Letter #5

5 0 0
                                    

Letter #5

Jeff,

Alam mo? Natatawa ako. Bakit kaya kita sinusulatan? Baliw na siguro ako. Pero okay lang. Wala naman akong magawa sa buhay ko e. Nakaupo lang naman ako sa office chair ko.

Naaalala mo pa ba ako? Malamang, oo. Haha. E ikaw, ako. Sinusulatan ko kasi ang sarili ko. Pero teka lang. Alam mo Jeff, marami akong gustong sabihin sa'yo. Ewan ko bakit pero... parang gusto kitang kausapin ngayon.

Naalala mo pa ba noong bata ka pa? Ang tambok ng pisngi mo. Not to mention, pati ang buong katawan mo malaman. Haha. Cute nga raw.

Elementary? Wala namang masyadong nangyari roon. Tauhan lang ako sa paaralan. Haha.

Pero alam mo, Jeff? Nagsimula ang lahat sa High School. Tama ba? Nagsimula ang lahat nang makaramdam ka ng pagkagusto ng dahil sa adolescence adolescence na 'yan.

Ngayong iniisip ko pa lang, natatawa na ako. Nakakatawa naman talagang isipin na nagkakagusto ka sa sikat na estudyante sa buong campus. Si Jela.

Haha. Ano ba 'yan. Natatawa talaga ako. Pasensya na. Pero yun nga. Bakit kaya 'no? Kung sino pa ang hindi natin kayang abutin ay sila pa ang ating magugustuhan.

Si Jela Perez. Naalala ko pa siya. Ang ganda niya. Ang kanyang mahabang buhok ay palaging nakalugay pero may hairband siyang palaging suot kaya mas gumanda siya sa paningin ng lahat.

Araw-araw nakikita mo siya. Araw-araw parang nahuhulog ka na sa kanya. Hindi mo rin iniinda ang kanyang magaspang na ugali. Tama. Haha, natatawa talaga ako. Bakit kaya nagkakagusto ako sa babaeng may masamang ugali? Maganda sa labas pero pangit naman sa loob.

Pero kahit ganoon ay may gusto ka pa rin sa kanya. E ang lansa ng ugali niya. Akalain mo? Ipinagtataboy ang mga pangit kuno? Ang yabang talaga.

Akala mo naman magandang-maganda (totoo naman). A,oo. 'Di ba nakita mo pa siya kanina?

"Alis, pangit!" Sigaw niya sa hallway.  Kanina ka pa nakatingin sa kanya. Nakatingin sa babaeng nakasuot ng pulang blouse at isang ripped jeans. Itinulak niya ang kawawang kapwa empleyado mo este niyo.

Tama nga. Parehas kayo ng pinagtatrabahuan. Parehas kayong nagtapos ng Civil Engineering. Hindi naman halatang sinusundan mo siya, Jeff e. 'Di joke lang. Haha.

Pero yun nga. Hindi pa nga kayo nagkakausap pero magkatabi lang naman kayo ng opisina. Pero, binago mo yata lahat lalo na noong kaarawan mo.

Inimbita mo lahat ng kapwa mo nagtatrabaho sa opisina na pumunta sa inyo. Tapos na ang mga kaibigan mo at ang kulang na lang ay si Jela. Si Jela na kinakabahan kang lapitan dahil baka ipagtabuyan ka.

"Umm... Jela" tawag mo sa kanya. Okupado ito sa pagliligpit ng kanyang gamit at hindi ka man lang pinansin.

Pinapawisan ka ng malamig nang tinawag mo siya sa ikalawang pagkakataon. At finally, tumingin siya sa gawi mo. Pero bad news talaga ang babaeng iyon. Tiningnan ka pa niya mula sa ulo papuntang paa 'di ba?

Tinaasan ka pa nga niya ng kilay, 'di ba? Pero kahit ganoon ay nagsalita ka pa rin. Wrong move, Jeff.

Nandidiri ka niyang tiningnan, "Ew. You're so fat. Umalis ka nga sa harap ko."

Nasaktan ka. Malamang. Haha. Nak ng - nakakabobo kasi. Oo, mataba ako pero at least kumakain ako 'di ba? Tsk.

Kaya ayon. Natapos ang kaarawan mo nang hindi man lang dumating si Jela. Ang ultimate crush mo. Ang babaeng ilang taon mo nang gusto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon