Chapter 1

382 12 6
                                    

this is the original plot of my story "the more you hate, the more you love?" magiisang taon din ata itong nakatambay sa files ko.. and ngayon ko lang naisip na ibahin na lang ung title at iupload ito..sana magustuhan niyo..support niyo din sana..hehehe..di pa tapos ung TMYH,TMYL? ah.. basahin niyo parin sana.. di lang ako makatiis na patagalin pa ang pagupload nitong story.. hehehe.. :)

thank you readers!

____________________________________________________________________________

"HAPPY ANNIVERSARY" ---- THE TWINS

(Stacey’s POV)

“STACEY!!! HOY STACEY!!! Gumising ka na nga jan. bangon na! malapit ng mag 12 oh!”

Anung ingay ba ung naririnig ko? Bakit ang ingay? Ang sarap-sarap ng tulog ko eh! Tinakpan ko ng unan ang tenga ko,pakiramdam ko mababasag na ang eardrums ko sa boses nung sigaw ng sigaw eh. Maya maya nakukuha ko na ulit ang tulog ko ng biglang may pumalo sa pwet ko. Ang lakas!

“AAAARRAAAAYYYY!!! TAE NAMAN EH!!” napabangon ako sa sobrang gulat at sakit. Pag-upo ko, hinimas ko ung pwet ko. Ang sakit talaga.. huhuhuhuh..

“KUYAAAA!!! Ano bang problema mo ha?” kinuha ko ung phone ko at tinignan ang oras, 11:57pm! “kuya naman! Mag-aalas dose na oh.. bakit ka ba nang-gigising ha? Antok pa ako eh..” bumalik na ako sa paghiga ng biglang hinila naman ni kuya ang mga paa ko.. “WAAAAAAAAHHH! KUUYAAA!! Anu ba?!”

Siya si kuya Stanley,kambal ko yan.. pero nauna kasi siyang tinae ng nanay ko kaya siya ang kuya ko..hahahha.. Siya ang kuya kong ubod ng gwapo at ubod din ng pagkabruho. Sweet naman siya minsan, pero mas madalas ang hindi. Pero love ko naman yan kahit baliw-baliwan.

“hoy Stacey! Alam mo ba kung anung date na pagpatak ng alas-dose? Ha?”

Dinilat ko ang left eye ko at tinignan ang oras sa phone ko.. June 17 ngayon, ibig sabihin..bukas June 18..ibig sabihin…..

“WAAAAAAAHHHH!! Bat di mo ako agad ginising kuya??” sabay bangon at takbo papunta sa harap ng pc ko.. buti nlng di ko pinapantay yun para lagi akong online sa skype.

“at talagang ako pa ang may kasalanan ah? Parang ilang oras na kasi kitang ginigising jan eh. Halos mabulabog na nga ang buong subdivision dahil sa boses ko para lang magising ka”

Tinignan ko na lang siya ng masama..aminado naman kasi akong mahirap akong gisingin.. hehehe.. tinutok ko na ang mga mata ko sa pc.. pumunta sa skype at kinlik ko n ang video call.. lumapit na sin sakin si kuya..after ilang ring lang….

“HAPPY ANNIVERSARYMOMMY AND DADDY” sabay naming sigaw ni kuya pagkakita namin sa mga mukha ng mga magulang naming sa screen..

Anniversary kasi nila ngayon. Every anniversary nila eh pumupunta sila sa ibang bansa para mag-honeymoon. Nung bata pa kami ni kuya sinasama naman nila kami pero simula nung nagHS na kami kuya hindi na kami sumasama. Moment naman nila yun eh.

“thank you mga anak!We love you!” sabay naman nilang sabi.. ang sweet sweet ng parents ko, para sakin mtatawag ko ng perfect ang family ko kahit pa may conflict paminsan-minsan.. part naman na kasi un ng life db?

“mommy,daddy, wag nio na kami dagdagan ha? Ayaw ko na ng isa pang Stacey sa buhay ko! Magpapakamatay talaga ako pag dinagdagan niyo pa sakit ng ulo ko”

Anak ng! sakit ng ulo? Ako? Ang bait-bait ko kaya!

“hoy kuya, manahimik ka, pwede? Mommy, daddy, sige lang.. gawa pa kayo ng isa pa para may kakampi naman ako sa pang-aapi ng kuya kong balahura!”sabay tingin ng masama kay kuya.. narinig ko namang tumawa ng malakas ang parents namin.

Blame It To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon