CHAPTER 11 [KEITH JASKIE ]

17.1K 155 5
                                    

NAGISING ako, puting kisame agad ang bumungad saken medyo kumirot din ang ulo ko sa sakit pero nawala din naman agad. 

"Oh thank god you're awake Jas."  

Napa tingin ako kay mommy na nasa tabi ko ngayon at naka ngiti, maging si daddy din.  Ano bang nangyari saken? 

Unti unti kong ini-angat ang katawan ko saka tinulungan ako ni mommy umupo. Napansin kong maraming bottled of water, gatorade's at mga pagkain sa tabi ko. Eh? 

"Jas naman, bakit ini-stress mo ang sarili mo anak? Uminom ka nga ng maraming tubig. Na dehydrate ka daw sabi ni Doc." bakas ang pag aalala sa mukha ni Daddy. 

Parang may hinahanap ang mga mata ko. 

Nasan siya? Di ba niya ako pinuntahan? Asa naman ako. 

"Mommy, daddy kailan pa po ako nandito?" tanong ko. Nagkatinginan sila pareho. 

"Pangatlong araw mo na ngayon anak." sagot ni mommy habang binubuksan ang isang bottled of water. "Dumito ka muna daw mag stay sabi ng doctor hanggang maubos yang lima pang dextrose bag."  

Pangatlong araw ko na pala dito pero hindi man lang niya ako dinalaw. Ka sad. 

"Nagugutom kaba Jas?" tanong ni daddy. Tumango naman ako dahil gutom na gutom na talaga ako. Wala na akong oras na malungkot dahil hindi lang siya dumalaw.  Bwiset! napaka petmalu niya.  Hays! bahala na siya sa 'get to know each other niya'  Langya naman! Nasaan ba kasi siya?  Ano ba yan! Bakit ko ba siya hinahanap?  Get to know each other lang kayo Jas, hanggang dun lang yun. 

"Jas, aalis na kami mayamaya ng daddy mo, we have a business meeting in Boracay. Maybe next week pa kami babalik." napa rolled eyes nalang ako.

"It's okay, kaya ko naman sarili ko. Ingat nalang kayo." saka ko na inumpisahan kainin ang pagkain na inihanda ni daddy saken. 

*~* 

KAAALIS lang nila mommy at daddy, Kinuha ko ang cellphone ko saka nagbasa muna ng wattpad, Tumagal din ako ng dalawang oras kakabasa saka na ako nanood ng bagong palabas na KDrama. 

Napa tingin ako sa wall clock na naka sabit at mag a'alas dose na pala, naka tapos akong Apat na chapter sa pinapanood ko pero ni anino niya wala parin.  Hay! pakelam ko ba. Ganyan naman kasi ang mga lalake, para pareho lang silang lahat. Sa una lang magaling. 

Itinabi ko na ang cellphone sa may lamesa sa tabi ko saka dahan dahan na humiga, hindi ko pa naman naipipikit ang mga mata ko ng marinig ko ang pintuan na bumukas at iniluwa nito si Lucas na may dala dalang isang boquet ng Tulips at isang basket ng Prutas. 

Agad naman akong napa upo ng lumapit siya, tiningnan ko siya ng masama.

"Hi Jas! Sorry ngayon lang ako naka dalaw. Kamusta kana? Anong nangyari sayo?" sambit niya. 

Tinaasan ko siya ng kilay, "Hello, okay na ako. Maganda at Sexy na ulit. Kaya pwede ka ng lumayas." saka ko siya inirapan. 

"Jas naman lang ganyanan, May inasikaso lang ako." saka siya umupo sa kama, sa tabi ko. 

"Ay ewan ko sayo Lucas, shooo! layas!" sabay kinwaring pagtataboy ko sakanya. 

"Langya naman Jas eh." sabay nguso niya. 

"Aba! minu mura mo ba ako?" singhal ko. 

"Hindi ah. Mina mahal nga kita eh." sabay wink niya. 

HANUDAW? PAKSHET ANG KURNI NG BANAT NIYA! (๑-﹏-๑) PERO BAKIT KINIKILIG AKOOO? WTH?

THE DARK HARD SEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon