SOFIA'S POV
Kinakabahan ako habang papalapit ng papalapit ako sa pintuan ng starbucks hindi ko alam kung nandito na siya sa loob... Nang maka pasok ako diretsong dumapo ang mata ko sa lalaking naka upo sa dulong bahagi ng starbucks..agad akong nag lakad pa punta sa kinaroroonan niya..
"Uhmm k-kanina ka pa ba so-rry trafic kasi hmm" sabi ko kinakabahan ako sa kung ano ang maaring mangyari.."Take your sit.. Ang panget tingnan na nakatayo kalang" sabi niya nang napa ka cold.
" A-hh o-okay" tanging nasabi ko at umupo.. "Bakit mo nga pala gustong makipag kita sa akin" tinapangan kung tanong para di ma halata na kinakabahan ako..Biglang dumilim ang awra sa paligid niya.Para bang galit siya?
Diba dapat masaya ako ngayon dahil nakipagkita siya sakin?Pero bakit ganun?Bakit kinakabahan ako and at the same time natatakot?
Naiilang ako sa mga seryosong titig niya kaya napayuko ako.Ano bang nangyayari sa kanya?Bakit parang galit siya?
"Bakit may kasama kang lalaki sa bahay mo?" nakakatakot na tinig na tanong niya.
"A-ahh w-wala k-kasing matuluyan si T-trace kaya dun siya tumuloy" nautal at kinakabahang sagot ko.
Nagulat ako ng bigla nyang hinampas ang mesa ng nakakuyom na kamao niya.Napatingin saamin ang mga tao sa paligid na gulat na gulat.Nang tumingin ako kay Chance ay nanlilisik ang mata niya sa galit.
"Paalisin mo siya sa bahay mo..Naintindihan mo?" tiim bagang sambit niya habang nakakuyom padin ang kamay na nakapatong sa mesa.
"A-ano bang nangyayari sayo C-chance?" nanginginig na tanong ko.Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"SUNDIN MO NALANG ANG SINABI KO!!"
biglang sigaw niya at humampas ulit sa mesa.Parang naiiyak nako sa mga pinagagawa niya.Hindi ko na mapigilan at tuluyan na kong naiyak.Bigla naman lumambot ang mukha niya ng makita akong umiiyak.Akmang hahawakan niya ang kamay ko pero bigla ko itong iniwas sa kanya.Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon.Gusto ko siyang layuan ngayon,natatakot ako.
"Hey,Sofia..hindi ko sinasadya.I'm sorry..Please wag kang umiyak,i'm sorry" malumanay na paumanhin niya.Napa sabunot siya sa buhok niya.
Nagpatuloy lang ako sa paghikbi,napansin kong nakatingin parin ang mga tao sa amin.Pinunasan ko ang luha ko at tumayo sa gilid niya.Nakayuko siya habang nakasabunot padin sa buhok niya.Naptingala siya sa akin,tiningnan ko lang siya ng blangko.Gusto kong malaman kong bakit siya nagkakaganto.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinila palabas ng starbucks.Nagtataka siyang tumingin sakin pero hindi ko na iyon pinansin at pinagpatuloy ang paghila sa kanya hanggang naka abot kami sa sakayan ng bus.Napahinga ako ng malalim at nagtungo sa bilihan ng ticket.
Nang makabili na ko ng ticket ay hinila ko na naman siya pasakay sa bus.Naupo kami sa bandang gitna at tahimik lang hanggang sa umalis ang bus.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong niya.Hindi na siya nakakatakot ngayon at parang normal na siya.Hindi naman siya abnormal kanina pero iba lang talaga ang aura niya kanina.
"Sa probinsya namin" simpleng sagot ko.Hindi ko naman narinig na sumagot pa siya at ng tingnan ko siya ay nakapikit lang siya habang nakasandal sa headrest ng upuan.Hindi ko alam pero out of the blue aking napangiti.

YOU ARE READING
THE ENDING
Short StoryHindi lahat ng tinadhana ay magkakatuluyan.Naka depende yun kung gusto pa nilang subukang ibalik ang nakaraan o kalimutan nalang ang lahat.Lahat tayo ay gustong maging masaya pero may mga pangyayari talagang kailangan mo nang kalimutan ang lahat da...