Helieena
'Know when to let go and when to hold on.'
Tweet sent!
May mga bagay sa mundo na talagang nangyayari. Pilit mo mang ito'y takasan, kung sadyang ito'y nakatadhanang maganap, talagang mangyayayari ito. That's called fate.
Ikaw naniniwala ka ba 'dun?
Sabi ni Kuya life is a choice. Everything that is happening is the result of those choices.
Sabi naman ni Kuya Caesar just go with the flow. If it's meant to be- then let it be.
Kapag naman talaga masama ang hangin, hindi ako makaalis sa loob ng kwarto ko ngayon. Naiinis ako sa ikot ng mundo dahil patuloy siyang pinapadaan sa mga mata ko!
Naiinis ako kay Kuya dahil ang sabi niya iwasan ko 'yung kaibigan niya! Pero ito siya patuloy siyang iniimbitahan sa bahay namin! Gusto pa nilang magsleepover!
Ano ba 'to? Lalo lang akong nasasaktan e! Bakit ba naman kasi nandito pa si Shawn sa bahay?
Puede namang magtambay sila kina kuya Caesar or sa mismong bahay nila, pero bakit dito pa sa amin?! Wala ba silang mga bahay?!
Hindi ko alam kung nasaan ba sila ngayon. Hindi ko nga alam na nasa bahay pala sila. Nakita ko lang kanina sa instagram post ni Kuya Caesar na nasa garden sila. Selfie 'yun at ang caption ay, 'sleepover at Lookie's mansion'. Malay ko ba kung ano na naman ang pinagkakaabalahan nila. Thirty minutes ago pa 'yun.
May pinost rin si Kuya Caesar sa Twitter kanina mga fifteen minutes ago. It goes like this, 'Boy talk going on.' Wala naman siyang minention. Pero mukhang alam ko na kung sino 'yung mga kasama niya. May ganun rin pala? Akala ko noon 'girl -talk' lang ang meron.
Hindi pa ako inaantok. The thought kasi na nandito ngayon si Shawn sa bahay parang nagiging active ang mga senses ko. Kaya lang habang tumatagal na hindi ako makatulog nagugutom ako.
Gutom na naman ako! Ano ba 'to lagi nalang akong gutom. Ipacheck ko na kaya ang laman ng tiyan ko?
Gusto kong kumain! Pero ayokong bumaba. Baka kasi- basta ayoko siyang makita!
Pero ang tiyan ko!
Hayaan na nga. Basta nagugutom ako. Pagbibigyan ko na nga itong tiyan ko. Bahala na si Batman sa mga mangyayari.
I slowly go down to the kitchen then kaagad kong binuksan ang refrigerator. Ano kaya ang puedeng kainin? Evening snack? Alas dyes pa lang naman hindi pa midnight so, evening snack!
Aha! A cassava cake and a strawberry juice will do. Wait, kumain na rin kaya ako ng marble cake? Bakit ba puro matatamis ang laman ng ref namin?
Isinara ko ang refrigerator gamit ang isang paa ko dahil parehong may bitbit ang dalawang kamay ko. At halos malaglag lahat ng dala ko sa sobrang gulat ng makita ko ang mukha ni Shawn sa kabilang side ng tuluyan ko ng maisara ang ref.
Golly cheese.
Ano ba 'to? Wrong timing.
Nagwala na naman ang puso ko. Parang isang batang walang tigil sa kasisigaw. Pero ngayon ibang uri ng sigaw ang kasalukuyang naririnig ko. Isang sigaw ng pusong nasasaktan at pusong nahihirapan.
Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko.
"Helieena-- ikaw pala." Mahina niyang sabi habang nakatingin sa akin bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng makita ako. Am I that scary?
Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang ako palayo sa kanya. Nagugutom ako diba? Kakain ako.
Inilagay ko ang mga dala kong pagkain sa lamesa pati na rin ang juice, at saka pumwesto na.
BINABASA MO ANG
Catch My Heart ♥♥
Teen FictionTo fall in love unexpectedly comes. Feel the happiness. Deal with the pain. To catch someone's heart is a decision. Share that happiness. Help ease the pain. Can you 'Catch My Heart?'