Chapter two

37 7 0
                                    

SOFIA'S POV

Natapos na ang araw at hindi ako masyadong maka concentrate sa ginagawa ko dahil maraming katanungan ang bumabagabag sakin.Pinilit ko nalang tapusin kahit tinatamad nako.Mahirap na baka matambakan ako bukas pag di ko natapos...Palabas nako ng company building at parang uulan pa yata...
Ayy sheta wala akong dalang payong..

Habang hindi pa pumapatak ang ulan ay tumakbo nako sa paradahan ng jeep para mag abang At dahil sa sobrang malas ko ngayong araw ay naabutan ako ng ulan.Pesteng buhay to oh!Tumakbo ako pabalik sa building dahil walang dumadaang jeep.Nanginginig akong nakatayo dahil basang basa na ako at hinihintay kong humupa ang ulan.

"Geh pare,una nako ha.Kita na lang tayo ulit bukas" dinig kong paalam ng isang lalaki.

"Geh!"sagot naman ng isang pamilyar na boses.Hindi ako lumingon sa kinaroroonan nila dahil gusto kong iwasan muna siya ngayon.

Unti-unti ng humupa ang ulan kaya nagpasya na kong umalis.Nakayoko akong tumakbo ng biglang may bumusina.

PEEEEEPPPPPP!!!

Napatigil ako at biglang natumba dahil muntik nakong masagasaan nang motorsiklo.Aray!Nakaramdam ako ng sakit sa pwetan ng dahan dahan akong tumayo.Wala ba tong balak na tulungan manlang ako?Sheta basa nanga ko napahiya pa sobrang malas ko nga naman ohh!!!!

"Uyy lalaking walang modo!" singhal ko sa nagmamaneho ng motor. "Wala ka man lang bang balak na bumaba jan at tulungan ako?" inis pang dugtong ko pero sya ay tahimik lang at parang naghihintay lang na umalis ako sa daan.Hindi ko makita ang mukha nya dahil naka helmet siya.

Hinubad niya ang helmet niya at napanganga ako.
.

o_O
.

CHANCE..

Bumaba siya ng motor nya at lumapit sakin,tumingala muna ito sa langit at binalik ang tingin sakin hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa tuwing kaharap ko siya ay awtomatikong naninigas ang buong katawan ko.

Nagulat ako ng bigla nya kong hawakan sa braso habang ang isa nyang kamay ay bitbit ang helmet niya at hinila niya ako pabalik sa may silong na parte ng building.

"Tumingin ka muna kasi sa dinadaanan mo bago ka tumawid"poker face na sambit niya.Hindi ko talaga maibuka ang bibig ko.hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin ko naka tingin lang ako sa kanya..

May kinuha siya sa loob ng helmet box sa dulo ng motor niya at binigay niya sa akin ang isang helmet.Nagtataka ko siyang tiningnan.Huwag niyang sabihin na papasakayin niya ko sa motor?

"P-para sa-saan yan?" nauutal kong tanong.Ba't ba ko nauutal?

"Para sa kanya paki bigay nga!!"sarcastic na sabi nya habang nakaturo sa lalaki sa building."Tsss.. Suotin mo yan dahil ihahatid na lang kita bilang paumanhin sa muntik ng pagsasagasa sayo.." nagulat ako sa sinabi nya kaya napatunganga ako sa kanya.Bigla na lang nya sinuot sa ulo ko ang helmet.....Ito na naman ang puso ko nag uunahan kahit iisa lang naman kung maka kabog akala mo may kalaban at malapit na sa finish line.. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya,akala ko hindi nya ako papansinin o kakausapin man lang pero ano namn tong pakulo niya...alam kong namumula nako dahil Sa mga ginagawa niya.Dahil kahit ilang taon man ang lumipas siya lang ang naging laman ng puso ko..

"H-hindi mo naman ako k-kailangang ihatid eh..Tutal hu-humingi ka namn na ng p-paumanhin" nabubulol pa ding sambit ko.May konting bahid ng ngiti ang gumuhit sa mga labi niya.

"Sana kanina mo pa sinabi nong hindi ko pa naisuot ang helmet sayo" parang may bahid ng birong sambit niya. "You seem to know me kaya gusto din kitang makilala..at isa pa kahit anong oras ngayon ay babagsak ulit ang ulan.Basa ka pa,maaari kang magkasakit pagnatuyuan ka" dahilan niya na,so ibig sabihin hindi niya nga ako nakikilala?.sinang ayunan ko nalang siya ...Hindi nako tumanggi dahil pwede ko tong gawing pagkakataon para malaman kung bakit di niya ko kilala.

THE ENDINGWhere stories live. Discover now