Letters for You
By: MsStarlightBlue4579*Introduction*
let·ter \ˈle-tər\
noun: a direct or personal written or printed message addressed to a person or organization
***
"Kazumi! Yung attic linisan mo na. Ilang araw na tayo dito pero hanggang ngayon di mo pa rin yon nalilinisan. "
Napaismid na lang ako at dahan dahang ibinaba ang phone ko sa may table.
"Opo. Pero tatapusin ko muna yung breakfast ko, " sabay subo ng cereal sa aking bibig.
"Basta bilisan mo ha? You don't have all day Kazumi." I just nodded kahit alam kong di naman ako makikita ni Mama. Andun kasi siya sa garden.
After a couple of minutes, natapos rin ako ng kain. I washed the plate at tsaka yun iniligpit. Habang iniligpit ko yung pinagkainan ko, tumingin naman ako sa labas ng bintana.It had been a week since we moved here from Japan. Si Papa Japanese si Mama naman Filipino. We moved here due to personal matters. Marunong akong magtagalog. I visit the Philippines more often kasi.
Pero aaminin ko, mamimiss ko yung cherry blossoms namin dun sa dating bahay namin. Mamimiss ko rin yung snow kasi sabi ng mga pinsan ko, Philippines had a tropical weather.Habang pinagmamasdan ko yung malaking puno sa labas, may dumaan na lalaking nakasuot ng isang baseball cap at nakasakay sa kanyang bisekleta. I just rolled my eyes at tsaka naglakad papunta sa attic.
Unti-unti akong umakyat sa hagdanan na probably inilagay ni Mama para makapaglinis ako doon.
Pagkarating na pagkarating nakin dun sa attic ay napatakip nalang ako sa ilong ko. Maalikabok kasi dito. Feather duster lang ang dala ko at isang flashlight kasi medyo madilim rin.
As I was rummaging through the things up here in the attic, my eyes caught something shiny.
Gumapang ako papalapit dun at napakunot ang noo ko dito. It's a box. An old box to be exact. Ano nga ba yung word... A! Baul! Yes! Isa siyang baul! Mga 12 inches ang laki.
Napanguso nalang ako nung mahawakan ko ito. Maalikabok kasi. Kakatapos ko lang maligo kanina.
Tinanggal ko yung alikabok gamit ng feather duster na dala ko.Akala ko may lock. Wala pala. At first I was hesitant kasi baka may patay sa loob nito. Gosh! I've been watching too many horror movies lately.
Pero at the end, binuksan ko naman yun. Nagulat nalang ako nung mabasa ko yung unang bumungad sa akin pag open ko nung box.
It's written in gold. Well it's just a color (probably). Ito yung nakasulat.
Letters for You
Namangha nga ako kasi nagshine pa ito habang binibigkas ko. Letters? For me? Napatingin naman ako dun sa loob ng box. I was hoping for something precious but then was dissapointed to see papers.
Papers? Gosh. Papel lang naman pala yung laman. Tsk tsk. Sinarado ko yun at tsaka nangako sa sarili na lilinisin ko na talaga yung attic.
Letters for me daw? Sus!
Pagkatapos kong linisin yung attic, napahawak nalang ako sa tiyan ko. Gutom na ako eh. I was about to climb down the ladder nung makita ko ulit yung box.
It's like it's inviting me to open it. Ewan. There's this some sort of urge that makes me want to get it. At dahil nga gutom na ako, kinuha ko nalang yun at tsaka ko ito dinala papunta sa kwarto ko.
Nilagay ko muna ito under my bed at tsaka dumiretso sa kitchen.
After lunch, imbes na makalimutan ko yung box, parang di ko yata ito nakalimutan. Parang nakatatak ito sa utak ko. Kaya dumiretso ako sa kwarto at kinuha iyon.
I opened it and once again saw the words.
"Letters for You"
Unti-unti akong nacurious. Habang nakatitig ako sa mga papers, may nakakuha sa aking atensyon.
And then I started reading each of those papers...
BINABASA MO ANG
Letters for You
General FictionLilinisin na sana ni Kazumi ang attic pero may nakakuha ng atensyon niya. It's a chest - somewhat like a treasure chest. Nang buksan niya iyon, bumungad sa kanya ang mga salita na, "Letters for You". Medyo nadismaya pa nga siya nung makita niyang mg...