Helieena
'Do you remember?'
Tweet sent!
Mansae! Mansae! Yeah!
Sa buong buhay ko minsan lang akong masaya kung nagigising ako. Kadalasan kasi badtrip ako, lalong lalo kapag naririnig ko na ang alarm ko. Ayoko kasing napuputol ang panaginip ko. Kung puede lang sanang ipause muna lahat ng mga panaginip ko at ipagpatuloy ko sa susunod na pagtulog ko, edi sana ginawa ko na. At sa ngayon talagang badtrip na badtrip ako sa tunog ng phone ko. Naman e, sarap ng tulog ko tapos eeksena siya, nakakainis.
Pero teka? Sino bang tumatawag sa akin sa ganitong klaseng oras?
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ilalim na pala ng unan ko at saka tiningnan ko 'yun. Tumatawag lang pala si Breyy. Si Breyy lang naman 'to.
I was about end the call but then I remembered something.
Oh wait, si Breyy tumatawag!
Teka nga? Ba't ang aga-aga tinatawagan na ako ng bruhang ito? Ano kayang pakay niya?
"Hell----" hindi ko pa natatapos ang nararapat kong sabihin ng bigla nalang siyang sumigaw mula sa kabilang linya. Kahit kailan talaga, agaw eksena siya.
"HOY!" Wagas kong makasigaw ang isang ito akala mo kung sino. Sinisira talaga niya ang araw ko.
"Ano?!" Naiirita kong tanong habang pilit na binubuksan ang dalawang mga mata ko. Inaantok pa talaga ako! Sabado naman ngayon e!
Anong oras pa lang ba?
Dahan-dahan kong nilingon ang isang digital clock sa tabi ng kama ko at lalo pang dumoble ang inis ko ng makita ko ang oras.
Golly cheese. Alas singko pa lang ng madaling araw, binubulabog na ako ni Breyy!
"Helieena, 9:00 AM sharp sa MOA! Ayoko ng naghihintay!" Sigaw niya.
Whatda.
Srsly? Kailangan ba siyang sumigaw? Hindi naman ako bingi e. Puede naman siyang magsalita ng normal e, ano bang problema niya? Kung makapag-utos rin naman siya wagas. Akala niya boss siya. Bossy masyado,sarap tadyakan! Nakakainis.
"Ano bang ipinaglalaban mo ngayon dito ha?! Ba't ba sigaw ka ng sigaw?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi siya sigawan pabalik.
Sa lahat ng bagay, ayokong nasisimulan ng masamang hangin ang umaga ko kasi may tendency na nababadtrip buong araw. At ngayon pa lang, talagang badtrip na ako.
End of call.
Golly cheese.
Nakakainis! Kahit kailan talaga panira ng mood ko itong si Breyy!
***
"9:00 AM daw. Sharp pa. Whatda." Pabulong ko sabi habang tumitingin sa bawat taong dumadaan sa harapan ko.
"Patience is a virtue, girl." Sabi naman ni Breyy sa tabi at saka tinapik ng mahina ang balikat ko.
Nauubos na ang pasensya ko. Nakakapagod kayang maghintay, lalo kung wala kang kasiguraduhan sa paghihintay mo.
"Ano ba naman kasi 'yan! Halos isang oras na tayong nakatayo dito. Naglolokohan ba tayo dito, ha?" Tiningnan ko ng masama si Breyy at saka nagcross arms ako.
"Patience is a virtue." Ulit niya pa, at saka pilit na pilit na ngumiti sa akin. Pagkatapos ay uminom siya sa isang bottled water na dala niya.Ano ba 'yan, pakiramdam ko nauuhaw na rin ako. Nauuhaw sa pagmamahal ni Shawn.
I gave him a glare matapos niyang sabihin 'yun. Kung makapagsalita naman siya parang ang daling maghintay. Hindi nga kami sigurado kung nandito nga talaga 'yung hinahanap namin.
BINABASA MO ANG
Catch My Heart ♥♥
Teen FictionTo fall in love unexpectedly comes. Feel the happiness. Deal with the pain. To catch someone's heart is a decision. Share that happiness. Help ease the pain. Can you 'Catch My Heart?'