Ang ikli ng mga update ko no? Hahaha nakakatamad kasing magtype. Sa mga susunod na chapter tatry kong habaan. Kung may susunod pa haha
Masaya akong nakikipag usap kila Nikka at Daniela, nagkukwento kase sila tungkol sa nangyari no'ng last na punta nila sa Bar. Hindi ako nakasama dahil nagrereview ako nang araw na 'yon
Alas singko na nang hapon kailangan na naming umuwi. Hinihintay na lang namin sila Casper at Warren na hanggang ngayon wala parin. Kasama ko sila Nikka, Daniela, Aira, Allysa, Aaron, Axel. At sila.... Art
Matapos ang niyang bitawan ang kamay ko kanina. Bigla na lang siyang umalis..... Iniwan akong tulala.
Nagkukwentuhan sila ng mga kaibigan ni Art at sila Daniela. Nasa tabi lang kami ng cottage samantalang sila ay nasa lamesa. Nakaupo.
Napalingon ako sa gawi ni Art. Nakita ko ang mga matatamis niyang kita, rinig na rinig ko ang nakakahumaling niyang tawa.
Nababaliw na ata ako.
Nakita ko rin ang mga braso ni Venya na nakakapit na naman sa braso ni Art. Hindi ko tuloy maiwasan mag isip kung may relasyon ba sila. Girlfriend ba siya ni Art? Gaano na kaya sila katagal?
Pumikit ako para alisin ang mga naiisip ko. Hindi ko dapat isipin 'yon. Dahil wala lang sayo si Art. Macey! Hindi pwede ang nararamdam mo!
Dumilat ako, pagdilat ng aking mga mata. Ang mata ni Art ang sumalubong sakin. Nagtaas siya kilay. Umirap na lang ako dahil sa inis. Argh! Hindi ko talaga alam, bakit ganito ang nararamdam ko. Ah basta naiinis ako ngayon! Hindi ko alam bakit?.... I don't know.
Tinuon ko na lang kila Nikka ang pansin ko. Nabubwesit pa ako kila Warren at Casper dahil ang tagal nila, gusto ko ng umuwi nang hindi ko na makita ang perpektong.... Este ang pagmumukha ni Art!
Lumapit ako sa table nila para kausapin si Aira. Katabi niya sa kanyang kaliwa si Axel, kaharap naman nila sila.... Art.
Kitang kita ko ang mga mata ni Art na nakatingin sakin habang papalapit ako sa kanila. Ngayon naman ako ang nagtaas ng kilay. Ano ka ngayon? Hmp. Nag iwas siya ng tingin at nakita ko ang paggalaw ng panga niya. Naiinis kaya siya? Well, good. Mainis ka dahil nainis din ako sayo kanina!
Nang makalapit ako kay Aira. Kinalabit ko siya, umakto akong normal dahil alam na naman ng katawan ko na malapit ako sa kanya. Gosh gan'to na lang ba lagi? Gusto ko na talagang umuwi.
"Mm?" Sabi ni Aira "Ano 'yon?"
"Ahm. Wala pa ba sila Casper? Matagal pa sila?" Tanong ko sa kanya
Lumingon siya sa likod niya bago ako sagutin.
"Sandali lang, ichecheck ko lang sila" Tumayo siya at naglakad patungo sa Boyfriend niyang ang tagal tagal kumilos
Dahil nandito naman ako. Umupo na 'ko sa pinag upuan ni Aira kanina. Kahit alam kong siya ang nasa harap ko. Pipigilan ko na lang ang nararamdaman ko dahil, ito na ang huli naming pagkikita. Hindi na muli kaming magtatagpo. Yes!
"Are you tired?" Napalingon ako sa katabi kong si Axel. Hinarap ko siya.
"Uh huh" Tumango din ako.
"Patapos na din sila Casper" Aniya. Tumango na lang ako.
Alam ko kapag humarap ako ang mukha ni Art ang makikita ko pero, hahayaan ko na lang 'yon.
Nagtagpo na naman ang mata namin. Sa pagkakataong ito hindi na 'ko nag iwas ng tingin. Tinignan ko lang siya. Hindi ako iiwas ng tingin dahil gusto ko siya ang unang umiwas
Nang nag isang minuto na ang titigan namin, alam ko na ramdam na nang iba ang titig naming dalawa. Nakaramdam na 'ko ng hiya.
Nakita ko ang pag angat ng labi ni Art. Shit! Nag iwas na 'ko ng tingin kahit ayoko. Ayoko lang na may maisip na kung ano ang ibang kaibigan namin.