CHAPTER TWENTYTWO

145 0 0
                                    

CHAPTER TWENTYTWO

It's been two weeks na kami na sina Jake na at Gabby.

Hindi na din daw ililipat si Gabby ng office.

Gabby's POV

Nasa office lang kami ngayon ni Jake. Kanina pa ko kinakabahan.

Hindi ko alam kung bakit

Biglang nagring yung cellphone ko.

“Hello Yaya Sabel?”

“Sniff. Sniff.”

“Yaya? Bakit naiyak ka? Anong nangyari?” Tanong ko kay Yaya Sabel

“Iha, si Daniella.” Yaya Sabel. Pakshet.

“Yaya, anong nangyari?” Iritang tanong ko.

“Sabel. Kumalma ka muna dyan, ako na kakausap kay Gabby.” Narinig kong sabi ni Mang Tony.

“Gabby, makinig ka, nasa ospital kami ngayon, si Daniella naaksidente.” Nung narinig ko yun, para akong binuhusan ng malamig na tubig.

“Nasaang hospital kayo? Pupuntahan ko kayo, mang tony.” Natatarantang tanong ko.

“Nasa secret medical center kami ngayon.” Mang tony

“Sige po, pupunta na ko agad dyan.” Natataranta akong tumayo

“Anong nangyari?” Tanong sakin ni Jake, hindi ako kumibo.

“Kalma muna Gabby.” Sabi niya ulit sakin.

“Si Daniella nasa hospital, naaksidente daw.” Ako

“Sang hospital? Halika, puntahan na natin.” Siya

Umalis na kami ni Jake sa office.

Pagdating namin sa hospital, hinanap agad namin sila Yaya Sabel.

Nakita ko si Yaya Sabel naiyak.

“Yaya, anong nangyari?' Tanong ko at halos mangiyak ngiyak nadin ako.

“Asan si Daniella?” Tanong ko ulit.

“Nasa operating room pa siya.” Maikling sagot ni Yaya Sabel

“ano ho bang nangyari?” Tanong ko.

“Nag aantay sakin si Baby Ella sa school kasi maaga daw silang pinalabas ng teacher nila tapos sabi nung guard, may lumapit daw kay Daniella at kinausap. Pag kausap daw kay Daniella, umalis na, pero hindi nila nakita kung babae ba o lalaki, tapos hinabol ni Daniella, pero may matulin palang sasakyan na nasa likod niya at nabangga siya.” husky voice na sabi ni Mang tony.

“Sino kaya yon? Dapat paimbestigahan yon. Tatawag ako sa school nila” Sabi ni Jake at tumawag na nga dun.

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ngayong mga oras na to.

Hindi ako mapakali.

Bakit? Bakit kailangan pang mangyari to sa kanya.

Napaupo ako at naihilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko.

Naramdaman ko na lang na may kamay na humihimas sa likod ko.

“Magiging ok din ang lahat.” Si Jake pala.

“Bakit sa kanya pa nangyari yan? Bakit di na lang sakin.” Tanong ko kay Jake.

“Shhh.” Jake

Biglang lumabas yung doctor.

“Doc, kamusta na yung bata?” Tanong ni Jake sa doctor

“Hindi pa siya ok hanggan hindi pa siya nagigising, nagawa na namin lahat ng dapat naming gawin, ngayon ang gawin nyo na lang ipagdasal nyo o antayin nyo na magising na siya.” Sabi nung doctor

“Bakit kailangan pa naming antayin na magising siya? Gawin nyo lahat para magising siya, kahit gaano kamahal, babayaran ko kayo.”Sigaw ko sa doctor.

“Ginawa na namin lahat ng pwede naming gawin sa kanya” Sabi nung doctor at umalis na siya

Pumasok na ko sa kwarto kung nasaan si Daniella.

Ang daming kung ano anong nakakabit sa kanya.

Naupo ako sa may tabi niya, hinawakan ko yung kamay niya.

“Daniella, wake up, andito na si ate..*sniff Ano? Iiwan mo na din ako? Ganyan naman kayo. *sniff Kung iiwan mo din ako, wag sa ganitong paraan, wag mo akong iwan ng ganito. *sniff.” Kinakausap ko siya habang nakapikit siya, baka sakaling magising na siya, naiyak lang ako.

Lumabas ako ng kwarto kung saan nakahiga si Daniella.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.

Hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa chapel.

Lumuhod ako.

“Lord, bakit ganito? Alam kong hindi ako malapit sa inyo, pero sa pagkakataong to, lalapit ako sa inyo para hilignin sa inyo ang kaligtasan ni Daniella, alam nyo naman po na kaya ayokong naattach sa isang tao dahil iniiwan ako palagi, pero kung iiwan naman ako ni Daniella, pwede po bang wag naman sa ganitong paraan niya ako iwan?” Sabi ko lang.

“Ano bang kasalanan ko sa inyo? Bakit lagi na lang akong iiniwan ng mga mahal ko? Lahat na lang iniiwan ako. Si Jake din ba iiwan ako?” Patuloy kong sabi.

Jake's POV

Sinundan ko lang si Gabby sa chapel, nakaupo lang ako sa may likod niya habang sinasabi niya lahat ng nasa saloob niya.

“Ano bang kasalanan ko sa inyo? Bakit lagi na lang akong iiniwan ng mga mahal ko? Lahat na lang iniiwan ako. Si Jake din ba iiwan ako?” Sabi niya.

“Hindi. Hinding hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Pangako yan.” Niyakap ko siya.

“Wag kang mag alala, magiging ok din ang lahat. Magigising din agad si Daniella, yun pa.” Cheer up ko sa kanya.

Someone's POV

I went to Daniella's school.

I talk to her and tell her how bitch is her sister.

He fought for her sister, telling me that her sister is not a bitch.

And then I decided to leave her after saying what I want to say.

Apparently, she followed me and she was hit by a fast moving car.

I didn't mean to do that.

All I want to do is tell her how bitch is her sister.

Hindi ko naman sinasadya yong mga bagay na yon. :(

I Need To Believe In Love- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon