob.. sniff.. sob..”

Pakshet! Ano? Ngayon pa ko minumulto? Toungeinalungs! Lumingon lingon ako. Taena! Wala namang tao. Tumayo na ko sa kinauupuan ko ng may nakita kong babaeng nakaupo sa hindi may kalayuan. Nakasubsob yung mukha nya sa mga tuhod nya.

Lumapit ako sa kanya. Shet naman oh. Kababaing tao. Amoy alak. Tsskkk!

Miss, ok ka lang ba?” Tanong ko sa kanya. Unti unti nyang inangat yung mukha nya. Infairness naman, maganda sya, as in maganda talaga.

You don't care! Stay away from me.” Sabi nya sakin. Taray naman nito, nagtatanong lang ako kung ok lang sya e. =__= tatayo na sana sya ng bigla syang natumba, buti na lang nasalo ko agad sya.

I Need To Believe In Love- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon