Helieena
'Falling to the ground is painful.'
Tweet sent!
Mabuti na lang at mabilis ang internet access dito sa may Multi-Purpose Building ng school.
Katatapos lang kahapon ng Pre-test namin. Nasagutan ko naman lahat ng questions, hindi nga lang ako sure kung tama ba lahat ng 'yun. Aasa na lang ako sa himala.
"Helieena, right?" Nagulat ako ng may tumawag sa name ko.
Halos three days na ako dito sa RPMAA hindi pa rin ako makahanap ng mga kaibigan. Halos naging busy rin kasi ako sa pagrereview para sa Pre-test. The funny thing is nagreview talaga ako, which is not my thing. Naalala ko kasi si Shawn.
"Hi. Ako nga pala si Shane. Shane Reyes." She offered her hand para makipagshake hands.
Pamilyar 'yung mukha niya.
"Classmates tayo, right?" Wala sa sarili kong tanong. I'm sorry, I'm bad with remembering faces and names of new people.
Wait- siya ba 'yung babaeng nagtanong tungkol sa something good?
"Yas! Yas! Hindi mo ba ako naaalala? Tinanong kaya kita noon kung puede ka bang magshare about something good."
Confirmed. Siya nga 'yun.
"Ano bang ginagawa mo?" Tanong niya at saka sinilip ang phone ko.
"Uhm. Twitter lang." I smiled.
"Uy, may Twitter ka? I-follow mo naman ako." Tiningnan ko lang siya. Is this her way of saying friends na tayo? O nangunguha lang siya ng followers?
"Sorry. Masyado ba akong FC?" Halata sa mukha niya na parang nahiya siya sa sinabi niya.
"Anong FC?" Curious kong tanong.
"Feeling Close."
"AH. No, it's not like that. It's just weird na may kumakausap sa akin ngayon." So I guess, I have found a new friend.
*****
"I thought you were a kind of mataray." Sabi ko sa kanya.
"What? Talaga?" Hindi makapaniwalang sabi ni Shane habang kinakain niya 'yung burger niya.
Lunch break na at nasa cafeteria kami. Hindi kumain si Shane ng rice, at nagburger lang siya. Samantalang ako nag-ienjoy sa pagkain ng gulay at kanin.
"Oo e. Why did you ask about that nga pala?"
"Yung something good? Wala trip ko lang 'yun." Then she took another bite.
At first akala ko she's not the kind na parang friendly. She's more like the masungit type o mataray type kasi. Pero she's nice naman.
Simula kanina hindi pa rin nawawala ang ngiti niya, at hindi rin siya nauubusan ng mga story about a lot of things. Hindi naman ako nagsasawang pakinggan siya. Funny kasi facial expressions niya while talking. All-in-all masaya siyang kasama.
Napansin ko rin na kanina pa siya tingin ng tingin sa paligid namin. Para bang may hinahanap siya o di kaya ay may hinihintay siya, o di kaya lahat ng binanggit ko.
Ilang saglit pa'y nakita ko siyang nagtaas ng kamay at saka kumaway. I guess I'm right.
"Kaye! Tara dito!" Hindi naman siguro siya sumisigaw.
May lumapit sa aming isang babaeng nakasling bag at may dalang tray ng pagkain.
Classmate ko rin ba siya? Pamilyar kasi ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Catch My Heart ♥♥
Teen FictionTo fall in love unexpectedly comes. Feel the happiness. Deal with the pain. To catch someone's heart is a decision. Share that happiness. Help ease the pain. Can you 'Catch My Heart?'