" mahal ka niya kaya ka niya iniwan".....
nalilito ako mahal niya ako kaya niya ako iniwan ....napa ka gulo non di ba dapat pag mahal mo ang isang tao dapat mo siyang ipag laban. Napaka irrational nang sinabi ni chance to the point na di ko siya maintindihan ngunit ang mga salitang sinabi niya ay patuloy kung naririnig sa aking utak ko....hindi ko alam kung ang mga sinasabi niya ngayon ay ang tunay niyang nararamdaman o dahil wala talaga siyang alam at naaawa lang siya sa akin dahil sa iniwan ako ng taong mahal ko..
"b-ba-kkit mo na sabi y-yun paano?"sabi ko nang na uutal tiningnan ko ang mga mata nya wala akong makitang kalungkutan o bahid ng kasiyahan... Ibang iba na talaga siya sa chance na nakilala ko ..iba sa chance na minahal ko.." hindi ko alam kung ano ang gusto mong iparating?" sabi ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko tiningnan nya lang ako ."alam mo ba yung pakiramdam na yung sobrang saya nyo dahil anniv nyong dalawa tapos bigla bigla nalng kayong nag away ang worst is nakita mo nalang siya na may kasamang iba at nalaman mo na iniwan ka na niya ng walang pa aalam..di niya man lang ako sinabihan kung pagod na siya kung ayaw niya na saakin o di kaya napapagod na siya kaka intindi sa akin... Sobrang sakit non d mo alam kung anong nangyari bat nag ka ganon naiwanan kanalang ng napakaraming katanungan.. gano mo man gustong ma unawaan napakahirap paring paniwalaan.. Alam mo yung pakiramdam na wala ng maghahatid sa yo sa classroom niyo wala ng tatawag sayo ng lusyang, wala ng mag lalambing sayo pag nagtatampo-tampuhan ka, wala ng mag aalaga sayo pag may sakit ka, wala ng mag a i love you at mag babati sayo ng good morning lusyang ko i love you...
Napa ka sakit sabihin pero parang ang lahat ng naramdaman mong sakit ay parang ang sakit na walang lunas.."bigla nalang itinaas ni chance ang kamay niya at pinunasan ang mga luha ko.. di ko man lang na ramdamn na tumutulo na pala ang mga luha ko.."ahmmm sorry nad-dala lang a-ko sa emosyon ko. S-o sorry". Sabibko at pinunasan ang mga luha ko..
"kungalammolangkunggaanokasakitmakitakangganyan"
"uhmmm anong sinabi mo d ko marinig?" sabi ko napakabilis ng pagkakasabi niya at napakahina kaya d ko narinig.
"wala... Sabi ko di bagay sayo ang umiiyak.... Mas bagay sayo ang humahagulgol kagaya ni lilibeth nong sinabihan siya ni Soqueenia na humagulgol" sabi niya..
" HAHAHHAHAHAHAHAHAH" sabay kaming napa tawa ..
" hahahhaa pano mo nalaman yung kay.lilibeth at kay soqueenia?" tanong ko. Bigla akong na bigyan ng pag asa na malamn na may naalala siya sa nakaraan na iyon.
" huh uhmmmn nakita ko lang sa youtube nakakatawa nga eh tuwing pinapanood ko yun natatawa ako hahahaha" sabi niya. Akala ko naalala niya ..."hahahah ganon ba .. Oo nga napanood ko yung part na sinabihan siya ni soqueenia na wag lang daw siyang iiyak dapat humagulgol siya dahil daw bagay sa kanya" tanong ko
" oo.. Tas humagulgol nga siya kaya sila napalabas sa klase" sabi niya...
"hahahhaa hays" napangiti nalang ako na kahit papaano nakakausap ko siya ng ganito.
" napa ka seryoso mo namn dyan.. d bagay sayo tumawa kanalang ok pa sge ka pag pumanget ka eh eliminate ka ni kuya sa pbb!" sabi niya
" hahahha hindi naka smile ako dito o kita mo to?" sabi tapos ngumiti sa kanya at nag make face..
" hahahhahaha yan ganyan mas bagay sayo" sabi nya at ginulo ang buhok ko.

YOU ARE READING
THE ENDING
Short StoryHindi lahat ng tinadhana ay magkakatuluyan.Naka depende yun kung gusto pa nilang subukang ibalik ang nakaraan o kalimutan nalang ang lahat.Lahat tayo ay gustong maging masaya pero may mga pangyayari talagang kailangan mo nang kalimutan ang lahat da...