(From here, it'll be written in the third person point of view. Except sa mga letters.)
Napakurap si Kazumi matapos basahin ang ikatlong sulat. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Saya? Lungkot? Hindi niya alam. Ang tangi niyang alam ay nagtatanong ang isip niya.
Saan nanggaling ang mga sulat na ito?
Ipinasok niya pabalik ang tatlong mga sulat na nakasulat sa iba't-ibang uri ng papel. May nakasulat sa scented paper, sa bondpaper, at sa isang intermediate paper.
Nanatili siyang tulala sa kawalan nang biglang tumunog ang cellphone niya. Mabilis siyang bumangon sa pagkakaupo sa kama at tiningnan kung sino ang tumatawag.
It's her Father. Napangiti siya at excited na sanang sagutin ang tawag nang huminto ito sa pagtunog. Isang indikasyon na in-end call ito.
Ang ngiti sa kanyang labi ay napalitan ng lungkot. Hindi niya ipinagkailang miss na miss na niya ang kanyang ama pero palagi na lamang itong busy. Busy sa ibang pamilya.
Napabuntong-hininga na lamang siya at ibinaba ulit ang cellphone. Mukhang hindi na nga niya makakausap pa ang kanyang ama.
"Kazumi?" Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na itinago ang baul sa ilalim ng kama. Sakto lang nang umayos siya ng tayo at pumasok sa kanyang kwarto ang kanyang ina.
Nakakunot ang noo ng ina niya at itinaas ang kanang kamay na may hawak na mga papel.
"Bakit mo ba ipinagkakalat ang mga papel sa daan?" Umiling ito at napasapo sa noo. "Don't be messy, Kazumi."
Napaawang ang kanyang bibig sa sinabi ng ina. "Mama, hindi ho ako nagkakalat ng papel sa daan.",
Nakapameywang na ibinigay ng ina ang mga papel sa kamay ng anak at tsaka ito pinagsabihan, "Kazumi, don't lie. Patungo sa kwarto mo ang nagkakalat na mga papel. Teka, tapos ka na bang maglinis sa attic?"
Hindi siya nakasagot kaya napailing sa kanya ang Mama niya. "'Wag matigas ang ulo, Kazumi. Bibisitahin pa natin ang Lola mo mamayang hapon."
Wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Umalis na ang kanyang ina kaya sumunod siya nito para makita ang sinabi ng ina niya. Pero hindi siya nakagalaw sa kinakatayuan malapit sa pinto nang makita ang mga papel na nakakalat sa sahig. Parang nagmula ito sa kanyang kwarto pero hindi na niya nakita ang dulo nito.
Kinakabahang sinundan niya ang dulo ng mga nagkakalat na mga papel habang pinupulot ito isa-isa. Bumaba siya sa kanilang hagdan at takang-taka siya dahil lumabas ito sa bahay nila. Hindi naman ako lumabas ng bahay ah?
Lalo siyang nagtaka nang makitang huminto ang mga nagkalat na mga papel sa gate nila. Lumingon siya sa paligid pero wala namang tao kaya pinulot na lamang niya ang huling papel sa semento. Dala-dala ang mga papel na napulot, pumasok ulit siya sa bahay nila at isinara ang pinto.
Nakatingin siya sa mga papel sa kamay at malapit pang mabitawan ang mga ito nang makakita ng page number sa ibabang kanan nito. Parang mga pahina ng isang libro.
Mabilis na tumakbo siya papuntang kwarto upang makita ang mga papel na ibinigay ng ina niya kanina. May mga bilang rin ito at nagsimula iyon sa bilang isa.
Nakasulat iyon sa kulay na gold. Ibinaba niya iyon at nagtatakang tumingin dito. Mababaliw na siya sa kaweirdohan ng araw niya. Una, ang baul at ngayon naman ang mga papel na ito.
Ang pinakahuling pahina ay nasa bilang 58. Teka, kulang pa ba 'to?
Unti-unti siyang natatakot sa mga nangyayari. Ag baul! Baka ang baul ang dahilan nito.
Mabilis niyang pinulot ang baul at binuksan ang bintana niya. Walang pag-alinlangang itinapon niya ang baul at nagpakawala ng hinga nang makita iyong mahulog sa baba. Lumikha iyon ng malakas na tunog pero hindi niya iyon pinansin. Isinara niya agad ang bintana at napahawak sa dibdib niya.
Pero bago pa siya makalapit sa kama niya, parang mahihimatay na siya sa takot nang makitang maayos na nakalagay sa ibabaw ng kulay kape niyang kama ang baul at nakabukas ito.
Letters for You
Basa niya nito at napasapo sa noo niya. Nababaliw na siya. Muli niyang binuksan ang bintana at tumingin sa ibaba. Wala na ang baul roon. Paano makakabalik ang baul kung itinapon at inihulog na niya ito mula sa ikalawang palapag?
Natakot siya at humarap sa baul. Nakabukas pa rin ito at tila kumislap ang kulay gold na Letters for You sa ilalim ng cover nito kaya nabasa niya ito kanina.
Napalunok siya at wala nang ibang nagawa kung hindi ang lumapit sa baul. Sa baul na lingid sa kanyang kaalaman ay nagtataglay ng kakaibang mahika.

BINABASA MO ANG
Letters for You
General FictionLilinisin na sana ni Kazumi ang attic pero may nakakuha ng atensyon niya. It's a chest - somewhat like a treasure chest. Nang buksan niya iyon, bumungad sa kanya ang mga salita na, "Letters for You". Medyo nadismaya pa nga siya nung makita niyang mg...