CHAPTER FOUR

13 4 0
                                    

       

SOFIA'S POV

       Maaga akong bumangon kinabukasan dahil sigurado ako pag hindi ko naunahan si Trace ay magluluto na naman yun.Mabuti sana kung masarap kaso hindi eh.

      Wala talagang ibang alam ang lalaking yun kundi sirain ang araw ko,sirain ang buhay ko.Mabuti pa si Chance dahil ang galing niyang magluto.Nami miss ko na siya,mauulit pa kaya ang mga moments namin?

    Hayyy...napabuntong hininga ako ng malalim sa mga iniisip ko.Gusto kung mangyari lahat ng yun,gusto kong madagdagan lahat ng alaalng yung.Yung mas maganda,yung mas masaya.Na siya pa din ang kasama.

     Hindi ko alam na napaluha na pala ako.Isang tanong ang sumasaksak sa puso ko.Isang tanong na dumudurog sa buong ako.

     "Mangyayari pa kaya yun?" humihikbing tanong ko sa sarili ko.Mas napahagulhol ako sabisipingvumaasa nalang ako,na kahit kailan ay di na mangyayari yun.

TOK! TOK! TOK!

     Biglang may kumatok sa pinto kaya dali dali akong nagpunas ng mga luha ko,at tuluyang bumangon sa pagkaka upo sa kama ko.

    
    Inayos ko ang higaan ko at naghilamos sa banyo pagkatapos ay lumabas.Bumulaga sakin ang mukha ni Trace na may malapad na ngiti.Wala ako sa mood para mang-asar ngayon.Gusto ko sana siyang asarin na mukha talaga  siyang shokoy kaso lang wala talaga kong gana eh.

    Biglang nag-iba ang ekspresyon niya kaya nagtaka ako.

   "Bakit ganyan mukha mo?" takang tanong ko.Kung maka ngiti siya kanina wagas tapos ngayon parang galit na siya.Problema ng shokoy nato?

     "Umiyak ka ba?" parang nagtatampong tanong niya.Medyo nagulat ako sa tanong niya pero di ko lang pinahalata.Sinigurado ko naman kaninang wala na kong luha ah?Naghilamos pa nga ko eh,pano niya nahalata?

         "Hindi ahh...Bakit naman ako iiyak?Wala naman akong dahilan para umiyak eh" todo tanggi ko pero alam kong alam niya na nagsisinungaling ako.He is my bestfriend since we were still young..He's like an older brother to me.Kilalang kilala na niya ko but still ayokong isali siya sa problema ko."Teka nga nagluto ka  na naman noh? Aishh,pasaway ka talagang shokoy ka...malilintikan ka talaga sakin pag ang dumi ng kusina" pag iiba ko ng usapan.Hindi ko gusto ang tingin niya,napakaseryoso.At ibang iba talaga ang makikita mo kapag nagseryoso si Trace.

      Tumakbo ako pababa ng kusina para iwasan ang interogation sa mga tingin niya.Hindi siya nagbibiro ngayon kaya gusto kong iwasan siya.

    Pagdating ko sa kusina ay walang kalat,walang dumi at syempre walang pagkain.Binuksan ko ang ref at naghanap ng maluluto,nakalimutan kong hindi pa pala ako nakakapag-grocery.Kaya itlog nalang ang kinuha ko, magfafried rice nalang ako at itlog.

     "Sofia" napapitlag ako sa mahinang pagtawag sakin ni Trace.Nakasandal siya sa mesa at naka cros arms.Napahinga ako ng malalim at napapikit.No choice nako kundi sabihin sa kanya ang mga nangyari.

     "Ok fine."suko na ko sa kanya.Sumandal ako sakitchen sink at humarap sa kanya at sunod sunod na nabuga ng malalalim na hininga.

    "From the top" seryosong utos niya.Grabe siya,ang insensitive ng shokoy nato.Di ba biya naisip na masasaktan ako pagbinalikan ko ang nakaraan?

     "Two years ago pagkatapos mong pumunta ng  Singapore medyo nagkatampuhan kami ni Chance dahil lang kay Trina yung pinsan mong engot..pero  knowing Chance hindi niya ko papatulugin hanggat hindi kami nagkakaayos pero lumipas lang magdamag di man lang niya ko tinext o tinawagan..nag-alala ako syempre kaya pagdating ng umaga ay pinuntahan ko diya sa bahay niya tapos nalaman ko nalang na umalis siya at nagpuntang Italy.Nasaktan ako nun,maraming tanong ang hindi masagot sagot sa isip ko.." tumigil ako sa pagkukwento dahil di ko mapigilan ang mga luha kong nagkakarerang umagos sa mga mata ko."I-inisip ko k-kung hindi sana ko siya *sniff* inaway,kung hindi *sniff* ko sana pinairal ang p-pagseselos ko di sana niya *sniff* ko i-iniwan" niyakap ako ni Trace at sinandal sa dibdib niya kaya mas lalo akong napahagulhol.

THE ENDINGWhere stories live. Discover now