Letter #4

6 0 0
                                    

WARNING. This letter is not suitable to sensitive people. Nope, hindi ito isang mahalay na scene pero may mga scenes na baka makakasama sa inyo lalo na sa mga nakakaranas na nito. Please move on to the next letter if you have experiences regarding to sexual abuse (but I reassure to you na hindi po ito mahalay). I have warned you already.

*****

Letter #4

"Isa, dalawa, tatlo
Sino nga ba ako?
'Di hamak na isa lang naman akong makata,
Makatang naghahangad na makahanap ng tunay na pagmamahal.
Isang pagmamahal na hindi ko yata mahanap sa iba."

Teka. Hindi naman sana ako magsusulat ng isang tula. Ano ba 'yan. Haha. Ewan ko bakit pero feeling ko gusto kong magsulat sa papel ngayon. Ano nga ba ang gusto kong sabihin? Buhay ko? Ano ba ang gusto kong sabihin na hindi ko masasabi sa iba?

Ah, oo. Ako si Jessa. Maganda, matangos ang ilong, maganda manamit, isang makata, at isang artist. 'Yung tipong gumuguhit ng kahit ano. Aktibo ako sa simbahan. Pero hindi ko masasabing nasa akin na ang lahat. Bakit? Kasi ni isang katiting ng pagmamahal galing sa aking pamilya ay hindi ako nakakatanggap.

Pasensya na papel. Ikaw pa ang napagbuntungan ko ng lahat. Ganito kasi papel, sabi nila hindi kami magkamukha ng mga kapatid ko. Ewan ko pero nasasaktan ako. Ano ang silbi ng magandang mukha at katawan kung maski ang mga kapatid mo ay ayaw sa'yo?

Sa t'wing makikita nila ako ay palagi nilang sinasabi na ampon lang ako. Ibang-iba kasi talaga ang mukha ko sa kanila. Matangos ang ilong ko at may maninipis akong mga labi na parang hindi ako purong Pilipino. Itinanong ko naman sa mama ko kung ampon ako pero ang sabi niya?

"Anak kita. Hindi kita inampon. Anak ka namin ng Papa mo."

Dahil doon, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Hindi naman pala ako ampon. Walang problema, 'di ba?

Pero papel. Akala ko okay na ang lahat. Pero nag-iba ang lahat nang tumuntong ako ng kolehiyo. Kumuha ako ng kursong Arts and Design. Nararapat kasi iyon sa skills ko. Marami kasing pumupuri sa mga iginuguhit ko lalo na sa Junior at Senior High pa ako kaya wala akong problema sa kinuha ko. Pero akala lang pala ang lahat.

Masakit, papel. Naalala ko pa noon.

"Miss Jessa. Heto na ang grado sa naging art mo." Pinakiramdam ko noon ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako.

Parang tinutusok ng sandamakmak na karayom ang puso ko.

40/65

Maliit lang ang nakuha kong marka sa major subject namin. Masakit. Pangit ba ang ginawa ko? Pangit ba ang iginuhit ko ng ilang gabi?

Malapit na akong maiyak sa gradong nakita ko. Nakakapanghina ng loob kasi malalaki ang mga markang nakuha nila. Ako lang yata ang pinakamababa.

'Okay lang 'yan Jessa. Babawi na lang tayo sa susunod'

Iyon na lamang ang nasabi ko sa sarili ko. Pero hindi iyon naging sapat. Sa sunod na project, mababa na naman ang markang nakuha ko. Nakakahiya. Nakakasakit ng puso. Nakakababa ng kaligayahan.

Akala ko ba magaling ako dito? Akala ko ba ito ang nararapat sa akin? Pero nabasag lahat ng pangarap ko sa oras na 'yon nang pinatawag ako ng guro ka sa subject na 'yon.

Letters for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon