CHAPTER SIXTEEN

157 3 2
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Hinatid na pauwi ni Jake si Gabby sa kanila.

Hindi kasama si Daniella, dahil nagpaiwan ito upang makipaglaro sa iba pa nilang pinsan.

“Ok ka na?” Tanong ni Jake kay Gabby

“Oo.” Tipid na sagot ni Gabby

At bumaba na sila ng kotse ni Jake.

“Sige na, umalis ka na.” Gabby

“Walanjo to. Hindi man lang nagthank you?” Loko ni Jake kay Gabby

“Oh, thank you na. Ok na?” Gabby

“Tss. Napilitan pa. O sige, aalis na ko. Goodnight.” Jake

Tumango lang si Gabby at inantay na makaalis si Jake.

“Boyfriend mo ba yon?” boses ng isang lalaki galing sa likod ni Gabby.

Pagharap niya si Raphael ang nakita niya.

Gabby's POV

“Boyfriend mo ba yon?” Tanong ulit sakin ni Raphael.

“Wala kang pakialam, ano bang ginagawa mo dito?” Ako

“Gabby, please lets talk.” Raphael

“Wala na tayong pag uusapan pa.” Sabi ko at papasok na sana ko ng bigla niya kong hinawakan sa may braso ko.

“Please Gabby, mag usap naman tayo.” Siya, medyo naamoy ko na amoy alak siya.

“Lasing ka lang, at di ba sabi ko, wala na tayong pag uusapan pa.” Ako sabay alis ng kamay niya sa braso ko.

“Hindi ako lasing Gab, uminom lang ako, para may lakas ako ng loob na sabihin sayo yung mga gusto kong sabihin.” Raphael.

“Alam mo Raph, wala na tayong dapat pang pag usapan pa. Nung araw na nagdesisyon kang iwan ako, tinapos mo ng lahat satin, kaya ngayon, umalis ka na.” Sabi ko at naglakad na ako palayo sa kanya.

“Gab, gagawin ko ang lahat, just to win you back. Promise.” Sigaw niya sakin, pero hindi na ako nag abala pang kausapin siya.

/*----*/-*-*-*-

Hindi ko alam, pero parang nasasaktan pa din ako sa tuwing nakikita ko si Raphael.

Andito ko ngayon sa kwarto ko at nagmumuni muni.

At naalala ko na naman ang nangyari noon.

Flashback

Masayang masaya ako, kasi isang taon na kami ni Raph.

Ngayon, pupunta niya para sunduin ako, magbabakasyon kaming dalawa.

Hindi ko alam kung anong nangyayari, ang tagal ko ng naghihintay wala pa din siya.

Halos mga tatlong oras na kong naghihintay.

Sa tuwing tatawagan ko naman siya, hindi siya sumasagot.

Bigla akong kinabahan. :/

“Iha, baka naman natraffic lang si Raph, o kaya nalobat lang kaya hindi mo makontak.” Sabi sakin ni Yaya Sabel. Nginitian ko lang siya.

Matapos ang halos limang oras kong paghihintay, dumating si Raphael.

“Gab, we need to talk.” Yan agad ang bungad nya sakin. Lalo akong kinabahan.

“Ahh. Osige, ano bang pag uusapan natin?” Tanong ko sa kanya, nasa sala kami ngayon.

“I'm breaking up with you.” Maikling sabi niya sakin.

I Need To Believe In Love- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon