"WAIT!... T-teka lang "
Sigaw ko habang habol habol ang taong matagal ko ng hinahanap,ang taong iniyakan ko at ang taong minahal ko na sa pagkahabahaba ng panahon nakita ko narin sa wakas.
Ang saya ko na makita siya pag kalipas na halos dalawang taon.
Binilisan ko pa ang pagtakbo at nang malapit na ako hinawakan ko ang kamay nya sa pulsuhan.
Huminto ito at hinarap ako...Para akong maiiyak sa saya siya nga ang taong mahal ko pero parang nag bago siya ..
Naalala ko pa ang ma amo niyang mukha,ang palatawa niyang ugali at bawat parte ng kaniyang mukha..
Gusto ko siyang yakapin,
Halikan,
Pagalitan,
Tanongin,
At muli siyang mahalin....Napahinto ako sa pagiisip at pag papantasya ng hatakin niya ang kaniyang kamay..
"ahhhh…i…" tanging nasabi ko hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"uhmm excuse me miss may kailangan ka ba? Do i know you? Kasi kung wala may mga importante akong bagay na dapat gawin i don't have much time entertaining some shit stuff so can you be straight to the point your wasting my precious time." walang emosyong sabi nya.
Para akong na estatwa sa kinatatayuan ko.
Nabigla ako sa sinabi niya.
Ang sakit.
Parang hindi niya ako kilala.
At dahil sa pagkakabigla hindi ako nakapag salita."tsk"sabi niya at tiningnan ang relo at umalis.
Parang guguho ang mundo ko.
Ipinaramdam niya sa akin na parang wala kaming pinagsamahan na parang d niya ako kilala.
Iritang irita siya sa akin samantalang noon ayaw niyang mawala ako sa tabi niya.At ganon ganon lang iniwan nanaman niya ako for the second time.
At Kagaya ng na una iniwan niya ako ng walang pasabi.
YOU ARE READING
THE ENDING
Short StoryHindi lahat ng tinadhana ay magkakatuluyan.Naka depende yun kung gusto pa nilang subukang ibalik ang nakaraan o kalimutan nalang ang lahat.Lahat tayo ay gustong maging masaya pero may mga pangyayari talagang kailangan mo nang kalimutan ang lahat da...