(Tristan's POV)
***tapos na ang practice at magshower
"grabe captain, wala kang patawad! una na kami"
"bye captain!"
isa isa na nga silang nagpaalam, natapos na kasi ang kalbaryo nila ngayong araw. tsk!
"maaga ang practice bukas, call time 6:00am, ang malate bukas doble ang tatakbuhin sa rounds at doble ang gagawing push ups! kuha niyo?" sigaw ko sakanila..
gustuhin man nila magreklamo wala silang magagawa kundi sumagot ng....
"yes captain!" at nagsialisan na nga sila maliban kay Phil.
"brad! saang bar tayo?" tanong niya sakin sabay akbay...
"kakasabi ko lang diba? di mo ba narinig yung sinabi ko na maaga ang practice bukas? ala sais ng umaga"
"alam ko, narinig ko. psh! sungit! meron ka?" sabay tawa at takbo..
alam niya kasing makakatikim talaga siya ng sapak sakin. ugok talaga.
pagkadating sa parking lot
"o sige brad, see you tomorrow!" sabi niya sabay salute.
"umuwi ka na agad ah? naturingang vice ka kaya wag kang ambisyoso at magpalate bukas"
"nagger!" sabi niya sabay pasok na sa kotse niya.
ugh!! may sapak talaga.
sumakay na rin ako sa kotse ko, kailangan ko ng umuwi. magtutuos tayo ngayong gabi travis.
(Stacey's POV)
hindi nga kami nagsabay ni travis umuwi, may dadaanan pa nga kasi ako diba?
andito ako ngayon sa "MUSIC SHOP", isa tong shop ng mga CDs at pwede kang makinig ng libre sa mga kantang gusto mong pakinggan, gustong gusto ko dito hindi dahil libre ang pakikinig, may pera ako pambili ng CDs noh! HAHAH.
Lagi ako dito, minsan nga ginagabi pa ako, walang may alam na lagi akong napupunta dito, ang alam nila pag late ako umuuwi naglalakwatsa ako, pero ang totoo, dito lang naman talaga ako napupunta. Bakit? Kasi dito, tahimik.
Magkakalayo ang mga kubo dito, maliliit na kubo. Bawat kubo may kanya kanyang categories ng kanta, kung trip mo ballad, dun ka sa kubo na puro ballad ang laman, kung pop naman, may iba din siyang kubo, tahimik dito kasi bawat kubo ay nakasetup sa tubig, at isa lang talaga ang allowed sa bawat kubo, depende nalang kung malakas ka sa may-ari, hahaha!
Masarap magstay dito pag gusto ko talaga mapag-isa, masaya man ako o malungkot.. at araw-araw gusto ko mapag-isa, kung ikaw kaya kasama mo sa bahay isang kuyang ubod ng sama, gugustuhin mo pa kayang umuwi?psh! well, kung di naman kasi magsasalita si kuya Stanley okay na eh, kasi gwapo naman talaga siya, hindi siya pwedeng maging pangit kasi kambal kami, pag pangit siya, pangit din ako, kaya ipaglalaban ko hanggang kamatayan na gwapo siya. hahahha!
Nakatatlong CDs na ako ng ballad. Uuuwi na ako.
Kaya gabi din ako nakakauwi kasi sobrang layo talaga dito. HAHAH. 2 hours lang naman hanggang bahay.
***bahay
"wow naman Stacey, ang aga mo nanaman umuwi ah?" salubong sakin ng napakagwapo kong kuya na natayo sa may pintuan, *insert sarcasm*
"napansin mo din kuya? ang aga ko noh?labas kaya ako ulit?" sabi ko.. ang totoo, halos magaalas diyes na.
"ewan ko sayo, kumain ka na" sabi niya sabay akyat na sa kwarto niya. psh!
BINABASA MO ANG
Blame It To My Heart
Humormust read! hehehe.. joke lang! read if you like.. at tagalog po ito..maarte lang yung description..hehehe.. thanks sa mga magbabasa nito..pagpapalain kayo ng Diyos! Amen! ^____^ (description------> Stacey, rich, beautiful, intelligent and most of al...