Letter #2
Dear Troy,
Hi Troy! Naaalala mo pa kaya ako? Haha ako nga pala yung ex girlfriend mo. Yung babaeng tinapatan mo? Naalala mo ba? Kasi ako... Malinaw na malinaw pa rin ito sa utak ko.
Highschool pa tayo nun eh. Pagkatapos ng English subject natin, (magkakalase kasi tayo) niyaya mo kong pumunta sa canteen. Ewan ko nga ano bang nakain mo kasi for the first time in history niyaya mo kong magsnacks. Usually kasi, ako yung feeling close sa ating dalawa. Ako yung... May crush sa'yo.
Oo na. Matagal na kitang crush. 2 years na. Simula third year pa tayo may crush na ako sa'yo. It all happened nung sabi ni mam na magkasama tayo sa isang competition.
Grabe. Ang saya ko nung nilibre mo ko sa canteen. Alam mo ba kung ano ang nilibre mo sa akin? Haha isang kendi ng Fres lang naman. Kahit kelan wala ka talagang kahiya-hiya sa buong sistema.
Oo nga pala. Bestfriends pala tayo no? Grabe ka. Ang lupit mo. Magbestfriends nga tayo kasi piso lang ang ginastos mo para sa akin.
Pero yun na nga. Binatukan pa nga kita nung nalaman kong Fres lang pala nilibre mo eh. Pero alam mo anong sinabi mo sa akin?
"Aray ko! Shhh... Tumahimik ka nga muna... Andyan na siya. "
Akala ko pa naman kung sinong 'siya' yung tinutukoy mo. Si Hailee lang pala. Yung top one ng section one. Grabe. Andami nyang manliligaw. At oo aaminin ko. Feeling ko may crush ka sa kanya, Troy.
Pero bakit ganun? Bakit di mo sinabi sa akin? Di mo ba ako mapagkatiwalaan? Am I not trustworthy enough?
Masakit sa part ko Troy. Ako yung bestfriend na hindi pa 'best'para sa'yo.
"Psst. Gwen! Ano pa bang tinutulala mo diyan? Halika na! "
Buti nalang talaga at bumalik pa yung buong sistema ko.
Pagkatapos nun, umuwi na tayo. Ganun lang kasimple. Kahit alam kong magbestfriends tayo, parang di ko yun nafeel. Parang feeling ko ako lang ang nagtreat sa'yo as bestfriend.
Lumipas ang ilang araw. At marami ang nangyari sa araw na yun. Ang nangyari? Pinakilig mo ko. Babae ako for goodness sake Troy! Hinawakan mo kamay ko nung hinabol tayo ng aso sa tapat ng bahay ni Mang Kaloy.
Nilibre mo ko ng sorbetes dahil sabi ko na friendversary natin. Alam kong di mo naaalala pero memory yun sa utak ko Troy. Special yun.
Palagi mo kong tinitingnan at madalas kang concerned sa akin Troy. Motibo ba yan Troy? Please tell me kasi nahuhulog na ako sa'yo. Ewan ko pero bakit ba parang tinutulak mo ko na mahulog sa'yo?
Until that very dreadful day came. Nagising ako na ikaw ang unang iniisip ko. Kahit sa gitna ng aking pagdadasal nasa isip kita. Horrible. Yan ang word na masabi ko dahil dito.
Kinakain mo na ang utak ko Troy. Ikaw dito. Ikaw doon. Ikaw nalang everywhere. Ano ba? Please don't make me fall for you too deep Troy.
Bestfriend kita. Pero yung hinihiling ko ay more than that. Did I betray you? Maybe...
Pero hindi mo parin tinitigilan ang pagiging sweet mo sa akin. Feeling ko may gusto kang iparating dahil sa actions mo.
I was at the end of a cliff. Hanging on kasi takot mahulog. Takot akong walang sumalo. Pero ang nangyari? I let go. Nahulog ako sa'yo Troy.
I always cared for you. Pero parang trumiple yata. Naging sweet rin ako sa'yo. Edi ayan! Ang sweet nating dalawa. Napagkamalan na nga tayong mag 'on'.
Ilang years ang dumaan. Nagpatuloy tayong maging sweet sa isa't isa. Tuluyan na nga akong nahulog sa'yo.
Until that day. That day na nakapagpasaya sa akin. Yung day na panay ako ng tawa. Ang saya saya ko.
Dinala mo ko sa likod ng school. Hanggang ngayon I still can't forget that very day. It's so memorable.
Kinausap mo ko. Dinalhan mo pa nga ako ng cake. Ewan ko. By that time, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I felt as if I'm already on Cloud nine.
Feeling ko ako yung pinakamagandang babae sa buong mundo.
"Gwen... A-ano... " sabi mo sa akin habang namumula ka. You're blushing Troy. Yun ang totoo.
Ito na ba? Totohanan ba to?
"Pinch me Troy, " utos ko sa'yo kasi hundred percent akong hindi sigurado kung totoo ba to.
You gave me a confusing look at tsaka ako kinurot. Napa "aray" nalang ako. So it is confirmed. Totoo nga. Totoo nga to.
Hinawakan mo ang kamay ko Troy. Nanginginig ako nun at parang anytime magco-collapse ako.
Tapos sinabi mo. Sinabi mo yung sentence na nakakapagbago sa ating dalawa. Yung sentence na nakapagpangiti sa akin. Yung sentence na nakapagpatawa sa akin sa tuwa.
Ang saya mo nga noong sinabi mo yun eh. Umabot hanggang sa mata yung ngiti mo pero at the same time namumula ka. Blushing nga raw.
Ako? Nakangiti rin ako. Tumatalon pa nga tayo sa tuwa diba?
That day sinagot kita. But at the same time nagtapos yung 'tayo'.
Haha tama. Sinagot kita Troy. Yung sinagot ko?
"Wow congrats! Ang s-swerte naman ni Hailee sa'yo! " Tumawa pa nga ako niyan eh. Haha. Cliché ba? Ewan.
Sabi mo kasi sa akin na sinagot ka na ni Hailee. Wow. Bakit ba di ko alam na nanliligaw ka sa kanya? Panay sorry ka pa nga kasi di mo sinabi sa akin na nanliligaw ka sa kanya eh. Pero tumawa lang ako. Masaya ako. Pero kunwari lang.
I should be happy for you kasi. Haha. Ang saya! Magpapaparty ako pag-uwi! Haha.
Oo nga pala. That day rin yung break up natin. Ang saya noh? Haha edi ex girlfriend mo na ako. Pero di mo alam. Di mo alam kasi naging tayo sa isip ko. Noong time na hinawakan mo ang kamay ko, nilibre mo ko ng sorbetes, sinagot mo na ako sa isip ko. Tama. Ako yung nanligaw! Ha ha. Nakakatawa diba?
Kaya nga every friendversary natin nililibre kita eh. Anniversary nalang din. Sayang tayo. 2 years na tayo eh. Pero ayan. Haha may kabit ka. Haha Masaya.
Troy? I hope alam mo na kung bakit kita iniwan pagkatapos mong magtapat sa akin (Na kayo na ni Hailee). Umalis ako. I'm sorry Troy. Sorry. Masyadong masakit eh. Parang di ko na kayang makita kang kasama siya. Sorry.
Ex girlfriend and bestfriend,
Gwen

BINABASA MO ANG
Letters for You
General FictionLilinisin na sana ni Kazumi ang attic pero may nakakuha ng atensyon niya. It's a chest - somewhat like a treasure chest. Nang buksan niya iyon, bumungad sa kanya ang mga salita na, "Letters for You". Medyo nadismaya pa nga siya nung makita niyang mg...