CHAPTER 3

867 18 0
                                    

"Excuse me miss?"

Lumingon ako para makita ang taong tumawag sa'kin.

Isang lalaking naka-motor bike at ang gwapo nya! Pero parang masungit.

"Mag titigan lang ba tayo dito? Gusto mo bang masagasaan at paharang-harang ka dyan sa gate?" Sabi nya. Psh... Bawas pogi points.

"S-sorry po." Sabi ko sa kanya at yumuko nalang.

"Sumabay ka nalang sa'kin. Sakay na." Sabi nya pero nandun pa din ang coldness ng pagkasabi nya. Hindi nalang ako pumalag at sumakay nalang. Automatic na bumukas ang gate at OMG! Ang ganda ng school. Tapos may isang gate sa gilid na may sign na "This Way to Land of Fantasia!". Land of Fantasia? Lakas ng trip ng may-ari nitong school na ito. Haha! Maraming students na tumitingin samin. Actually, they're glaring at me. Napansin ko na ang weird ng uniform nila. Parang guma graduate lang ang peg nila. Para kasi itong toga ngunit walang buttones. V-neck ito at may necktie. Hindi ko namalayan na pinatigil na pala nya ang motor.

"S-salamat po." Nauutal kong sabi sa kanya.

"Wag mo akong pasalamatan. At cut the 'po' will you? I'm not old. And kanina pa tayong huminto ngunit ngayon ka lang nag pasalamat." He said with a poker face.

"Eh ba't hindi mo ako sinabihan?" Tanong ko.

"Pinatuloy lang kita sa pagpantasya mo." Sabi nya at umalis. Sungit naman. May napadpad na papel sa mukha ko. Kinuha ko ito at binasa.

Name: Firie Flame Saphire Strauss

Dorm: Building 2, 2nd floor, #143

Class: Section E

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Hindi naman ata coincidence na mapadpad lang ito sa mukha ko kasi pangalan ko ito eh. Sino kaya nagbato nito? At section E ako? Hindi pa ba sapat ang average score ko na 98% sa kabilang school ko? Naman oh! Baka mga genius itong mga tao dito. Huhu.

Lumakad ako papunta Dorm ko. Pumasok agad ako sa room at...

"AAAAAAAH!!!!" Sigaw ko. K-kasi naman. Lumilipad ang gamit!

"Waaaaaah!!!"

Aqua's POV

May pumasok na tao sa dorm namin habang ginagamit namin ang powers namin. Oh no! Baka na sense ng dean na gumagamit kami ng powers. Lagot!

"AAAAAAAH!!!!" Sigaw nung babae.

"Waaaaah!!!" Sigaw naman nya.

"Takpan nyo bibig nya. Dali!" Sabi ni Mist sa'kin at tinakpan ko naman ito.

"Mmmm!!!Mmmm!" Pilit nyang sumigaw.

"Pakakawalan kita pero you need to promise me na hindi ka sisigaw." Sabi ko sa kanya at tinaas nya ang kanang kamay nya. So inalis ko ang kamay ko sa bibig nya.

"A-ano kayo?" Tanong nya.

"We're witches. How did you enter here human?"

----

Lalala ~♥ Bitin nanaman :) Until the next UD ^_^ Babye!!!

-BBF

Fantasia, Academy Of Magic (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon