CHAPTER SIX

185 4 6
                                    

CHAPTER SIX

Jake's POV

May tinawagan tong si Baliw, hindi ko alam kung sino, hindi naman sa pagiging eavesdropping ko, pero naririnig ko yung boses nung kausap nya, medyo malakas ang volume ng phone nya. Bata yung kausap nya. Sino kaya yon?

A. Kapatid nya

B. ANAK NYA???

C.Pamangkin nya.

D. Ano nya kaya yon?

Ay tangna, kung ano ano na naman pinag iisip ko, matutulog na nga lang ako.

Hindi naman ako makatulog, anak naman ng kung ano. Tssk. Napatingin ako kay Gabby. Nagulat ako kasi mukhang nanaginip sya e. Nagsalita pa sya.

“Mom, kunin nyo na sakin si Daniella, I can't take care of her. Please?”

Sino kaya si Daniella?

“Daniella, sumama ka na sa kanila, I know one day, iiwan mo din ako, kaya ngayon pa lang iwan mo na ko. Umalis ka na din sa buhay ko. Sanay ako ng mag isa.”

Iiwan ng lahat? Sanay ng mag isa? Ano bang misteryo ang bumabalot sa pagkatao mo Gabriella Velmonte?

Kung titingnan mo si Gabby, siya yung tipo ng tao na walang pakialam kung sino man mabangga nya, pero kung titingnan mong maigi ang mga mata niya, mararamdaman mo na ang laki ng kulang sa buhay nya.

Bakit ba ang kung ano ano iniisip ko? Mukhang nilalamig sya, tinanggal ko yung suot kong jacket at pinatong ko sa kanya, saka na ko pumikit at nagpumilit matulog.

-/*-*-*-

Denise's POV

“Angelo, asan na si Jake?” Tanong ko agad kay Jake, kahapon ko pa kasi sya hindi nakikita. >.<

“Ma'am wala pa din po si Sir.” Angelo.

“Saan ba kasi yun nagpunta, saka sino kasama nya?” Iritang tanong ko.

“Kasama po ni Sir Jake si Ma'am Gabby---” Sabi nya at hindi ko na sya pinatapos pang magsalita.

“WHAATTTTT? Si GABBY ANG KASAMA NYA?” Sigaw ko sa kanya.

“Opo.” Angelo

“Ma'am, bakit po? May ipapasabi po ba kayo kay Ms. Gabby?” Tanong ng isang babaeng ewan ko, secretary to ni Gabby, Alaiza yata.

“Sabihin mo sa amo mo, ang landi nya.” Iritang iritang sabi ko at umalis na ko.

NAKAKAINIS NAMAN TALAGA. Bakit naman sa dinadami dami ng pwedeng makasama ni Jake, si Gabby pa? Ang lakas pa naman ng ulan kagabi. Nakakainis talaga.

“Sis, problema mo?” Gillian.

“Magkasama lang naman si Jake at Gabby kahapon. At hanggang ngayon, ni isa sa anino nilang dalawa ay hindi ko pa nakikita.” Iritang irita na ko.

“Chill ka lang, pansin ko naman, mukhang hindi type ni Gabby si Jake.” Kris.

“Para nga! Pansin ko din yan e.” Gillian.

Sabagay, sa lahat ng bagay na pwede naming pagkaagawan, pag dating sa boys, hindi niya ko inuunahan, minsan nga yung may gusto sa kanya, pinagtutulakan na nya sakin, since ayaw nya talaga. Pero alam ko may naging boyfriend yan si Gabby, pero hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanila.

Gabby's POV

Unti unti kong minulat yung mga mata ko.

Errr! Bakit ganto? Parang nasa loob ako ng isang sasakyan?

Damn it! Nawalan nga pala kami ng gas, kaso tong si Pervs!

Anong nangyari? Bakit nakahiga na yung upuan ng kotse ngayon?

Lumingon ako sa kaliwa ko, nakita kong natutulog si Pervs!

Pag tingin ko sakin, nakapatong sakin yung jacket nya.

Tiningnan ko ulit sya, nakatshirt lang sya, pero halatang halata mo yung HOT na katawan nya.

DAMN IT! GABRIELLA, WHAT THE HELL ARE YOU THINKING??

HINDI. Hindi sya HOT!

HOT SYA.

DAMN IT. OO na, HOT NA SYA! =__=

Tiningnan ko ulit yung mukha nya, napaka peaceful.

Napakabait pag tulog. Walang lang mumulat. PERVERT.

Sa totoo lang, hindi naman talaga sya pervert. Pang inis ko lang yun sa kanya.

Ikaw ba naman tawaging baliw? Malamang nakakainis yon.

Nakikita kong naiinis naman sya kapag tinatawag ko syang pervert. Fair enough db?

Pero sa totoo lang, maganda yung kutis ni Pervs. Halatang anak mayaman din talaga.

Yung mga kilay nya, bagay na bagay sa mata nyang medyo singkitin.

Yung pagiging matangos ng ilong nya, bagay na bagay sa kanya.

Yung redlips nya, bumagay din sa kanya, kung naging babae sya, ang ganda nya.

“Kung sasauluhin mo lahat ng features ko sa mukha, baka hanggang panaginip mo, makita mo ko.” Sabi nya habang nakapikit at biglang ngumisi at minulat yung mga mata nya, so kanina pa pala sya gising.

“LECHE!” Sigaw ko sa kanya at naupo na ko ng maayos sa kotse.

“Hahahaha! Ikaw ha, tinititigan mo ko.” Asar nya sakin.

“Kapal ng mukha mo, gigising na sana kita para maghanap ka na ng gas station, at para makaalis na tayo dito.” Iritang sabi ko.

“Hahaha. Kunwari ka pa. Alam ko namang nagwagwapuhan ka naman talaga sakin.” asar nya pa.

“Ewan ko sayo.” Ako.

/*/-*/*-/*-/

Matapos ang napakatagal na panahon, nakabalik din kami dito sa city. Thanks God!

“Anong nangyari sa inyo bakit ngayon lang kayo nakabalik? Ang lakas pa naman ng ulan kagabi.” Tito Robert

“Kasalanan ho nung isa dyan.” Ako

“Ako pa talaga ha? Malay ko ba?” Jake

“Balita namin muntik ka na daw maaksidente Gabby? Ok ka lang ba?” Tita Amy.

“Yes po. Ok lang ako.” Ako

“THANKS TO ME, niligtas kita.” Jake

“Whatever!” Ako

“You know what guys, bagay kayo. Cute couple kapag nagkataon.” Tita Amy.

“Oo nga, pareho pa naman kayong single.” Tito Robert.

Jake's POV

“Oo nga, pareho pa naman kayong single.” Tito Robert.

So single naman pala tong si Baliw. Sabagay sino nga bang papatol dito? Nuknukan ng tapang, pangalan pa lang, palabang palaban na agad. E sino nga kaya yung batang kausap nya? 26 na sya? Posibleng anak nga nya? Anak sa pagkadalaga? =__= WALA AKONG IDEA!!

“O sige, umuwi na muna kayo, magpahinga na kayo, bukas nyo na lang isubmit yung report nyo.” Tito Robert.

Ganyan talaga kapag magaling at asset ng kompanya, anytime, pinapauwi ng boss. Hahaha!

“Jake, hatid mo na si Gabby sa kanila.” Tita Amy.

“Wag na ho, magtataxi na lang ako.” Gabby. Ayaw talaga. Inarte pa to.

“Hindi, ihahatid ka na ni Jake.” Tita Amy. Wala na din naman syang nagawa e. Buti na lang dito ko iniwan yong kotse ko.

Hinatid ko na nga sya, pero hanggang sa gate lang ng subdivision nila, sabagay, exclusive yung subdivision nila e, saka nag aantay na sa kanya yung driver nila. Grabe, nagtataka na talaga ko sa taong to e. Tssk!

[A/N: Hindi ko alam kung bakit ganyan ang update ko. :/ Pag pasensyahan niyo na. Pero maikli lang tong kwento na to.Ayoko kasi nung sobrang haba. Hahaha. Basta, enjoy reading ha?]

I Need To Believe In Love- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon