Chapter 5

161 15 7
                                    

Helieena

'Inside my head there's our love story. Perfect and romantic from the moment we met. A big difference in reality. Because in this world, no us exists.'

Tweet sent!

Puno na ng tao ang multi-purpose building ng makabalik ako. Kagagaling ko lang ng CR kasi nakaramdam ako bigla ng call of nature dahil sa sobrang kaba ko to the millionth power.

From Grade 7 to Grade 12 ang performers. Simula kaninang alas otso ng umaga hanggang ngayon, na halos ala una na ng hapon hanggang Grade 10 pa lang natapos.

"What's with the shorts?"

Sa lahat ba naman ng puedeng makasalubong ko pagkalabas ko ng CR si Kuya pa ang nakita ko.

Nakakunot noo siya habang tinitingnan ang suot ko para mamaya sa performance ko.

Stripes na high-waist short ang suot ko at isang black na cropped top na may nakasulat na 'Not Falling' at isang white na rubber shoes. Okay naman sa akin ang outfit ko ngayon, nagpa-french braid pa nga ako kay Shane kanina.

"Bakit? Okay naman e." Tiningnan ko ulit ang shorts ko. Hindi naman siya madumi. "What's the problem?"

Lumapit sa amin si Kuya Caesar. Para talaga siyang buntot ni Kuya. Nakasuot silang pareho ni Kuya ng black leather jackets. Pero magkaiba ang kulay ng inner shirts nila. Kuya Caesar was wearing grey and Kuya was wearing white.

"Isn't it too short?" Kuya blurted.

"Ano ka ba Lookie, short nga e. Nakakita ka na ba ng mahabang short? Kung nagkataon hindi na short ang tawag dun." Sabi pa ni Kuya Caesar at saka inakbayan si Kuya.

"Eh ano naman?" Kuya asked.  Nagpalipat-lipat ang tingin ni Kuya Caesar sa amin ni Kuya as if hinahanap niya sa amin ang sagot.

I raised an eyebrow at him. Aba malay ko ba.

Then he started laughing. Sa sobrang pagtawa niya sana sumakit ang tiyan niya.

"Di niyo alam? Anong klaseng tao kayo?" Natatawa niyang sabi.

Anong nakakatawa?

"Obvious naman na hindi."

"Edi long. Ano bang opposite ng short? Long ang tawag dun!"

Kuya gave him a death glare.

"Grade 11. Alcantara, Kaye Janessa."

Tinatawag na si Kaye, which means pupunta na siya ng stage. Kaagad na rin akong tumakbo papunta sa venue. Sumunod naman sa akin sina Kuya.

"Go Kaye! Fighting!" Masayang sabi ni Shane habang nakataas ang dalawang kamay niya.

Tahimik lang na naglakad papuntang stage si Kaye. Mukhang hindi siya kinakabahan.

Pero ano 'to, mukhang mas kinakabahan ako sa magiging performance niya.

"OMG Helieena, sana hindi makalimutan ni Kaye ang lyrics." Mukhang hindi lang ako ang kinakabahan para kay Kaye ngayon.  Halatang pati rin si Shane. "GO KAYE! Whoah kaibigan ko 'yan!" Sigaw ni Shane. Such a supportive friend.

Nakaupo na sa stage si Kaye habang dala-dala ang gitara niya.

She was wearing a white off shoulder dress, naka-fishtail naman ang buhok niya na halos ilang beses na inulit ni Shane para daw maging 'perfect'.

"Are you ready?" Tanong ng isa sa mga teachers na member ng jury.

"Yes." Sweet talaga ang boses ni Kaye. Bakit kaya tikom palagi ang bibig niya? Nakakagulat na singer siya. I mean hindi ko talaga akalain na singer pala siya.

Catch My Heart ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon