Nakabalik na ang iba matapos nilang mag sayaw sa dance floor. Medyo dumami kami ngayon sa table namin dahil hindi pa rin umaalis ang mga babaeng kinuha nila Jeyel. Nakikipaglandian pa rin!
Balik ulit kami sa pwesto, kasama ko ulit sa sofa sila Daniela at Nikka. Mabuti na 'yon dahil ang lakas ng tibok ng puso ko sa tuwing malapit ako kay Art.
Mas lalong umingay ang loob, nagsisigawan na ang mga tao at may Mc na din. Hudyat na magsisimula na ang laro!
Nakadepende sayo kung gusto mong sumali sa laro, at kung minsan kapag napagtripan ka ng mga kaibigan mo, isasali ka nila ng sapilitan. Tulad ng nangyari kay Nikka last year, napatripan siyang isali ng mga boys sa laro. Hahaha!
Lalong umingay ang dance floor ng magsalita na ang Mc. Nanunuod lang kami ng buong barkada dito. Dahil kami ang nasa gitna, kitang kita namin ang lahat.
"Are you readdyyyyy!" Sabi ng Mc.
Naghiyawan naman ang mga tao, kasama na do'n ang mga boys.
"Exciting" Masayang sabi ni Casper na halata mo talagang naeexcite.
"Yeah, bago kaya yung palaro? Well. Sana! Hahahaha"
Habang sinasabi ni Warren 'yon nakatingin siya kay Nikka. Buti na lang walang alam si Nikka, Hahahaha.
"Oh, bakit sakin ka nakatingin?" inis na sabi ni nikka.
Hm, mukhang narinig niya pala hehehe
"Wala!" natatawang sagot naman ni Warren sa kanya.
Tumingin na lang ulit ako sa harap napaliwanag na ng Mc ang gagawin.
Hindi ko man lang narinig! hmp.
"Whooooooaaa"
"Mukhang maganda 'yan mag eenjoy kami"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH"
Tawanan ng lahat dahil sa sinabi ng lalaki hindi ko tuloy alam bakit dahil hindi ko narinig ang instruction ng laro! Huhuhu.
Nagsimula ng maglapitan ang mga lalaking volunteer na sumali at ang iba naman, tulad ng sinabi ko kanina sapilitan silang sinasali mga kaibigan nila. Natatawa na lang tuloy ako.
"Wala bang sasali sainyo?"
tanong ni Jeyel samin."Kung gusto mo ikaw na lang parang interesado ka e Hahahaha" Sagot sa kanya ng kaibigan niyang si Marco.
"Try it. Jeyel" Wika ni Art na may ngisi sa labi. Napatingin ako sa kanya.
Nagulat ako ng magtama ang mga mata namin kaya umiwas agad ako.
Grabe. Ang lakas ng karisma niya kahit wala siyang ginagawa, malakas pa rin ang dating niya. Kahit simpleng t shirt lang na puti siguro ganon pa rin.
Nag aaral kaya siya? Saan naman? Anong grade na niya? Sikat kaya siya sa school nila?
Siguro....
Imposibleng hindi. Halata nama---
Napatigil ako sa pag iisip ng tumayo si Art sa kinakaupuan niya.
Anong gagawin niya?!
Is he volunteer?
"Sasali ka dude?" tanong sa kanya ng pinsang niyang si Ally.
Tumungo lang siya at naglakad na papunta sa harap.