Letter #3

13 1 0
                                    

Letter #3

Dear Mam,

I HATE YOU. Sorry ah? Yan kasi ang pinakauna kong pambungad sa'yo. SORRY AH?

Kamusta ka na pala mam? Nadapa ka na ba? Nahulog ka na ba sa hagdan? Di talaga ako makapaghintay na mangyari yan sa'yo. Kasi nangako ako sa sarili ko na tatawanan talaga kita kung mangyari yun.

Bad po ba ako? Haha. Sabi nyo nga diba? Masama ako. Pasaway ako. Isa akong malaking sakit sa ulo. Edi ayan mam! Tinotohanan ko na para sa'yo.

Masaya diba? Your words are so INSPIRING. Yung words niyo?

"Hoy Santos! Anong kagaguhan na naman ba yang pinanggagawa mo ha? Guidance office now! "

O diba? INSPIRATIONAL. Naaalala ko pa nga nung naghome visit kayo sa amin kasi panay yung absent ko sa klase.

"Mr. Santos... " sabi mo sa tatay ko

"I am sorry to inform you. Pwedeng mabagsak yung anak niyo kasi palaging absent. "

Tumingin ka naman sa akin at tsaka ako sinigawan.

"Hoy ikaw Santos! Magtino ka na! Sisiguraduhin ko talagang di ka makakapagtapos sa Highschool! Tandaan mo yan! " pagkatapos nun ay umalis ka na sa bahay namin habang kumekendeng pa. Nakakasuka.

Mam! Di niyo alam no kung ano ang nangyari sa akin pagkatapos nun? Sige. Mam. Sasabihin ko sa inyo. Tutal. FAVORITE NAMAN KITA EH.

Tinapunan po ako ni Tatay ng itak. Malapit nga pong maputol yung paa ko eh. Masaya di ba mam? Kesyo iresponsable raw ako. Eh kung isaksak ko sa kukote niya ang lahat ng perang pinangsugal niya para di na ako kailangan pang umabsent para magtrabaho?

Pinalayas rin po ako ng Nanay ko. Kesyo nasisiraan na raw ako ng ulo. Tinapon pa nga lahat ng gamit ko sa labas eh. Eh kung sipain ko kaya siya para naman matauhan? Ang laki ng gasto namin kasi anak siya ng anak. At ang nakakasama pa, iba't ibang lalaki ang nakakabuntis sa kanya.

Ang sarap magmura mam. Pero sige lang. May respeto naman ako sa'yo eh. Ganun ako ka bait mam.

So ganun lang ang nangyari sa akin. Pinalayas ako. Yung punta ko? Doon ako pumunta sa tinatrabahuan ko. At wow mam. YOU REALLY ARE TRUE TO YOUR WORDS. Marunong akong mag english no? Haha malamang! Matalino ako eh.

Pero yun na nga. Di mo nga ako pinatapos ng highschool. Masakit sa kalooban ko. Sobrang sakit. Masarap po kayong tapunan ng itak. Pero kahit ganun, di ko ginawa yun. Di kasi ako katulad ng Tatay kong basagulero.

Kaya, nagsikap akong magtrabaho. Nag-ipon ako ng pera. Wala na akong balak pang bumalik sa eskwela. Ikaw lang po kasi yung makikita ko. Nakakasakit sa ulo.

Nagsimula ako ng maliit na negosyo. Sinikap ko lahat para mapatunayan sa'yo na may kinabukasan ako.

"Wala akong makikitang magandang kinabukasan sa'yo Santos! Sa masamang kapalaran ang bagsak mo! "

Palagi ko yang naririnig sa tuwing nagbebenta ako ng isda. Mam. Ang mga salita mo'y tumatak sa puso ko.

Hanggang sa naging maasenso ako sa negosyo ko. May sariling fish stand na ako sa merkado. Ano ka ngayon mam? Ano ka ngayon?!

Minsan napagtanto kong bisitahin ang paaralan ko noon. Oo mam! Bumisita po ako sa paaralan kung saan ANG PABORITO KONG GURO ay nagtuturo.

Nakita kita mam. Pero parang di mo yata ako nakita. Matanda na po kayo. Medyo maputi na yung buhok mo at medyo dumami na yung kulubot mo sa iyong mukha. Pumangit ka mam sa totoo lang. Ayaw ko po sanang maging bastos pero totoo. Pumangit ka. Katulad ng pangit mong ugali.

Letters for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon