CHAPTER 12[KEITH JASKIE]

16.8K 147 15
                                    

"NAPAKA tagal naman nyan!" reklamo ko kay Lucas.

"Sandali nalang to, ipapasok ko palang oh." sabi niya habang naka tingin saken. 

"Ahhh! dahan dahan lang anuba." singhal ko. napa kamot naman siya ng ulo. 

"Okay i'll be gentle Jas, but i can't promise na hindi kita masasaktan."  

Napa kapit ako ng mahigpit sa kumot ko saka pumikit ng maramdaman kong naipasok na niya. 

"Woooh! okay na. masakit pa ba?" tanong niya, napa dilat naman ako saka tumingin sakanya. 

"Medyo. Bagay ba sakin yung hikaw?" tanong ko. habang naka tagilid paharap sakanya yung tenga ko. 

Nagpabili kase ako ng hikaw sakanya kanina, napansin ko kasing parang pasara na yung mga butas ng tenga ko. Pag balik niya kanina nagulat nalang ako isang kahon na iba't ibang hikaw yung binili niya samantalang sakto sa isang pares lang ng hikaw yung ibinigay kong pambili. 

Ngumiti siya saka maayos na umupo sa tabi ko, "Kahit ano naman ata bagay sayo eh.." saka niya kinagat ang ibabang labi niya, ang gwapo. "Parang ako bagay na bagay sayo."  

Parang huminto ang pag hinga ko sa sinabi niya, naramdaman ko rin ang mabilis na pag tibok ng puso ko.

Pinaka titigan ko siya..  "WAHAHAHAHA! Tsong yung banat mo pang end of the world." sabay iiling iling ko, napanguso siya saka sumimangot. 

"Napaka ano mo Jas. Hindi kaba kinikilig?" sabay kunot noo niya. 

"B-bat naman ako kikiligin sa mga banat mo na narinig at nabasa ko na?" sabay cross arms at taas ko ng dalawang kilay ko. 

Pero iba pa din kapag ikaw ang nag sasabi ng mga yon. kahit luma at kurni na, atlis ipinaparamdam niya gaya ng pagmamahal niya saken. 

"Umusod ka nga muna. Nood tayo movie dali, tabi tayo." sabi niya. 

"Hoy hoy hoy! kung may binabalak ka man Lucas itigil mo na, nasa ospital tayo at naka dextrose ako!" nanalalaking matang sabi ko. 

"Wag ka ngang assuming Jas, manonood lang tayo ng movie no." saka na siya nahiga sa tabi ko, well kasya naman kaming dalawa dahil medyo may kalakihan ang hospital bed ko.

"Depende nalang kung gusto mo talaga.." he grinned. 

Hinampas ko naman siya sa braso, "Tumigil ka nga, bastos mo." sabay nguso ko. 

"Bastos naka hubad." sabi niya. 

"Letche ka!" ngusong sambit ko. 

Tumawa lang siya hanggang sa may mag ring ng cellphone, alam kong hindi sakin yon dahil iba ang ringtone ng phone ko. Tumingin siya saken saka kinuha sa bulsa niya yung cellphone niya at naupo, naka tingin lang ako sakanya hanggang sa sagutin niya ito. 

"Yes?...Oh sorry, i forgot...Yes, i'm on my way...I will...okay, bye."  

Nakatitig lang ako sakanya habang may kausap siya, naka ngiti eh. Yung ngiting iba sa mga ngiti na ipinapakita niya saken. 

Tumayo siya bigla saka inayos ang kumot at bumaling saken.  "Jas, i'm sorry. I need to go. Next time nalang siguro tayo manood ng movie, hm? please?" saka siya nag puppy eyes. Ang hirap tanggihan lalo na ang kyut niya. 

Hindi na din ako nagulat ng sabihin niya iyon, ramdam ko na eh. Kaya ngumiti nalang ako saka tumango. 

"Go. Takecare."  

Lumapit siya saken at hinalikan ako sa noo. 

"I will. Babalik ako bukas. Matulog kana din." tumango nalang ako saka sinundan siya ng tingin palabas. 

Bakit parang nalungkot ako bigla? Dahil ba umalis siya o dahil mamimiss ko siya? NO JAS! mali yan! Stop it. 

---- 

THE DARK HARD SEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon