Chapter 11

130 11 0
                                    

Helieena

'Don't make love as an excuse, why you turned into a monster. It was your obssession.'

Tweet sent!

"Problem? Do I have to lie? Obviously it's you and that witch!"

"Sobra ka na Kaye." Dahan-dahan akong tumayo sa harapan ni Breyy at saka tiningnan ko ang direksyon ni Kaye.

Huli na para pigilan ko pa ang bibig ko na hindi sabihin ang mga salitang 'yun.

"Sorry, Helieena-- I..I didn't mean to say that-" Bakas sa mga mata ni Kaye ang pagkagulat sa mismong sinabi niya. Napatakip siya ng bibig at saka tumalikod siya sa amin ni Breyy. Matapos 'yun nagmadali siyang tumakbo hanggang sa nawala na lang siya sa paningin ko.

Hindi ko siya maintindihan. Kung kanina lang nainis ako sa sinabi niya, pero ngayon parang nabawasan ng makita ko ang reaksyon niya. Halatang maski siya nagulat sa binitawan niyang mga salita. Pero kahit na, hindi pa rin tama na sabihan niya ako ng ganun.

Ano bang maling nagawa ko kay Kaye? Kanina lang sinabihan niya akong hindi pa kami ganun kaclose kaya huwag akong makialam sa kanila ni Shane. Tapos ngayon sinabihan niya pa akong witch. Do I look like a witch to her? What did I do, for her to say all those things?

May kinalaman ba si Shawn dito?

"Bumabalik na naman ang dating pag-uugali niya." Bulong ni Breyy.

I turned my head to face Breyy and then asked, "what do you mean?"

Hindi sumagot si Breyy sa halip ay pinitik niya lang ang noo ko.

"Golly cheese naman Breyy! Masakit 'yun!" Reklamo ko habang hinihimas ang noo ko. Binigyan ko ng masamang tingin si Breyy ay saka sinipa ang kanang paa niya, dahilan para ma-out of balance siya kaya muntikan na siyang matumba sa floor.

"My gosh to you Helieena! Why did you kick me?!"

"Ikaw nga 'tong nauna e!" Depensa ko naman habang tinuturo ang noo ko.

"Ang chismosa mo kasi!"

"E bakit mo ba dinadamay ang noo ko? E nanahimik lang naman siya!"

Napuno ng sigawan namin ni Breyy ang hallway. Halos hindi kami natapos-tapos sa pagsisisihan. Both of us are claiming that we just did the right thing.

"Kung hindi ka naman kasi chismosa diyan e." Pahayag niya habang nakatingin sa akin.

"Kung hindi ka rin naman mapang-api sa kapwa mo."

"Paki-explain nga kung paano kita inapi?" Lalong lumapit si Breyy sa pwesto ko at saka binangga ang braso ko  gamit ang braso niya.

"Ayan! Inaapi mo na naman ako! Physical abuse!" Sigaw ko.

"Ano bang meron at nandito lang kayong dalawa?"

Pareho kaming napahinto ni Breyy sa kanya-kanya naming ginagawa at napatingin sa taong kadadaan lang. Boses niya pa lang, kilala ko na siya kahit na ano pang gawin ko.

Shawn's eyes and mine failed to meet.
Hindi nagkatagpo ang mga tingin namin dahil sa bilis ng lakad niya, kaya naman tanging ang likuran na lang niya ang inabutan ng mga mata ko. Nakapamulsa siya at patuloy lang sa paglalakad. Pati ba naman ang likod niya magandang pagmasadan. His back is so wide plus it's really straight.  Parang in good condition talaga ang backbone niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catch My Heart ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon