Letter #1
Dear Paper,
Hi. Magsusulat pala ako sa iyo. Wala akong ibang naisipan na susulatan ko tungkol dito eh. Kaya kung sana, ikaw nalang.
Ano nga ba ang gusto kong sabihin sa'yo? Isa siyang kwento actually. Kwento ng buhay ko. Ikaw sasabihan ko ha? Tutal. Papel ka lang naman.
So ito nga... All my life feeling ko trinaydor ako ng bestfriend ko. Akala ko di niya ako iiwan. Pero bakit ganun? Nung dumating si Patty, nawalan na siya ng oras sa akin? Bakit ba feeling ko out of place ako sa kanila? Bakit ba feeling ko, ayaw ko nang sumama kasi may pumalit na sa akin?
Nagsimula ito noong 3rd year highschool kami. Naaalala ko pa. Galing kami nun sa canteen and as usual, bumili kami ng fishball at juice. Favorite snacks kasi namin yun. Pero biglang lumapit sa amin si Patty.
"Uy! Fishball at juice! Alam nyo, masarap yan!" tumango lang ako sa kanya kasi tahimik kasi kaming dalawa. Kami ang pinakatahimik kaya sabi nila, bagay talaga kaming magbestfriends.
"Pero... Mas masarap kung sabayan niyo ng tinapay. Ito oh! " masiglang wika niya sa amin. Tinanggap naman ito ni Katie. Bestfriend ko.
Kinain niya yung tatlo at napangiti nalang sabay sabing, "Oo nga... "
Simula nun, kasama na namin palagi si Patty. Tatlo na kami. Yeheey! Siyempre masaya ako kasi may kaibigan na naman kami.
Masaya naman siyang kasama. Napakaingay nga eh. Pero okay lang. Siya madalas yung taga suggest ng pagkain sa amin. Mabait din siya. At higit sa lahat, hindi ka aantukin kapag kasama mo siya.
Pero di pala lahat 'ayos lang'.
Mahirap pala kapag tatlo na kayong magkakaibigan. Di maiiwasan ang may 'magbestfriends' na dalawa lang.
Naaalala ko pa noon. Vacant kami sa isang subject. Gusto ko sanang makipagkwentuhan kay Katie tungkol sa pagdating ni Ate sa bahay. Galing kasi siya sa Maynila. Pero nung kinalabit ko siya, biglang sumingit si Patty at tsaka nakipagkwentuhan sa amin.
Dahil sa inis ko, di ako nakinig sa kinukwento niya. Nakakainis kasi. Kaya at the end, si Katie lang yung kinakausap niya. Siya lang kasi yung nakikinig.
Lumipas ang ilang araw... Ganun parin. Gusto kong magkwento kay Katie pero parang di ako makakuha ng tamang oras. Andyan kasi palagi si Patty. Kinukwentuhan niya palagi si Katie. Nagtatawanan sila, nagkwekwentuhan at kung ano ano pa.
Oo na... Aaminin ko. Nagseselos ako sa kanila. Kaya ang ginawa ko? Dumidistansya ako sa kanilang dalawa. Sa tuwing magkasama sila, nagh-headset ako o di kaya'y naglalaro ako sa phone.
At ang worst, naiinis ako sa pagmumukha ni Patty. Isa siyang mang-aagaw. Masama na kung masama pero di ko maiwasan.
Ilang buwan ang lumipas, at feeling ko ako yung pinakatahimik sa aming tatlo. Ako yung dumidistansya. Ako yung loner. Ako yung 'study na lang' type sa amin. Ako yung parang 'walang kaibigan' sa amin.
Hanggang sa nagtapos kami sa highschool, naiinis parin ako kay Patty. Nagtapos ako bilang Valedictorian kasi dun ko binubuntong yung galit at inis ko sa pags-study. Dun ko tinapon lahat ng oras ko. Feeling ko napakasama kong kaibigan, kaya dinidistract ko yung sarili ko sa pag-aaral.
Noong nagcollege kami, nagkahiwalay kaming tatlo. Ay mali. Silang dalawa ang hindi nagkahiwalay. Parehas ang kinuha nilang kurso. Lalong lumaki yung inis ko kay Patty.
Ako? Nagtapos ako bilang isang Doctor. Ilang years ko na silang hindi nakikita. Balita ko may asawa na nga si Patty eh. Hindi man lang ako inimbita sa kasal.
Si Katie at si Patty, parehong nagtapos ng Architecture. Mas una silang nagtapos kesa sa akin. Si Katie? Ayun. Nagtrabaho sa Maynila. May boyfriend na nga raw. Pero ako? Heto. Talamak sa trabaho. I became workaholic. No boyfriend. No friends. Ganun ako katigang.
But then... Dumating yung reunion ng class namin. At first I was hesitant to go there kasi nga, andun si Patty. I hated her. I loathed her. But then... Andun naman si Katie. I missed her already. Kamusta na kaya yung lokang yun?
And so, present ako sa reunion namin. Well actually this is the 4th reunion ng batch namin. I wasn't able to go there kasi busy ako noong sa first three reunions. But then I cleared every bit of my schedule for this.
Pagkarating ng pagkarating ko dun, una kong nakita si Katie. She looks... Well different. She looked more fashionable at habang tinitingnan ko siya, I noticed that she always talk. In tagalog, maingay siya. She used to be silent. We used to be the 'Silent Duo'. But everything changed because of Patty.
Si Patty na napakaingay. Si Patty na matalino. Si Patty na... mang-aagaw.
Lalapitan ko sana si Katie. Pero may biglang lumapit sa kanya. Napatitig nalang ako nung nagyakapan silang dalawa. It's Patty.
Maikli na yung buhok niya. Nakahigh heels. Mini skirt. Letc**... May asawa na pero ganyan pa. Tsk. Nakamake up rin. Tsss...
Nagtitilian pa nga sila. Tsk. Ako? Walang kamake up make up sa mukha. Yung suot ko ay t-shirt at pants lang. Hanggang ngayon, pangit pa talaga ang sense of fashion ko. Hanggang ngayon...
I was to turn my back against them. Napag-isip-isip kong this is a bad idea. Baka masapak ko si Patty sa mukha. Pero, may tumawag sa pangalan ko.
I didn't bother to look around. I know that voice. That very annoying voice that always annoys me everytime I hear it.
Pero may isa pang tumawag sa akin. Si Katie. Di ko mapigilan ang sarili ko. I cared for her. Simula elementary palang kami ay bestfriend ko na siya kaya its hard to see her with another bestfriend. Lumingon ako.
Nakangiti silang dalawa sa akin. I don't know why pero agad kong hinawakan ng mahigpit yung sling bag ko. I felt... Mixed emotions.
Lumapit silang dalawa sa akin. Kumekendeng kendeng pa. Malapit na nga akong matawa. Pero... Natawa pa rin ako. Ang kengkoy kasi nilang tingnan. And then at that very moment, I realized something.
I laughed. And it wasn't fake. I laughed because it is funny. I laughed sincerely.
Natawa nalang din sila pagkalapit nila sa akin. Yung ngiting umabot sa kanilang mata.
"Huy ikaw! Bakit di ka present nung kasal namin ha? Walang hiya ka! Halos maiyak ako dun ah kasi yung isang bestfriend ko di sumipot sa kasal ko. " sabi ni Patty habang nagpout.
Inismiran ko siya at tsaka sumagot.
"Hindi mo naman ako binigyan ng invitation ah? "
Medyo nagulat siya dahil sa sinabi ko.
"Ano?! Binigay ko yung sa co-Doctor mo eh! Loka! Papatayin ko talaga yung doctor na yun pag makita ko iyon ulit! "
Natawa nalang ako. Parang sabi ng utak ko na, 'Ah kaya pala... '.
"At ikaw! Congrats! Doctor kana ateng! " sabi naman ni Katie habang inaalog yung katawan ko.
"Che! Kayong dalawa rin! Congratulations. Architects na kayo. "
Pagkatapos nun, nagmeet na kami sa iba pang classmates namin.
At that very moment... Di ko maramdaman ang inis na matagal ko nang tinatago para kay Patty. Nakilala ko rin yung asawa niya. Mabait din naman. They deserve each other.
Si Katie? Ayun. Ayaw tumigil sa pakikipagkwentuhan sa akin. Kesyo ang tahimik ko raw kaya di sila updated tungkol sa akin.
Pagkatapos nung reunion, I totally let go of my anger. Yung matagal ko nang kinikimkim. They are now happy with their lives. And... I was left behind because of my anger and jealousy.
I think it's time to make myself happy too.
So dun lang mag-end yung story ko paper. Naging selfish ako. Nagkimkim ng galit. Pero kahit ganun, I think I shouldn't be selfish with myself. I deserve happiness.
Yours truly,
Audrey
BINABASA MO ANG
Letters for You
General FictionLilinisin na sana ni Kazumi ang attic pero may nakakuha ng atensyon niya. It's a chest - somewhat like a treasure chest. Nang buksan niya iyon, bumungad sa kanya ang mga salita na, "Letters for You". Medyo nadismaya pa nga siya nung makita niyang mg...