SOFIA'S POV
Nagdaan pa ang ilang minuto bago ako lumabas ng kwarto at hinayaang mag-usap sina mama at papa.Nang makalabas ako ay naabutan kong nagkakatuwaan ang dalawa kong pinsan na sina Daniella at Denice kasama si Chance sa mesa samantalang nakasimangot lang si Stephen na nakaupo ng medyo malayo sa kanila.Lumapit ako sa kinaroroonan ng kapatid ko at umupo sa tabi niya.Hindi naman nahalata ni Chance at ng mga pinsan ko ang paglapit ko dahil patuloy pa din ang pagkukwentuhan nila.
"Bakit mo naman dinala ang lalaking yan dito,ate?" seryosong tanong ng kapatid ko sakin.Napa-isip ako ng matagal.Bakit ko nga ba siya dinala dito? Napahinga ako ng malalim.
"Hindi ko din alam Steph...sa tingin mo tama ba na dinala ko siya dito?"
walang emosyong balik tanong ko sa kanya at nag-pout.Tiningnan niya ko at napangisi,napataas naman ang isabg kilay ko at nagtaka.Kanina lang seryoso niya tapos ngayon ngumingisi na."Tingin ko dinala mo siya dito para masaktan ka" nangiting sambit niya.
"At paano mo naman nasabi yan?" taas kilay na tanong ko sa kanya.Nagkibit balikat lang siya saka tumayo.Tsk.Bipolar.
"Tandaan mo ate 'Sometimes try to observe people around you...look at his eyes and ask him what's lie and what's true.After that ask him why and I promise you,you'll say sorry after hearing his words.You'll smile but it will fade because you will cry' yan ang sabi sa akin ng matandang babae na may sayad sa ulo kahapon" mga salitang sinambit niya bago umalis aa harapan ko at pumasok sa kwarto niya.Napatingin ako sa direksyon ni Chance.I'll try.napa isipbako sa sinabi ng kapatid ko. Kahit kailan talaga puro kalokohan lumalabas sa bibig niya..
"Hahahahahahaha!!! Talaga kuya?" tawa-tawang tanong ni Denise kay Chance.Tumango at ngumiti lang si Chance bilang tugon.Napangiti din ako ng wala sa oras at biglang napatingin si Chance sa direksyon ko.Nagulat ako ng kinindatan niya ko at feeling ko ay nagbabaga ang mukha ko kaya napa-iwas ako ng tingin sa kanya.Nadinig ko syang mahinang natawa kaya tumingin ulit ako sa kanya..sana kung hindi ka umalis mag asawa na tayo.. Sana marami na tayong nagawang masasayang alaala, Sana masaya tayo ngayon kasama ang ating munting chance at munting sophia.... .bigla ko nalang na isip ang mga bagay na alam ko hanggang 'SANA' nalang..
******Flashback****
"Babe Lusyang, gusto ko ng maraming mumunting sophia na gagawin kung team ng volleyball, at saka mumunting chance para magkaroon tayo ng isang team ng basket ball para masaya!!!" sabi ni chance habang naka nguso..
"Aba't Bilib din ako sayong budoy ka nu mga anak na ang iniisip mo eh kaka graduate panga lang natin pano mo nga papakainin sila kung wala ka ngang trabaho di ka pa nga nakakapag apply! Tsss ikaw talaga!!!" sabi ko sakanya
"Wala lang share ko lang advance kasi ako mag isip naiisip ko na ang mga maaaring mangyari in the near Future!"sabi niya na ibinulong ang huling mga salita..
"Ewan sayo mag hanap ka nang trabaho para maging makatotohanan yang mga sinasabi mo!" sabi ko sabay tayo..
"Teka ibig ba sabihin non payag ka?"
Sabi niya na lumalaki ang mata.."Hala hindi nuh napa ka galing talaga ng imagination skills mo" aalis na sana ako ng biga niya akong hilahin napaupo tuloy ako sa kanyang mga hita.
"Alam kung magaling ako mag imagine ng mga bagay bagay MRS. LEGAZPE ....pero hindi ako mag kamali ng dinig at enterpretasyon sa sinabi mo" sabi niya nang may diin pa ang mrs. Legazpe.
"Hala ewan ko sayo.... BITAWAN MO NGA AKO!! Aish" sigaw ko habang pumipiglas para makawala sa mga bisig niya.."MRS. LOPEZ ang ibig sabihin lang po pala ng sinabi niyo ay ready na kayong mag ka anak at maging asawa ko" bulong niya sa tenga ko na nagpalaki ng mga mata ko.. Linakasan kong pagpumiglas at nakawala ako sa pagkakakulong sa mga bisig niya..
"Hi-hindi yun a-ang i-ibig kong s-sabihin" sabi ko nang nauutal dahil sa nahihiya na ako para na nga ata akong kamatis ngayon..bigla siyang tumaya at pumunta sa kinaroroonan ko" a- ano g- ga g-awin mo?" tanong ko nang nauutal...
"wala ng bawian MRS. LOPEZ" bulong niya at hinalikan ako sa noo. Tsaka siya umalis....
****End of Flashback****
Napabuntong hininga nalang ako sa alaalang iyon..
"uhm kumain kana ba?" nabigla ako sa tanong ni chance. Di ko man lang namalayan na nasa harap ko na pala si chance..
"A-Ah hindi pa, busog panaman ako eh, ikaw?" tanong ko.
"Binigyan ako ng pagkain ng mga pinsan mo" sabi niya.
"ah ganun ba mabuti naman.. Sorry nga pala bigla nalang kitang dinala dito" sabi ko sakanya.
"okay lang..sorry rin kasi nasigawan kita kanina "
"hayaan mo na yun mas mabuti pang sulitin nalang natin ang mga araw ngayon dahil baka mawalan tayo ng trabaho pag balik natin o di kaya tambakan tayo ng napakaraming trabaho .... Hahhhahah nag awol lang namn kasi tayo" sabi ko
"oo, nga ..hahahhahaha.." sabi niya.
"tara labas tayo.. Gusto kung maka langhap ng sariwang hangin" sabi ko sa kanaya. Lumabas kami ng bahay at nag lakad lakad sa bakuran. Tahimik lang siya habang nag lalakad kami. Nakita ko ang upuan na gawa ni papa noong bata pa ko sa tabi nito ay mga halaman at lamesa ilang hakbang mula sa mesa at upuan na ito ay ang duyan. Umupo ako sa upuan tahimik parin c chance.sobrang nakakabingi na nangbkatahimikan na bumabalot sa ming dalawa.
"uhhmm" sabi ko nalang dahil d ko alam kung ano ang sasabihin ko.
".uhmmm may boyfriend kana ba?" tanong niya sa akin
Nabigla ako sa tanong niyang iyon hindi ko inexpect na yun yung itatanong niya para kasing may bahid ng pag aalala yung tinig niya.hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
"uhmmm ...wala eh,"sabi ko at tiningnan siya sa mata..
" hindi ko kasi kayang palitan ang taong minahal ko ng lubusan kahit iniwan niya ako nang walang paaalam. Heto parin ako nag hihintay at umaasa na sana bumalik siya at sabihin sa akin na mahal niya parin ako kahit dalawang taon na ang lumipas na hindi parin siya nagpaparamdam. May pakiramdam kasi ako na may problema siya kaya niya ko iniwan maiintindihan ko naman siya sana,...... Sana kung sinabi niya kung bakit niya ko iniwan." sabi ko nang tuloy tuloy habang nakatingin sa kanya, parang naluluha na ako sa mga pinag sasabi ko ang sakit makita na parang walang expresyon ang mga mata't mukha niya..."kung sino man ang lalaking iyon alam ko na mahal ka niya kaya ka niya iniwan" nabigla ako sa sinabi niya.
" may mga bagay lang kasi na hindi Natin kayang sabihin sa taong mahal natin ang mga bagay na maaaring makakasakit sa kanilang damdamin o maaaring mawalan ng pag asa para sa atin... Hindi lang kasi nila kayang makita ang taong mahal nila na nasasaktan dahil sa katotohanan...Tandaan mo lang na kung mahal kanang taong yun babalik siya at babalik yun para sayo dahil mahal kaniya at kahit anong mangyari hindi ka mawawala sa puso at isip niya. Gano man ka tagal ang lumipas na panahon dahil kung mahal kaniya, mahal ka talaga niya hindi na yun mag babago itaga mo man sa bato ...."
Don't foget to vote and comment <3

YOU ARE READING
THE ENDING
Short StoryHindi lahat ng tinadhana ay magkakatuluyan.Naka depende yun kung gusto pa nilang subukang ibalik ang nakaraan o kalimutan nalang ang lahat.Lahat tayo ay gustong maging masaya pero may mga pangyayari talagang kailangan mo nang kalimutan ang lahat da...